Chapter 5

21 3 1
                                    

Nayeon's Pov

"Gaano katagal na ba nung last na uwi mo sa Vigan?" she looked at me then return her gaze to Lisa na sinusubuan niya habang nagmamaneho.

Mukhang wrong choice ata na sumabay ako sa kotse nila kasi nilalanggam nako dito dahil sa dalawang to.

"Matagal na din mga 8 or 9 years?" then I smile awkwardly at them.

Tumingin naman saakin si Lisa gamit ang rear view mirror. "Ganon katagal na? Grabi naman. Bakit hindi mo man lang naisipang umuwi?"

"Nag aaway kasi kami ng Lola Iu ko pag umuuwi ako dun kasi gusto ko na siyang kunin at dalhin dito sa Manila kaso ayaw niya" I sighed then look at the window.

"Kaya para hindi kami mag away, hindi nalang ako umuwi" Nilingon ko ulit sila at nakita ko ang awa sa mga mata ni Jennie.

Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na kamukhang kamukha niya ang Lola Jennie ko. Nangyayari pala talaga ang reincarnation sa totoong buhay.

"What's her reason ba kung bakit ayaw niyang umalis dun?" Jennie ask making me sigh again.

"Sabi niya dahil dun sila lumaki ni Lola Jennie kaya ayaw niyang malayo sa lugar na yun" Jennie's eyes become teary when I say those.

Ang soft hearted naman ng taong to.

"Aww she really love her sister noh?" I nodded. Kasi totoo naman. Simula bata pa kami laging si Lola Jennie ang kinukwento niya saamin eh.

Pati sa pagkukwento ng love story nila ni Lolo, laging nakakasali ang tungkol din sa love story daw ni Lola Jennie na sa panaginip lang daw niya nakikita.

After hours of the trip, nakarating din kami ng safe kahit muntik nakong mamatay dahil sa inggit.
Ang sweet sweet ng dalawang to. Ang perfect ng relationship nila.

"I-park mo nalang jan sa tabi Lisa" I got out of the car na agad ding sinundan ni Jennie. Halos magkasunod lang kaming pumasok.

Nauna lang ako para batiin ang Lola ko.

"Lolaaaaa" bati ko habang malawak ang ngiti
Agad namang napangiti ang Lola ko ng makita niya ako kaya tumakbo ako palapit sa kanya para yakapin siya.

"Lola may surprise po ako sayo" I said as I look at her face. She cupped my cheeks and said..

"Presensya mo palang apo nasurpresa na ako" that made me smile. Kahit kailan talaga ay sweet ang Lola ko.

Matamis ko itong nginitian kasabay ng paghaplos ko sa kamay niyang nasa pisngi ko parin.

"Alam ko naman po iyon. Pero mas masusurpresa kayo ngayon Lola"

"Talaga? Osiya Anong surpresa ba ang tinutukoy mo?" Nakangiting saad neto habang nakatuon pa rin sa akin ang mga mata niya.

Dahan-dahan kong inalis ang kamay niya sa pisngi ko at lumingon sa pinto kung saan kakapasok pa lang ni Jennie. Nginitian ako nito bago bumaling kay Lola Iu ang mga mata nito.

"Magandang hapon po" Naramdaman kong natigilan si Lola ng marinig niya ang boses ni Jennie kung kaya't nilingon ko siya at nabigla sa nakita ko.

Tumulo ang isang butil ng luha sa mata ng Lola ko kahit hindi niya pa nakikita kung sinuman ang nagsasalita.

Jennie's Pov

"Magandang hapon po" pagkabigkas ko palang nun ay nakita kong natigilan ang Lola ni Nayeon. Marahil ay nakilala niya ang boses ko.

Minsan ng nasabi saakin ni Lisa na magkaparehong magkapareho kami ni Jennie Kim. Simula mukha, buhok, mata, ilong, labi, sa paraan ng pag ngiti at higit sa lahat ay pati ang boses.

