Chapter 4

51 4 1
                                    

Jennie's Pov

Hunyo 2, 1979

Alas dose ng madaling araw ngayon, saktong pagpasok ng ikalawa ng hunyo ngunit hindi ko batid kung bakit ako nasa Bantay kampana ng mag isa habang panay ang pagtulo ng aking mga luha.
Ngunit isa lang ang aking nasisiguro, at iyon ay may kasama ako ng oras na iyon. Isang taong pinangakoan kong hahanapin ko sa susunod na magiging buhay ko.

Hunyo 23, 1979

Hapon na ng makauwi ako galing sa bantay kampana. Hindi ko alam ngunit pakiwari ko'y labis na ispesyal sa akin ang lugar na iyon.

Hunyo 30, 1979

Kanina pa labis na sumasakit ang aking dibdib kasabay niyon ay ang labis na kalungkutang aking nararamdaman. Sa hindi ko malamang kadahilana'y lagi kalungkutan at kakulangan sa aking pagkatao ang aking nararamdaman.

"Jennie baby dinner is ready" natigil ako sa pagbabasa ng diary ng magsalita si Lisa at sumulpot sa pinto.

"Nagluto ka? Why?" ngumiti siya bago lumapit saakin para ako'y pangkuin.

"Nagugutom nako eh. Kanina ka pa nagbabasa jan ayaw naman kitang istorbohin kaya ako nalang ang nagluto. So now, wrapped your arms on my neck para makababa na tayo" sinunod ko naman ang sabi niya at hindi nagtagal ay naramdaman ko nalang na tumayo na siya.

1 month had already passed at masasabi kong sa loob ng 1 month na yun never niya ng nabanggit pa si Jennie Kim.

"Baby tanong ko lang anong ikinamatay ni Jennie?" gulat na napatingin siya sa akin pero ngumiti din ng makabawi.

Lisa's Pov

I stare at her eyes for a couple of minutes dahil sa tanong niyang iyon. I haven't been thinking about Kim these past few weeks kasi inabala ko ang sarili ko sa Asawa ko.

"Jennie Kim? As far as I remember namatay siya dahil sa sakit sa puso"

Flashback

Nang makarating kami ni Jisoo dito sa Vigan sobrang dami na ng pinagbago. Ibang iba ito sa Vigan na napuntahan ko sa past time. Pero madali naman naming nahanap ang bahay nina Jennie kasi yun lang ata ang natatanging bahay dun na walang pinagbago.

"Magandang Umaga po.." bati ni Jisoo sa labas ng bahay, dahilan para may sumulpot na isang babaeng matanda. Sa tansya ko ay nasa 60+ or 70 na ang edad.

"Magandang umaga din sainyo mga hija" ani ng matanda habang palipat lipat ang tingin samin ni Jisoo.

"Anong maipaglilingkod ko sainyo?"

Jisoo look at me first before returning her gaze to the old lady and ask..

"Dito po ba nakatira si Jennie rubyjane Kim?" nangunot agad ang noo ng matanda pagkarinig pa lang ng pangalan ni Kim.

"A-anong kailangan niyo sa kapatid ko? Halikayo
pasok mga hija" umatras ito ng kaunti para bigyan kami ng daan kaya tumuloy na kami.

"Maupo kayo" then she sat in front of us sa pang isahang sofa.

"Ako nga pala si Iu. Ako ang nakatatandang kapatid niya at oo dito nga siya nakatira pero matagal ng patay ang kapatid ko 1980 pa" napatango naman kaming pareho ni Jisoo kahit alam naman na namin yun.

For the Second timeWhere stories live. Discover now