Chapter four:
“Love, you seriously need to wake up.” A deep masculine voice proclaimed in a sing song voice. Jann’s eyes remained shut pero tuluyan nang nagising ang natutulog nyang diwa nang marinig ang boses ni Hunter. Hindi rin nakalagpas sa pandinig nya ang endearment na ginamit sa kanya nito.
All of a sudden, she felt a hand caressing her cheek slowly and steadily and that’s when her eyes finally fluttered open. She brushed off the quickening pace of her heart at nagsalita.
“What’s up?” Nakaramdam nang pamumula sa pisngi si Hunter dahil nahuli sya ni Jann sa akto na pinagmamasdan nya ito.
“You have class today, remember?” Binuhat ni Hunter ang may bandang binti ni Jann at ipinatong ito sa hita nya nang makaupo na sya sa dulo ng kama.
“Oh.” Yun nalang ang naisagot nya dahil naalala nyang may iba sya ngayong plano ngayong araw na ito. At hindi kasama sa plano nyang yoon ang pumasok. She diverted her gaze into the ceiling and started to feel uneasy.
“Why? What’s wrong?”
Pinagisipan nya muna kung sasabihin ba nya ang totoo dito o magsisinungaling. Alam nyang bubulabugin nanaman sya ng konsensya nya kapag nagsinungaling sya. Atsaka nangako na sila sa isa’t isa na hindi sila pwede magtago o maglihim ng kahit na ano.
“I sort of have a photo shoot?” She smiled innocently at him hoping na makakalusot sya kay Hunter.
“But I thought it was already clear that you won’t be taking any part time jobs when you obviously have classes.” Aware naman si Hunter na bukod sa pagiging cashier ni Jann sa Mcdonald ay isa rin itong model. Madalas rin ay kinukuha ito ng kumpanya hindi lang para rumampa bilang runaway model kung hindi para rin gamitin nila bilang model sa mga magazine nila.
At first, hindi nya alam kung bakit ayaw nalang tanggapin ni Jann ang lahat ng financial help na sinusubukan nyang ibigay. Pero sa huli, narealize nyang Jann hates to be treated na parang damsel in distress. After her operation sa mata five years ago, he saw the determination in her. Inilihim ni Jann sa tatay nya na nagtatrabaho sya at nagsimulang mag ipon. Letting her father know that she is going to be moving out with Miley wasn’t the easiest situation she had been in.
Buti na lamang ay hinayaan ni Jann na sya na ang mabayad para sa renta ng kasalukuyang tinutuluyan nila. Gusto pa nga sana ng dalaga nung una na hati ang pagbayad pero agad namang nakumbinsi ni Hunter na sya na ang magbabayad. Nakukuha ni Hunter ang lahat ng perang ginagastos sa hotel na itinayo ng mga magulang nya dito sa Pilipinas. Syempre ay nabagabag ang loob nya, habang sya ay nakahilata at nagaabang ng pera ay andoon si Jann at nagpapakahirap. Kung kaya’t kahit na sa sariling bansa nya ay ni minsan hindi sumagi sa isip nya ang pagtatrabaho ay naisipan nyang magtrabaho. Sya na ang nag manage ng hotel na iyon since nagtapos naman sya bilang HRM na kurso. Hindi lang simpleng pagsusupervise ang ginawa nya. Bilang sya ang head ng buong hotel ay kinailangan nyang siguraduhin na ang bawat parte ng hotel ay maayos. And well, more paper works for him.
“Why didn’t you tell me earlier? I’m coming with you.” Akmang tatayo na sana si Hunter nang biglang magsalita si Jann.
“No, you’re not. How about Miley? Who’s gonna watch over her?” Tinaasan nya ito ng kilay at nag pout.
“Sleep over, remember?” Tumungo na lamang si Jann sa sinabi nya. Madalas mag sleep over si Miley sa kapitbahay nilang may limang anak. Hinahayaan na lamang nila ang bata since nakakabagot nga naman na puro matatanda nalang lagi ang kasama nya.
“Don’t you have work? You’re slacking off again.” Pabirong sinabi ni Jann na sinagot naman ni Hunter na wala syang pasok ngayong araw. “Fine, you can come but be sure to behave yourself.”
BINABASA MO ANG
Kwento ni Jannelle Romana Santana (Alternative Ending)
Teen FictionAlternative ending of Kwento ni Jannelle Romana Santana. One, two, three, four, five, six? She counted it day by day. The years that she thought kept them apart. Long ago, you see. There was this girl named Jann. Snob, masungit at sinasabing may su...