Chapter 6

19 3 1
                                    

Lisa's Pov

"Baby, aren't you curious about that? Bakit Jane ang tawag niya sakin?" I looked at my wife meaningfully.

Simula ng makapasok kami sa kwarto ay hindi na siya mapakali sa kakaisip tungkol sa sinabi ng lola Iu ni Nayeon.

"Maybe may kakambal ka?" I joked at her para naman mabawasan ang frustration na nararamdaman niya pero hindi man lang siya tumawa.

I sighed before holding her hand and pulling her for a warm hug.

"Wag ka ng mag isip ng kung ano ano okay? Baka nagkakamali lang yun si Lola kasi diba nga may katandaan na rin siya?"

"Bakit naman niya sasabihing pumunta na ako dito noon kung hindi naman yun totoo diba?" Bumitaw ito sa kamay ko at naglakad papunta sa bintana.

"Maybe you're right baby. Maybe may kakambal ako pero bakit hindi ko man lang alam? Bakit walang sinasabi ang daddy tungkol dun?"

I shrugged my shoulder as I answer her question.
"Malay ko. Tsaka hindi naman tayo siguradong totoo yung hula ko"

"I have to find out. Hindi ako mapapakali hanggat hindi ko nalalaman ang totoo" she sighed then get her cellphone from her bag then dialed someone's number.

For sure it's Tito.

"Hello dad? I want to ask you questions. Please answer them all" yun agad ang bungad niya sa daddy niya pagkasagot palang neto ng tawag.

I signaled her to click the loudspeaker so I could hear their convo na agad naman niyang ginawa.

"Hello Jennie anak? What is it? Is it important? About ba sa work-" he doesn't even finish his word when Jennie interrupted him.

"May kakambal po ba ako?"

The other line was silent when she asked that question. Wala ni isang salita ang lumabas sa bibig ni Tito.

Jennie asked her father again for the second time pero hindi pa rin sumasagot si Tito.

"Dad please answer my question. May kakambal po ba ako?"

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Tito sa kabilang linya bago sumagot kay Jennie.

Lola Iu's Pov

"La pahinga na po muna kayo. Baka po pagod kayo kaya kung ano ano ng pinagsasabi niyo"
Nilingon ko ang apo ko habang may hawak itong isang baso ng tubig na inabot niya sakin.

"Apo, kailan at saan mo ba nakilala si Jane?"

Malalim na bumuntong hininga ito bago naupo sa tabi ko.

"Lola hindi po Jane ang pangalan niya. Jennie po Lola. Siya po si Jennie Park Manoban at yung babaeng kasama niya ay si Lisa Manoban asawa niya po yun" mahabang paliwanag niya sa akin.

Jennie? Ngunit dalawang buwan ang nakalipas ay nagpakilala siya bilang Jane. Kung hindi siya iyon,
Ay sino ang babaeng kamukhang kamukha ng kaibigan ng apo ko ngayon?

Nakapagtataka man dahil pareho nilang nakuha ang mukha at boses ng kapatid kong si Jennie. Imposible namang maging dalawa ang reincarnation ng kapatid ko.

"Lola ayos lang po ba kayo?" nabalik ako sa reyalidad ng magsalita ang apo ko.

Tumango ako. "ayos lang ako apo. Kung ganon ay Jennie pala ang pangalan ng iyong bisita? Nakamamangha namang kapangalan at kamukha niya pa ang Lola Jennie mo"

Nginitian ko ito ng matamis na agad din niyang sinuklian.

"Oo nga po eh. Una din po ay hindi ako makapaniwala. Totoo po pala ang reincarnation noh Lola?"

Hinaplos ko ang buhok nito at marahang sinuklay suklay gamit ang mga daliri ko.

"Noon ay hindi ako naniwala sa mga reincarnation na yan apo ngunit dala ng kuryusidad ay naghanap ako ng libro na nagpapaliwanag tungkol sa reincarnation at doon ko nalamang totoo ang bagay na yun"

Pinagmasdan niya lang ako at tahimik na nakikinig sa kinukwento ko sa kanya.

"Sa katunayan ay lahat tayo ay may mga nakaraang buhay. Maswerte lang ang mga taong kayang alalahanin ang buhay nila noon. Kung ano at sino sila" ngumiti ako habang patuloy parin sa paghaplos sa buhok ng apo ko.

"Ngunit sa sitwasyon ni Jennie ay hindi ako sigurado. Hindi naman maaaring maging dalawa ang pangalawang buhay ng isang tao"

Sabi ko sa isip ko habang nakatitig ako sa litrato ng nag iisa kong kapatid.

"Hindi po ba kayo masaya na nagawang alalahanin ni Jennie ang past life niya? Which is si Lola Jennie po"

"Syempre naman apo masaya ako. Sa pamamagitan ni Jennie ay nakikita at naaalala ko ang kapatid ko"

"Pero may mga katanungan akong kailangan pa ng kasagutan" dugtong ko sa isip ko.

Magsasalita pa sana siya nang makarinig kami ng tatlong sunod sunod na busina sa labas ng bahay. Kasunod noon ay ang mahinang katok sa main door ng bahay.

Agad na tumayo si Nayeon at naglakad palabas ng kwarto ko kaya wala akong ibang nagawa kundi ang sundan siya. Nakita kong dahan dahan niyang binuksan ang pinto at natigilan ito ng makita kung sino ang nasa labas ng bahay.

"Anong ginagawa mo jan? Diba nasa kwarto kayo ni Lisa? " Halata ang pagtataka sa tono ng pananalita niya.

Marahang ngumiti ang babae at dahan dahang inilibot ang paningin sa loob ng bahay. Hindi nagtagal ay nagtama ang paningin namin.

Agad siyang ngumiti ng makita ako.
"Lola Iu! Diba sabi ko naman po sayo babalik ako?" bati niya ng may malawak na ngiti sa labi.

Nagtatakang lumingon naman sa akin ang apo ko. Halatang halatang naguguluhan na siya sa nangyayari.

Simple akong ngumiti at lumapit sa babaeng nasa labas ng pinto.

"Dalawang buwan kitang hinintay. Bakit ngayon ka lang bumalik?" ngumiti ito ng simple tsaka ako niyakap.

"Pasensya na po La, madami lang po kasi akong inasikaso nitong nakaraan kaya hindi nakabalik agad"

Ako ang unang bumitaw sa yakapan namin saka siya hinarap. Marahan ko siyang hinila para maupo sa sofa ng marinig ko ang pagbukas ng pinto mula sa kwartong pinagtutuloyan ng mga bisita namin.

"Nayeon saan ang banyo niyo. Naiihi na kasi-"
Naputol ang sasabihin sana niya ng makita ang babaeng nasa may gilid ko.

"W-who are y-you? B-bakit-"

"Baby sama nako sa banyo-... what?! S-sino ka? Bakit magkamukha kayo ng asawa ko?"

Jennie's Pov

"Lola sino po siya?" Gulong gulo na ako pero pinapanatili ko pa ring kalmahin ang sarili at magtanong.

"S-siya si Jane" and my heart literally stop beating for seconds.

For the Second timeWhere stories live. Discover now