Chapter 6

9 0 0
                                    

Ilang araw rin akong hindi makapag concentrate sa work. Grabe sa twing napapadaan siya sa table ko o nagtatama ang mga mata namin ay talaga namang pagwawala ng puso ko. Pakiramdam ko para akong teenager kung kiligin. Pero sa sobrang busy ngayon sa office, hindi kami masyado nagkakasama ni Caleb. Papalapit na kasi ang hearing ni Winona kaya naman puspusan na ang trabaho namin.

I decided to go to gold's gym ngayong off ko. Kailangan mag relieve ng stress at baka ikapangit ko pa ito. Talamak makatingin ang mga lalaki dito. Malalaman mo kung sino ang manyak o hindi. Since kakaunti pa lang ang girls dito, nagdecide na lang ako na pumasok ng sauna para makaiwas sa mga manyak. Naabutan ko dito sa loob si Cha-cha.

"Babe akala ko may work ka today?" Tanong ko at tumabi sakanya.

"Natapos ng maaga. Plus, I'm hiding from Red." Ngiti niya.

Tumawa ako. "Kayo talaga, ba't di na lang kasi kayo magreconcile? Ayaw mo nun, may part two?"

She scoffed. "Wag na, baka mas lalo lang masakit."

Hindi na ako nag-pry. I don't want her to think that I am pressuring her to get back with my brother. We sat in silence and in the company of each other. Kahit na ganito lang kami, I know na nagko-connect kami in some ways. No words needed.

Nang mag-hapon ay nagdecide akong pumunta ng bahay ni kuya red. I wanted to hear the whole story of why Cha and kuya broke up.

Dito sa makati nakatira si kuya kasi malapit lang sa company ni dad kung saan siya ang president. Malaki ito, pero malungkot kasi mag-isa lang siya.

"So," panimula ko. "What exactly happened between you and my best friend?"

"Long story." He said and sat beside me at the sofa. "Basta nangyari to nung sa states pa lang."

"Galit na galit siya kuya." I stated.

Napangiwi siya. "Talaga? I hate myself too. At least we have something in common now."

I frowned. Ang drama ni kuya. "Did you cheat on her?"

"I wish it was that easy." He sighed. " nung nasa states pa tayo, we were so happy and inlove back then. Sakanya umikot ang mundo ko."

"Anong nangyari ngayon?"

He smiled bitterly. "On her 3rd year in Yale, I got her pregnant."

Nanlaki ang mga mata ko. Pregnant? Cha?! "What happened to the baby?"

"I was fucking happy back then. Pero at that time, may umaaligid sakanyang bastard. He sent me fake photos of her having sex with that son of a bitch. I shouldn't have believed it. But I did. I was so blinded with my anger. Sa sobrang galit ko, nawalan ako ng tiwala sakanya."

"Wait," I said. "Don't tell me na nagduda ka kung sayo ba talaga yung bata?"

He was silent. Silence means yes.

I scoffed in frustration and hit him in his arm. "Jerk!"

"I know." He paused. "Nung nakapagisip ako at narealize kong mahal ko pa rin siya at kaya kong tanggapin kung akin man yung bata o hindi, it was too late. Nakabalik na siya dito sa Pinas. It was too late nang malaman kong fake lang pala ang lahat. Pinaimbestigahan ko ang pictures and they told me it was photoshopped." He paused. "Fucking photoshop! Bakit pa kasi naimbento yang punyeta na yan!"

I could not believe it. Naninikip ang dibdib ko sa nangyari.

"And then on her 6th month of pregnancy, she had a miscarriage."

Mas lalo akong nanlumo. Ang sakit ng mga pinagdaanan ang bestfriend ko. Nahihiya akong humarap sakanya dahil kapatid ko itong ugok na ito.

"I was so hurt and guilty!" Kinusot niya ang mukha niya gamit ang mga kamay niya. "Wala ako doon nung mga panahong kailangan niya ako! Dapat nandun ako eh! Ang laki kong gago!"

I tapped his shoulders. "Gago ka nga."

"Language young lady!"

I smiled. "Pero kuya? It's not too late. Make it up to her. Pursue her no matter how hard it takes."

He smiled. "Been doing that since day one and I'm not planning on backing down.

I decided to go home na after sa bahay ni kuya. When I arrived, nandun si Cha, cooking dinner. Naaawa ako sakanya. Losing her child and being hurt by the man she loves, I know how broken she's feeling right now.

"Oh nandiyan ka na pala. I'm cooking pesto, want some?" She smiled.

I did not say anything. I slowly walked towards her and gave her a hug.

She was silent for a while. Until she finally spoke with tears streaming on her face. "Sinabi na sayo ng gago?"

I nodded and cried. Umiyak lang ako kasi yun lang ang magagawa ko.

"Ang sakit, Babe." Sabi niya.

I nodded again and sobbed. "I'm sorry."

She shook her head. "Wala kang kasalanan."

"Pero kapatid ko siya, you must be a bit pissed at me kasi connected ako kay kuya."

She shook her head again. "Of course not. Wala kang kasalanan. You've been very helpful and supportive of me. Labas ka samin ng kuya mo. Siya ang gago, hindi ikaw."

I chuckled. "Saan siya nakalibing?"

She smiled. "Tara puntahan natin?"

Nagpunta kami sa manila memorial kung saan may isang maliit na chapel na nakalaan para sa baby. Malapit lang ito sa may tulay kaya hindi mahirap hanapin.

"Every week ako pumupunta dito. Every sunday." Sabi ni Cha.

"Kaya ba wala ka kahapon sa bahay kasi nandito ka?" Tanong ko at naglapag ng isang boquet ng sunflower sa puntod niya. Binasa ko ang pangalan sa puntod. "Kurt Samuel?"

She smiled and nodded. "Baby boy sana. Kaso on my 6th month, nagkaron ako ng miscarriage. Umpisa pa lang kasi sinabihan na ko nng doctor na mahina ang kapit ni Kurt. Marami akong complications dahil sa cyst ko sa ovary plus my heart condition."

I blinked it shock. "What?!"

"Don't worry, the cyst is benign and my heart problem is stable. Pero nahirapan ako nun kasi yung mga gamot ko, as in stop lahat. Hanggang sa a week after ko malaman ang gender niya, nastress ako ng sobra at nagspotting. Dinala ako sa hospital. Pagkagising ko, terminated na ang pregnancy ko. Wala na siya."

Umiiyak ako sa mga kwento niya. Wala ako ng mga panahon na yun.

"We could have happy--sinunod ko siya sa pangalan mo. Kasi I wanted my baby to be like you. A fighter with a kind heart."

Hindi na ako nagsalita at nagpatuloy lang sa pagiyak. Hinawakan ko ang nitso ng puntod at patuloy na nangulila sa pamangkin ko.

He and SheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon