Chapter 2

22 0 0
                                    

That night was one of the craziest nights I have ever had. Mas malupit pa kesa sa mga bar sa NYC! Probably because I'm surrounded with people who are crazier than me. Caleb never left my mind. One dreamy arrogant bastard. Matapos ang encounter namin ay hindi ko na ulit siya nakita sa central.

Today is my first day as a secretary sa isang law firm na pinapasukan ko. I've already passed the board exams and is a certified lawyer pero still, I don't want to use my dad's money and name para lang magkaron ng sariling pangalan--though using his credit cards won't hurt to get me by.

Si Cha naman ay mag-iisang taon na sa lawfirm sa alabang kung saan siya pumapasok. Today, as a stepping stone, I am an assistant to the head lawyer of Martniez Corp. the largest most prestigious lawfirms in asia. Lahat ng naproduce nilang lawyers ay bigatin na ngayon! Karamihan naging politicians, ung iba naman judges.

I wore my most decent attire. A red long sleeve poli with sheer fabric and my favorite bandaged skirt na hanggang tuhod. Sinuot ko rin ang Jimmy Choo pumps ki na color black. Ramdam kong lahat ng mata ay sakin nakatingin. Pagkapasok ko ng opisina, nakita ko ang lamesa ko, maliit pero tamang tama lang ito sakin.

"Hi," bati ng isang chinitang babae. Ang cute niya. Para siyang manika. Maputi rin siya gaya ni Cha, bob cut ang buhok at matangkad. "Ako nga pala si Ella Qing. Isa sa mga lawyers dito."

Nakipagshake hands ako sakanya at ngumiti. "Sam Oliveros." Pakilala ko. Nilapag ko ang macbook pro ko sa kalawa ko at ang desktop computer naman ang nasa kanan.

Ngumiti si Ella sakin. Maganda talaga siya. "Alam mo sa lahat ng naging empleyado dito, ikaw na ata ang pinakamaganda."

I scoffed. "Grabe kakakilala pa lang natin nambobola ka na agad! Tomboy ka ba?"

Umiling siya. "Hindi noh, talagang naappreciate ko lang ang mga magagandang mukha." Sabi niya. "Anyway, ingat ka sa boss natin. Mahilig un sa magaganda."

Kumunot ang noo ko. OMG, is he some sort of dirty old man?! Hindi ko kakayanin magtrabaho sa ganitong environment kung ganon.

I busied myself with paperworks, filing the old and solved cases and arranging my stuffs into the cabinets and drawers. Hindi ko namalayan ang pagdating ng head lawyer ng firm.

"Sam, pinapatawag ka ni sir Martinez." Tawag ni Ella.

Tumango ako. Eto na, I'm entering the lion's den.

Malinis ang loob ng opisina niya at mabango. Tinango ko ang swivel chair na nasa gitna at nanlaki ang mga mata ko. Ang head lawyer ko na yata ang pinaka-guwapong nilalang na nakita ko.

"Hi Ms. Oliveros, we meet again." Ngiti niya. Siya yung lalaki sa bar. I was so engrossed in trying to remember his name pero hindi ko na talaga maalala.

"What?" Ngumiti siya and there's that dimple again! Damn stupid hot dimples! "Don't tell me you forgot my name?"

Ngumiti ako. Kahit na boss ko siya, I won't get those smoking hot eyes and dimples get to me. "I'm sorry sir but my mom taught me not to talk to strangers and to mingle with guys who want to get into my pants."

Tumawa siya ng malakas. "Grabe, ang talas ng dila! That's what I like about you!"

Kumunot ang noo ko. Is this guy crazy? A stalker? A pervert?

"Sorry, I just never met someone like you." Tumayo siya. "Tama ka. If I had a daughter as beautiful as you, tuturuan ko rin ng ganyan. We met on the wrong foot." Naglahad siya ng kamay. "I'm Caleb Martinez, head lawyer of this firm."

Ngumiti ako at shinake ang kanyang kamay. "Samantha Oliveros."

Tumagal ang kanyang mga titig at kamay sakin. Nakakakuryente ang hawak niya. Nagwawala ang dibdib ko.

"I hope you like it here so far. Magaganda naman ang facilities dito. In due time, makakahawak ka rin ng sariling cases mo."

Tumango ako. "I like it here. Hindi siya maingay compared sa ibang firms. Plus, it's an honor to be working under such a prestigious lawfirm."

"Pleasure's all mine, Miss. I just hope na despite the fact I'm your boss, you can still go on a date with me."

Nagtaas ako ng kilay. Is he seriously hitting on me right now? "We'll see, sir."

Ngumiti siya at ayan na naman ang puso ko sa kawawala.

He and SheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon