Nandito kami ngayon ni Greg sa Sucat police station para humanap n evidence at materials para sa kaso ni Miss Winona Valdez, isang rape victim. Nakakaawa ang sinapit niya. Hinalay siya ng kanyang stepfather. Paulit ulit ito. Pinagbantaan siyang papatayin ang kanyang mommy kapag nasumbong. Pero hindi na kinaya ni Winona ang kahayupang ginagawa sakanya lalo na nang mangimbita ito ng mga kaibigan na siya ding humalay sakanya.
Matalino siya. Naglagay siya ng cctv camera sa kanyang kwarto at kitang kita doon kung paano ginapang at pinuwersa si Winona. Nasa video din ang pagconfess ng lalaki na papatayin niya ang mommy niya kapag nanlaban siya. Si Winona ay kasalukuyang nasa isang condo dito parañaque. I truly admire her courage and strength. Hindi lahay ng babae ay nakakapagisip ng tuwid sa mga ganoong sitwasyon.
It was truly heartbreaking seeing the hard evidence as well as hearing what the authorities have to say. Nalulungkot at naaawa ako para kay Winona. She does not deserve any of it. Sisiguraduhin kong mabubulok ang rapist na yun sa kulungan.
Medyo nagtagal din kami ni Greg dun sa police station. We needed to get every detail in order. It was around 2pm nang matapos kami. Biruin mo yun, halos buong araw kami doon!
"Hay salamat natapos din." Greg yawned. "Lunch?"
Tumango ako. "Perfect! I am so starving!" Sabi ko. Natanaw ko na ang sasakyan niya across the parking lot. Sa sobrang pagkagutom ko, dali dali akong tumawig nang hindi tumitingin sa kaliwa man o kanan kung may paparating. Muntik na tuloy akong mahagip ng motor. Mabuti na lang at nahila ako ni Greg.
Naramdaman ko ang kamay niya sa aking bewang. Malapad itong mga kamay at mukhang malakas. Ang lapit ko masyado sakanya, awkward, pero kahit paano ay nakakakilig. Guwapo kasi si Greg, mukha siyang model sa postura niya. Ramdam ko ang mabilis niyang hinga sa aking tenga.
"Careful, doll." Bulong niya.
Lumayo ako ng konti para makita siya. I smiled. "Thanks."
Bigla na lang niya akong hinalikan sa labi. Mabilis pero ramdam na ramdam. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya.
"I saved your life. I just claimed my price." Ngiti niya.
Aba't sira-ulo rin ang isang to! Nanlisik ang mga mata ko. Sasampalin ko na sana siya nang may biglang may pamilyar na boses na nagsalita.
"I ought to fire you, Greg." Sabi ni Caleb.
Ngumiti lang si Greg. "Caleb."
"What are you doing here?" Tanong ko.
"Fetching you for lunch. I saw that Greg. You stole a kiss from her."
Greg shrugged. "So? She's single, I'm single. Why not right?"
I scoffed. "That does not give you an access to my lips, asshole!"
Greg laughed. "Easy ka lang," sabi niya at lumapit sa tenga ko. "Effective di ba? Tignan mo, selos na selos siya."
Nanlalaki ang mga mata kong tinignan siya. He knew Caleb was coming? I sighed in disbelief.
"I'll let you slap me later. Sorry about that kiss. I just wanted to see my friend's jealos face." Bulong niya muli.
I scoffed. Seriously? I get a stolen kiss just to see a guy's reaction? The world must be going nuts. Nagulat na lang ako nang biglang kwelyuhan ni Caleb si Greg.
"Easy ka lang, bro." Tawa ni Greg. "Calm your tits. You don't want to beat the crap out of me in front of the police station."
Galit na galit si Caleb at nanlilisik ang kanyang mga mata. "You wanna bet on that?"
Tumawa ng mas malaks si Greg. "Relax, I'm just playing with you." Sabi niya at tinanggal ang kamay ni Caleb sa kanyang kwelyo. "See yah Sam. Sorry about that kiss. I know I'll get one hella of a bro-fight with that guy there but it's all worth it." Sabi niya at pumasok na sa loob ng kanyang sasakyan at nagdrive na papalayo.
Nagdalawang isip ako na kausapin si Caleb. Galit pa rin kaya siya. Sumulyap ako sakanya at nanlilisik pa rin ang mga mata niyang nakatitig sa papalayong sasakyan ni Greg. Bumuntong hininga siya at bumaling sakin. This time, his expression is gentle.
"Let's eat lunch?" Ngiti niya.
Ngumiti ako pabalik. Ito ang Caleb na kilala ko. Tumango ako at nagpunta na sa BMW X-6 niya.
Nagpunta kami sa BF homes at kumain sa Le souk. Isang persian/arabian cuisine restaurant. Masarap ang grilled chicken breast nila dito at pita bread. Si Caleb naman nagorder ng burrito at quesadillas.
"How was the investigation?" Tanong niya.
"Tiring, syempre. Ang dami namin kinausap." I paused. "Naaawa ako para kay Winona. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sakin kung sakin nangyari iyon. Baka nagpakamatay na ako."
Umiling si Caleb. "She's one strong woman. Ni isang bakas ng luha wala kang makikita sakanya." He sighed. "It's very depressing to talk about her. Let's talk about something else."
Sumubo ako ng chicken. "Like what?"
"Everything about you." He smiled.
Ayan na naman ang lintek na dimples na yan! "About me? Sorry, but there's nothing interesting going on in here."
He chuckled. "talaga? I find you so interesting. Ang way of thinking mo, opinions, likes and hobbies.. Lahat."
I cringed my forehead. "Why would you be curious with that?"
"I like you." He confessed that almost made me choke. "A lot."
I scoffed. "Just because you like me doesn't mean I'll start blabbing about myself." I paused. "Tska I've decided to celibate from men muna. I've had enough heartached to last me a lifetime."
Tinignan niya ako at inabot ang kamay ko. "Hayaan mong ako ang gumamot niyan." Seryoso siya. No more jokes this time.
Nagseryoso na rin ako. It's all so fresh to me. The pain, the loss and the heartache. "Hindi ako ang nararapat sayo, Caleb. Hindi mo alam ang pinagdaanan ko. Kapag nalaman mo, hindi mo na gugustuhin ang isang tulad ko. Kaya ngayon pa lang, layuan mo na ako."
Tumayo ako ng lamesa. Nagiwan ako ng one thousand pesos pambayad sa kinain. Siguradong badtrip yun sakin kasi hindi pa nga nanliligaw binasted ko na agad. Pero I know my decision's right. I don't want to rush things and get hurt in the end--again. I've been there before and no way in hell am I going back.
BINABASA MO ANG
He and She
RomantizmNasakanya na ang lahat--beauty, brains and wealth. Samantha Marie Olivero could not ask for more. Lahat ng kalalakihan ay sinasamba siya and the girls either want to kill her or be her. She was having a blast on her perfect life. Until one fateful d...