Lumapit ako sa kanya at lumuhod sa harapan nito para magtama ang mga mata namin. Dun ko lang napansin na umiiyak na pala ito.

Ngumiti ako ng simple "Magandang umaga po Lola Iu. Ako nga po pala si.."

Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng yakapin niya ako ng sobrang higpit kaya wala akong ibang nagawa kundi ang yakapin siya pabalik habang hinahaplos ang likod niya.

"B-bakit ngayon ka lang bumalik? Hindi bat nangako kang babalik ka lang?"

Hindi ko alam kung ano ang sinasabi ng Lola ni Nayeon pero hinayaan ko na lang siyang magsalita.

Hindi nagtagal ay bumitaw din ito sa yakap at pinunasan ang sariling luha.
"Hindi bat nangako ka? Bakit ngayon ka lang bumalik? Hinintay kita ng..."

Hindi ko man maintindihan ang sinasabi niya ay pinutol ko na lamang ito at sinabing...
"H-hindi po ako si Jennie K-kim... Ako po si.."

"Alam ko. Alam kong hindi ikaw ang kapatid ko. Sinabi mo na iyan noong unang punta mo dito hindi ba?" Nagtaka ako agad sa sinabi nito kaya nilingon ko si Lisa at puno rin ng pagtataka ang mukha niya.

Ngayon ang unang beses na pumunta ako dito. Paanong nangyaring nasabi niyang pumunta nako dito noon?

Lumapit sa amin si Lisa at hinawakan ako sa magkabilang balikat habang nakatuon ang mata nito sa matanda.

"Ah Lola baka po nagkakamali po kayo. Ngayon palang po nakapunta dito ang asawa ko. Kung meron man pong nakapunta dito noon ay ako po yun" paliwanag ni Lisa pero umiling lang ang Lola ni Nayeon.

"Naaalala kita hija. Tandang tanda ko pang pumunta ka dito pero hindi ako maaaring magkamali" sagot nito pabalik kay Lisa.

"Pumunta na dito ang asawa mo noon. At sigurado ako dun" dagdag niya pa.

Nilingon naman ako ni Lisa na tila'y nagtatanong kung totoo ba ang sinasabi ng matanda kaya umiling ako.

"Ngayon ang unang pagkakataon na pumunta ako dito Lisa. Kahit kailan ay hindi ko pa natuntun ang lugar na ito" Saad ko kaya tumango naman siya at bumaling kay Nayeon.

Nayeon sighed then hold her grandma's shoulder then gently rub it.

"Lola baka nagkakamali lang po kayo. Baka po pagod kayo? Uminom na po ba kayo ng gamot niyo?" Nilingon ako muli ng Lola niya bago ito bumaling sa kanya at ngumiti.

"Baka nga ay nagkakamali lamang ako apo. Osiya samahan mo na ang iyong mga bisita sa mga silid na pagtutuluyan nila. Asikasohin mo silang maigi ha?"

Bumaling itong muli sa amin ni Lisa at ngumiti.
"Magpahinga na muna kayo ng asawa mo, Jane" I frowned with the name si called me.

Jane? Who's Jane? Bakit niya ako tinawag na Jane?

Mga tanong na nasa isipan ko at gusto kong mahanapan ng kasagutan ngunit bigla akong nabalik sa huwisyo ng maramdaman ko ang mahinang paghaplos sa pisngi ko.

Duon ko lamang napansin na nasa harapan ko na pala si Lisa at wala na si Nayeon at ang Lola niya dito sa Salas.

I nodded and smiled at my wife before standing. Binuhat naman ni Lisa ang bag na dala namin bago hinawakan ang kanang kamay ko.

But my mind was full of thoughts that seeking for answers. Gaya na lamang ng iniasta ng Lola ni Nayeon at kung bakit Jane ang tawag niya saakin.

For the Second timeWhere stories live. Discover now