Chapter Ten

11 1 0
                                    

Dedicated to the one and only bangag, searchandrescue <3

Chapter 10:

“Good afternoon sir, ano pong order nila?” Nakangiting inaabangan ni Jannelle ang order ng customer habang wala syang kamalay malay na tinititigan lamang sya nito.

“Miss…?” Medyo pabulong na sambit ng lalaki.

“Yes po? Nakapili na po sila?” Nang sabihin iyon ni Jannelle ay malaya nya nang pinagmasdan ang lalaki. Chinito ito, may matangos na ilong at tamang kapal ng labi, mataas ang cheekbones nito na may dimples sa may parehang pisngi. She suddenly had the urge to pinch his cheeks but decided against it.

Almost… she almost recognized him.

“Ikaw ba si Jannelle, yung model?” Napahawak ang lalaki sa batok nito, kinakabahan at nahihiya dahil si Jannelle naman ang nakatingin sa kanya.

She didn’t answer him right away, unti-unti ay nakararamdam sya ng familiarity. “Ahhh…Opo?”

“Wow. Jannelle Santana? As in Jannelle Santana from Hallmark highschool? Alam mo bang tumugtog yung banda nya sa Random House? Ewan ko nga kung bakit sakin ka hinahanap ni Josh—‘’ Her eyes widened. Hindi nya kilala ang lalaking nasa harapan nya pero kung umasta at magsalita ito ay parang kilalang kilala sya nito.

Almost… she was almost thankful for the interference of her crew.

“Jann, hinahanap ka ni Mang Noel.”

Nanginginig ang boses ni Jannelle na nagtanong. “Si manager? Bakit daw?” Gusto nyang magpanggap na hindi nya naintindihan ang sinabi ng lalaking kausap nya pero paulit-ulit itong sumisiksik sa kanyang utak.

Inayos muna ng kausap ni Jannelle ang uniporme nito bago sumagot. “Walang nasabi eh. Ako muna papalit sa’yo.”

Rude man ang dating ay hindi nya na muling tiningnan ang kausap nya. Hindi sya mapakaling naglakad papunta sa maliit na opisina ng kanilang manager.

‘Alam mo bang tumugtog yung banda nya sa Random House? Ewan ko nga kung bakit sakin ka hinahanap ni Josh—’

Si Joshua ba yung tinutukoy nya?

Ibig sabihin ba nito, hinahanap ako ni Joshua? Ipinapahanap nya ko?’

Napatigil sya sa kanyang pakikipagmomonologue sa sarili nang tumama ang ulo nya sa pintuan. Agad nyang hinaplos ang noong tumama at binuksan ang pinto.

“Okay lang ako, sorry kung nagulat kita.” Nakataas ang parehong kamay ni Jannelle habang nagpapaliwanag sa nakaupong si Mang Noel.

Sa sobrang liit ng opisina na mayroon si Mang Noel sa loob ng McDo ay nanatili na lamang syang nakatayo sa gilid, inaantay na magsalita si Mang Noel.

“I’m firing you.” For a moment, nakalimutan ni Jannelle ang nangyari sa counter. She just focused on him, watched as he placed both of his hands on a brown desk.

Nakatayo lang sya, unti-unti ay nagsisink in sa kanyang utak ang huling tatlong salitang binitawan ni Mang Noel. She didn’t hate him for his decision, she couldn’t. Hindi ito kasalanan ng matanda.

‘So, this is it?’

“Alam mo namang ayaw kong gawin—‘’

“Hep! Ayoko ng ganyan Mang Noel. Usapan natin, bawal magdrama. Ako yung nakiusap sa’yo diba? Sabi ko kapag nakita mong hindi ko na kaya magtrabaho, tatanggalin mo na ko.” He nodded at her, forced a smile para mapigilan ang maiyak.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 31, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kwento ni Jannelle Romana Santana (Alternative Ending)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon