Chapter one:
Sunset
That was her every day reminder. A signal that her very first part time job for the day has finally come to an end.
Ang problema nga lang ay patuloy ang naging pagbuhos ng ulan nang araw na iyon. Kasabay non ay ang patuloy na pagdami ng tao sa loob ng fast food chain ng Mcdonald kung saan sya nagtatrabaho. Paniguradong kalahati ng tao sa loob ng pinagtatrabahuhan nya ay nandoon lamang upang antayin ang pagtila ng malakas na ulan.
“Bye bossing!” Nakangiting binuksan ng dalagang impleyada ang payong nito bago sumugod sa galit na pagtulo ng ulan.
“Aba’t bilisan mo na! Kanina pa tumatawag ang lovey mo.” Natawa nalamang sya lalo sa Manager nyang si Mang Noel. May katandaan na ito pero laging handa para makipagbiruan sa kanya at sa buong crew ng Mcdonald. Ang nakakalungkot lang ay maagang namatay ang kanyang asawa ng hindi man lamang nagkakaanak. Kaya heto ngayon si Mang Noel, kaharap ang mga tao ng nakangiti. Ngunit sa mga mata nito ay nakatago at napapansin mo lamang kapag nasilayan mo nang matagal.
Kapag nakasisigurado na ang matanda na nakatalikod ang lahat ay para bang tuluyan na itong bibigay sa kalungkutan. Noong unang beses na makita nya ito ay agad syang nakaramdam ng dalamhati sapagkat parang.. sya lang ito.
But that was all in the past. She didn’t want those memories back lalong lalo na ngayon.
“Puro ka talaga kalokohan bossing.” Nginitian lang sya ni Noel ng pabiro at tinaasan sya ng kilay papunta sa mesa ng isang customer na lalaki na kasalukuyang nakatingin parin sa kanya.
Pinaikutan nya lang ng mata ang matanda bilang tugon sa pangaalaska sa kanya nito at tuluyan ng lumabas ng McDonald. Napangiti nanaman ulit sya sa ugali ni Mang Noel. Araw araw nalang ay tutuksuin sya sa mga kawawang lalaki na matatapat sa kanya twing sya ang nasa cashier. Kung hindi naglalaway ay gusto naman syang talunin ng lalaking customer ang laging ibubulong sa kanya ng matanda. Hindi nya rin naman maitatanggi sa sarili nya na totoo nga kahit papaano ang mga pabirong paratang sa kanya ng boss nya. Isa na ngang halimbawa nun ay ang halos kaedad nyang binatilyo na parang glue ang dikit ng mata nito sa kanya kanina.
Mabilis na syang pumara ng masasakyang tricycle at hindi naman sya nabigo na may masakyan. Mga ilang minuto lang ang hinintay nya at nakarating na rin sya ng bahay.
Pagkababa nya ng tricycle ay nabigla sya sa kanyang nakita. Halos lumawa ang mata nya habang tumatakbo papasok sa gate nila.
“Anong ginagawa mo sa labas? Sus ginoong bata ka! Alam mo na nga yung lagay mo tapos..” Ginala nya ang mata nya sa katawan ng bata upang matingnan kung isusugod nya nanaman ba ito sa ospital.
Nginitian lang sya ng inosente ng bata sabay kuha sa kamay nya. Patuloy nya lang kinokwestyon ang bata habang naglalakad na papasok ng bahay.
“Where is he?” Nanggagalaiting tanong ng babae sa bata. Natakasan nanaman sya ng bata!
“Oh, somewhere. But mom?” Tanong sa kanya ng bata pagkasara nya ng pintuan.
“What?”
“Love you and.. beware of dad now.” The little girl even managed to giggle bago ito patakbong pumasok sa loob ng kwarto nito.
“You know your condition for goodness sake!” She just gritted her teeth while listening to him lecture her yet again. She didn’t want this.
Kasulukuyan syang naka-indian sit sa higaan at nakayuko. Pinaglalaruan nya ang dulo ng damit nya.
“How about her? You were so busy worrying about me that you forget all about her you.. you..” Kinagat nya na lang ang dila nya kaysa may masabi pa syang hindi maganda. She need not to call him an offensive name dahil by the mention pa lamang ng pagkalimot nya sa bata na nagantay sa labas sa malakas na ulan ay naguilty na ito.
She shouldn’t feel happy that she’s winning the argument but she is anyway.
“You know I apologized to her already.” Humina ang boses ng lalaking kausap nya na si Hunter sa hiya.
Ginugulo ni Hunter ang buhok nya in frustration at ginaya ang pag-upo ng dalaga. Hinarap nya ito at kinuha ang magkabilang kamay ng kausap nyang babae.
“I’m sorry. About her and this.” Hinalikan ni Hunter ang kamay nya na nagpabilis ng tibok ng puso nito.
Lahat ng inis, yamot, at pagaakusa ay nawala nalang na parang bula sa dalaga. She hated him when he would do this. Isama mo pa ang shaggy look at nagmamakaawang mata nito na susulyapan siya.
She looked away and gave a nod not trusting her voice.
“You’re still mad at me.” Akusa sa kanya ni Hunter kung kaya’t kinuha ng binata ang mukha nya at inilapit ang mukha nito sa kanya.
“Look at me” He urged her to’.
She made a silent prayer bago dahan dahang iginalaw ang mata nya papunta sa mga mata ni Hunter. Nagwawala na ang mga paru-paro sa tyan nya na parang gorilla.
When they locked eyes. Damn. Her heart almost died.
Given na may problema sa mata ang dalaga. Hindi ito makakita ng malinaw at sadly, walang salamin para sa mata ang makakapagpalinaw nito.
But every time Hunter would do this to her. Gaze at her like she was the only thing that ever mattered to him ay mawawala nalang ito sa mga mata nito. She was lost in his sea blue orbs. Lost in a good way.
Napabalik nalang sya sa ulirat nya nang isara ni Hunter ang mga mata nito.
“Damn it.” Binuksan na muli ni Hunter ang mga mata nya. “Don’t look at me like that, please.”
“Oh.” May halong pagkalungkot at pagkadismaya sa boses ng babae. Paniguradong hindi nanaman sya magandang tingnan. Biglang nabuhay sa dibdib nya ang insecurity.
“Hey, don’t frown. It’s just that… nevermind.” Tinanggal na ni Hunter ang pagkakahawak sa mukha ng babae at ginulo nya muli ang sarili nyang buhok.
“What? Too ugly?” She teased him. Mabilis nyang pinatay ang kakaonting nasilab na insecurity nya. She didn’t want that kind of thinking anymore.
“You know it’s not like that.” She took his right hand and interlocked it.
“What then?” Pagtatanong nya.
“When you look at me like that. It makes me want to.. kiss you.” He gave her a shy smile na ikinapula ng pisngi nya.
Tinanggal na ng babae ang pagkakahawak ng mga kamay nila at tumayo na.
“You gotta stop making fun of me.” Dahil baka maniwala sya. “I’ll be back. I’m just gonna check up on Em.”
“You know I’m not!” Seryosong seryosong sinabi ni Hunter.
“Whatever you say Mr. Anderson.”
Bago pa tuluyang makalabas ang dalaga ay bumulong pa si Hunter na sigurado nyang narinig rin naman.
“For what it’s worth, you take my breath away Jann. You always do.”
[] Barely Edited []
Picture of Hunter Anderson at the right side <3
BINABASA MO ANG
Kwento ni Jannelle Romana Santana (Alternative Ending)
Teen FictionAlternative ending of Kwento ni Jannelle Romana Santana. One, two, three, four, five, six? She counted it day by day. The years that she thought kept them apart. Long ago, you see. There was this girl named Jann. Snob, masungit at sinasabing may su...