Halos gabi-gabi na kaming magkasama ni Caleb. Hindi ko na rin masyadong nagagamit ang sasakyan ko dahil hatid sundo ako ng loko. Gabi-gabi kaming nakain sa labas at nagtatagal siya sa condo ng mga 30mins pagkahatid niya sakin. It was a breath of fresh air being with him. Ang gaan sa pakiramdam.
Alam ko rin na natsi-tsismis na kami sa office, pero hanggang usap-usapan na lang sila kasi hindi naman sila uubra kay Caleb at siya ang boss. As for me, hindi rin naman sila uubra sa katarayan ko.
Nagkasundo na rin si Kuya at Charity. Ang alam ko, Charity told him she's not yet ready to get back with him kaya naman si kuya todo ligaw. He looks like a love-sick puppy na sunod ng sunod kay Cha kahit saan to magpunta. I am happy for them and I'm pretty sure their unborn child is celebrating in heaven with the reconcilation of his parents.
Nasa mood ako ngayong araw na to, kaya naman marami-rami na akong natatapos na files. Sa pagkakaalam ko, tanghali ngayon papasok si Caleb kasi diretso siya sa meeting niya with some clients this morning kaya naman nagulat ako ng may isang babaeng biglang dumating, asking for him.
Maliit siguro ng 5 inches itong babaeng ito. Maganda, maputi at straight ang buhok na mukhang rebonded. Dumiretso siya sa conference room matapos iguide siya doon ng guard.
"Sino yun?" Tanong ko kay Ella.
Ngumisi si Ella. Aba't talagang nakakaloka itong babaeng to!
"Yang hitad na yan, si Ms. Sheryl Gonzales yan. Rumored girlfriend ni sir Caleb bago ka dumating."
Tumaas ang kilay ko. Ang baba naman ng standard ni Caleb. "At ano naman ang ningi-ngiti mo diyan, ha?"
"Selos ka?" Mas lalong lumaki ang ngisi nito. "Wag kang magselos, hindi naman yan pinapansin ni sir. Siya lang naman nagpupumilit."
I smirked. Ilusyonada.
Siyempre, as a secretary, hindi ako pwedeng mag neglect ng duties ko. I still need to tend to my boss's clients and/or visitors. Pinagtimpla ko ang malanding hitad sa conference ng kape para na rin kabahan siya sa ilusyon niyang girlfriend siya ni Caleb.
"Ma'am, coffee?" I smiled.
Nilingon niya ako ang medyo nanlaki ang mga mata. Nainsecure na kaya ito sakin? Dapat lang kasi mas maganda ako sakanya.
She smiled bitterly. "Thanks. Anong oras babalik si Sir Caleb mo?"
"Before lunch daw nandito na si sir." I paused. "Will you be needing anything else?"
Umiling siya. "Makakaalis ka na."
Aba mataray! I nodded once. Nang papalabas na ako, bigla siyang nagsalita.
"Are you Samantha Olivero?" She rose to her feet at hinarap ako.
Nilapitan ko siya para iemphasize na kahit anong taas ng heels niya, mas matangkad pa rin ako sakanya. "Yes. Bakit?" Nagtaas na ako ng kilay.
"Ikaw pala ang dakilang mangaagaw." She stated na talaga namang nagpakulo ng dugo ko. "Ako lang naman ang fiance ng lalaking kinakalantari mo."
I scoffed. "Ako? Sa pagkakaalam ko, wala akong nilalandi. Sila ang nanlalandi sakin, hindi ako."
"Ah," she crossed her arms on her chest. "Matalas pala ang dila mo? Gusto mo bang masesante ka dito?"
Hindi niya talaga ako kilala. "Hindi panakot sakin yan, miss. Hindi naman issue sakin ang pera. Kung gusto mo, sampalin pa kita ng pera. Baka ikaw ang may financial problem?"
Namula ang mukha niya and glared at me. Sapul ba? "Kaya ba habol ka ng habol kay Caleb?"
Lalo siyang nagalit at biglang ibinuhos ang kapeng tinimpla ko sa braso ko.
Napatili ako sa init. Shit! Bagong kulo pa man din iyon! Naghapdi ang balat ko at dali-dali kong tinanggal ang blazer ko.
"Shit!" Bulyaw ko.
"Sam?" Biglang pumasok si Caleb.
sabay kaming lumingon sa gawi ni Caleb ng makapasok siya. Nanlaki ang mga mata niya ng makita si Sheryl at mas lalong nanlaki ang mga mata niya ng makita ang paso sa kanang braso ko. Dali-dali siyang tumakbo papalit sakin.
"What happened? Are you okay?" Tono ng pagaalala ang boses niya. "What did you do sheryl?"
Namutla ang hitad. Hindi siya nakapagsalita agad.
"Binuhos lang naman niya sa braso ang bagong kulong kape na tinimpla ko pa para sakanya!" Sumbong ko.
"Are you crazy?!" Caleb exclaimed. "Bakit mo ginawa yon?!"
"M-masama ang ugali niya, C-Caleb! Ang kapal ng mukha!"
I socffed habang hinihimas ni Caleb ang brason napaso at pinupusanan ang kape. "Ako? Tawagin mo ba naman akong mangaagaw at malandi! Inentertain pa kita at pinagsilbihan!"
Hindi na nakapagsalita si Sheryl. "C-Caleb.."
"Umalis ka na, Sheryl. Get out!" Ma-owtoridad na sigaw ni Caleb. Nagecho ang boses niya sa buong conference room. Nakakatakot.
Parang gripong biglang bumukas sa lakas ang pagpatak ng luha ni Sheryl. Part of me felt pity for her. Pero mas nangibabaw ang bwisit ko sakanya. Umupo ako sa isa sa mga swivel chairs.
"Are you okay?" Lumuhod si Caleb sa harap ko. "We should go to the hospital."
Hindi ko siya tinignan. Hindi ko siya kayang tignan. "Fiancee?"
He blinked twice. "Si mommy lang ang may pakana nun. I declined before it even started."
"Declined?" I scoffed. "Akala ko ako lang ang may excess baggage, ikaw din pala. Buti sakin namayapa na, sayo buhay pa at balak rin ata akong patayin."
He sighed. "Come on, Sam. Pagaawayan ba natin si Sheryl? Wala lang siya sa buhay ko. You are my life."
Then it hit me. Anong karapatan kong magselos? We're not even official. Tinignan ko lang siya. Kitang kita ang pagaalala sa mga mata niya.
"Why am I even acting this way? I don't have any right over you."
He smiled and brushed my cheeks with his hands. "Body and soul. Sayo. Sayo lang."
Feeling ko nakuryente ako sa sinabi niya. Ganun ba talaga kalakas ang epekto niya sakin? Handa naman na ba talaga ako?
"I don't know if I'm ready. I'm scared."
"Hindi kita pipilitin. Just love me at your own pace. No matter how long it takes. Kasi ako, ramdam kong mahal mo ako at alam kong ramdam mong mahal na mahal kita. Sagad. Kaya maghihintay ako."
I smiled at him. "Thank you."
"I love you too." He grinned ang kissed my hand.
BINABASA MO ANG
He and She
RomanceNasakanya na ang lahat--beauty, brains and wealth. Samantha Marie Olivero could not ask for more. Lahat ng kalalakihan ay sinasamba siya and the girls either want to kill her or be her. She was having a blast on her perfect life. Until one fateful d...