Chapter Eight:
Biro? Marahil nga isa itong biro. Biglaan at sadyang nangyayari nalang sa pinaka hindi mo inaasahang pagkakataon. Ngunit hindi lang ito isang biro, because she couldn’t bring herself to chuckle or even crack a smile.
Hindi namamalayan ni Jannelle na unti-unti na syang humahakbang palayo. Gayunpaman, nananatili pa ring nakapatong ang kanyang mga tingin kay Joshua. Kanyang iniisip kung gaano nag-iba si Joshua simula nang huli silang magkita sa luma nyang bahay dati anim na taon na ang nakakaraan.
“No, please. Mahal na mahal kita.”
“Makakahanap ka rin ng para sa’yo Joshua.”
“No!”
“Malay mo magkita ulit tayo.”
“No..,” “Pag nagkita ulit tayo, promise me you’ll stay…”
Napabalik sya sa kanyang ulirat nang magtama ang likod nya sa dibdib ng taong nasa likuran nya. Sumasabay ang malakas na pagkabog ng dibdib nya sa maingay na tunog sa loob ng bar. Ang kanyang unang naging instinct ay harapin ang kanyang nabangga at humingi ng pasensya. Ngunit nang harapin nya ito ay umurong sa kanyang dila ang paghingi ng tawad. Para bang binuhusan sya ng malamig na tubig sa kanyang nakita.
“Aalis na ko.” Nanginginig na isinaad ni Jannelle kay Zach na katabi ang naka floral dress na si Ashley.
“Kakapasok palang naming tapos…” tumigil si Ashley sa pagsasalita nang masilayan nya si Jannelle. “Anong nangyari sa’yo? Nakakita ka ba ng multo?” may halong pagbibiro ang tono ng boses ni Ashley.
Mabilis namang kumilos si Zach at tinabihan ito para alalayan ang namumutlang si Jannelle. “Iuuwi na kita, tara.”
“Dito muna tayo kahit saglit lang, please. Ngayon lang naman ako hihingi ng pabor sainyo, nandito kasi ngayon sina Joshua Santiago at mga kabanda nya nung highschool pa sya. Parang may reunion sila or something.” Biglang nag-iba ang postura ni Zach sa pagkakabanggit ng pangalan ni Joshua. Lihim na nagngingitngit ang kalooban ni Zach sa lalaking iyon. Tingin nya ay ginulo nya lamang ang buhay ni Jannelle at simula non ay puro pasakit nalang ang dinala nya rito.
Hindi mapakaling inusisa ni Zach si Jann. “Nakita mo sya?”
“OMG, nakita mo na si Joshua?” natutuwang napatalon si Ashley. Nabanggit na minsan ni Jannelle kay Ashley ang tungkol kay Joshua ngunit ni minsan ay hindi man lang dumapo sa isipan ni Ashley na ang Joshua na binabanggit sa kanya ni Jannelle ay si Joshua Santiago rin pala na isa na ngayong sikat na mang-aawit sa ibang bansa.
Wala sa sariling tumungo si Jannelle habang ang isipan nya ay lumilipad. Gusto nyang tumakbo palayo mula sa kinatatayuan nya, para lang pigilan ang sarili nyang puntahan si Joshua. Dahil kapag nangyari nga iyon, hindi nya alam ang sasabihin dito. At higit pa doon, natatakot sya na baka hindi na sya maalala ni Joshua, na baka tuluyan na syang nabaon nito sa limot.
“Ano bang nangyayari? Bakit ba sobrang tense nyong dalawa?” Iniba ni Jannelle ang tingin nya at muli itong idinerekta sa hindi nya mapakaling mga paa.
She didn’t decide at the end after all. Hinayaan nya lang na kunin sya sa balikat ni Zach palabas ng bar. Once again, she let him slip out of her grasp. Sinara nya ang kanyang mga mata at hinayaan nyang atakihin sya ng sakit ng nakaraan.
Sobrang sakit, ang bigat nalang lagi sa loob.
Because maybe, it really isn’t meant to be. Na baka once upon a time, ipinagtakpo lang sila ng tadhana para turuan sila ng leksyon.
BINABASA MO ANG
Kwento ni Jannelle Romana Santana (Alternative Ending)
Teen FictionAlternative ending of Kwento ni Jannelle Romana Santana. One, two, three, four, five, six? She counted it day by day. The years that she thought kept them apart. Long ago, you see. There was this girl named Jann. Snob, masungit at sinasabing may su...