Hindi nawala sa isip ko si Caleb. Ganon ba siya kabilis sa mga babae? As the day goes by, pacurious ng pacurious ang nararamdaman ko sakanya. Like I want to get to know him better. Like there's something more to that easy-go-lucky facade. Naging abala din ako sa pag-aasisst sa mga cases ng firm. Interesado ako sa mga cases about child abuse, domestic violence, all about violationg the women and human rights. Galit ako sa mga taong umaabuso ng ibang tao mapababae man o lalaki.
Nandito ako ngayon sa cabinet malapit sa table ni Ella, across from my table para ayusin ang file ng isang kaso. Nilingon ko ang relo ko, lunch break na pala. Naglakad ako patungo sa table ko at nakitang mayroong take out ng jerry's grill dun. Binuksan ko ito. Inihaw na bangus ang ulam. Natakam ako dahil paborito ko ito. May sticky note ang plastic nito.
"Eat your lunch, miss. Enjoy and please don't tire yourself out. Dinner later perhaps? -C"
Ngumiti ako. He never missed a day na hindi ako bigyan ako ng lunch. Kahit na sobrang busy niya, palagi pa rin niya akong nahahatiran ng lunch. Kinain ko ng maligaya ang masarap na bangus na binigau niya sakin. I never had bangus as delicious like this before.
Lumapit sakin si Ella na nakangisi. "Galing na naman kay C?" Tanong niya. Isang ngiti lang binitawan ko sakanya. Masyado akong kinikilig para magsalita.
"Sam?" Tawag ng isang katrabaho ko na si Greg. Guwapo din ang isang ito. Kayumanggi pero maganda ang tindig ng katawan. Para siyang isang modelo kung hindi mo siya kilala.
"Ano yun Greg?" Tanong ko.
"Si sir Ed kasi sabi punta daw tayo sa police station bukas. May kukunin lang daw na files." Sabi niya.
Kumunot ang noo ko. "Kailangan talaga dalawa tayo?"
"Tayo kasi ang buddy sa opisina. Di ba may buddy system tayo.. Tska kailangan din kausapin natin ung mga pulis para kunan ng statement."
Tumango ako at ningitian ako ni Greg.
Nang makauwi ako sa condo namin, nakita ko si Dad na nasa loob. Nanlaki ang mga mata ko. Bakit siya nandito? Isn't he the one who banished me from our house? Nilingon niya ako at ngumiti. Dahan-dahan siyang lumapit sakin.
Itinaas ko ang kamang palad ko. "Save it dad, hindi bagay." Sabi ko.
"Baby girl, come back home. Your mom and I missed you so much." Sabi niya.
Mom. Namimiss ko na rin siya, pero hindi ang lalaking ito.
"Hindi ako uuwi. I don't want to stay in the same house as you." Sabi ko at umupo sa sofa. "You should leave."
He clenched his jaw pero bakas ang lungkot sa mukha niya. "I am sorry, Sam. I know it's my fault that--"
"Stop!" I interrupted him. "Wala kang karapatan ungkatin siya!" Naluha ako sa sakit. Ang sakit na naidulot ng sarili kong ama. Tumayo ako at hinarap siya. "Kasalanan mo ang lahat dad! Kung hindi dahil sayo ay sana nandito pa siya! Sana ay buhay pa siya! Siya na lang ang natitira sakin dad pero kinuha mo pa!"
Umiling siya. "Hindi ko alam anak, hindi ko alam! Kung alam ko lang, hindi sana nangyari ito.."
I scoffed. "Mahirap bang ibigay sakin ang kaligayahan ko? All I wanted was happiness from the man that I loved! Pero hindi mo naibigay yon! Kinulong mo ako sa sarili kong kwarto at--at.." Napahinto ako sa sakit na nararamdaman. "Get out!" Sigaw ko at tumakbo papasok ng kwarto.
Gabi nag magising ako. I must've cried myself to sleep. Bakit pa kasi siya nagpunta dito? He caused me enough damage already. Tumayo ako ng kama at nagtungo sa sala. Nagulat ako nang makita si Kuya Red doon sa sofa na nakadekwatro pang nakaupo.
"Kuya? What are you doing here?" Tanong ko at tumabi sakanya.
Ngumit siya at napansin kong mapula ang kaliwang pisngi niya. "Came here to make up to Cha." He chuckled. "But I got slapped."
Tumawa ako. "That's what you get for breaking the girl's heart."
Tumango siya at sumeryoso ang mukha. "And now I'm here to make everything right."
Tinapik ko ang hita ni Kuya. "You better go, kuya. She won't like it when she come home again and finds you here."
Tumango siya. "Tell her I'll be back tomorrow morning." Sinabi niya at lumabas na ng condo.

BINABASA MO ANG
He and She
RomanceNasakanya na ang lahat--beauty, brains and wealth. Samantha Marie Olivero could not ask for more. Lahat ng kalalakihan ay sinasamba siya and the girls either want to kill her or be her. She was having a blast on her perfect life. Until one fateful d...