Chapter Seven

45 4 2
                                    

Chapter Seven:

Maagang nagising si Jannelle nang umagang iyon. She was cautious as to not be caught in the act leaving the house and be questioned by anyone. Hindi kakayanin ng konsensiya nya na magsinungaling ng harap harapan sa itinuturing nya na ngayong pamilya. Alam nyang magtataka si Hunter kapag nahuli sya at sinabi nyang pupunta sya ng eskuwelahan dahil masyado pang maaga.

Monday morning ay nagtungo sya ng eskuwelahan but not for the obvious reason. Hindi para pumasok o machekan ang pangalan nya sa attendance list. She headed to school because of her plan to drop out, and letting Hunter know that she plans to drop out requires an awful lot of courage and one big significant reason. After all, it’s not everyday na sasabihin mo nalang na gusto mong mag drop out just for the heck of it. Hindi naman sa ayaw nya talaga ang kursong kinuha nya, hindi nya naman paaabutin ito ng tatlong taon kung ayaw nya talaga ito.

Si Melanie na kasulukuyang pinagtatanungan ni Jannelle ukol sa balak nyang paghinto sa pag-aaral ay hindi naitago ang gulat at ang pagkadismaya. Nung unang araw nyang nasilayan si Jannelle ay ibang iba ito. Sobrang tahimik, hindi maimiking tao, mostly ay si Hunter lamang ang palaging sumasagot sa mga tanong nya na nakadirekta kay Jannelle. Napansin rin naman ni Melanie kaagad kung anong klaseng tao ang dalaga. Habang tumatagal ay mas nagiging palagay ang loob ni Jannelle sa unibersidad na pinapasukan nya.

“Ito na yung mga kailangan mo pero sinasabi ko sa’yo, pag-isipan mo ng maige ang gagawin mo. Sayang naman ang tatlong taon na ipinasok mo.” Iniabot ni Melanie ang ilang papeles kay Jannelle at binigyan ito ng pangpalakas ng loob na ngiti.

Matapos nyang lumabas ng building na kung saan pwedeng mapagtanungan ng kung anong mga bagay bagay ng mga estudyante sa unibersidad ay sinubukan nya na insayuhin ang sasabihin nya kay Hunter kung bakit sya magdadrop-out.

“Hunter, may sasabihin ako sa’yo. Hindi, hindi. Napaghahalataang bad news agad eh.”

“Kumain ka na? Nga pala, balak kong mag drop out. Wag ka nang magtanong, ako na ang bahala.”

Napabuntong hininga nalamang sya sa maaaring maging reaksyon ni Hunter. Hindi pa rin kasi sya sigurado kung sasabihin nya ba talaga.

Habang naglalakad ay yung kaninang malagkit na simoy ng hangin ay naging isang malakas na malamig at presko sa katawan na hangin. Ang mga puno sa gilid ay nagsisigalawan pakaliwa at pakanan. Maaga pa man ay marami na ring mga estudyanteng nagsisidatingan. Wala pa mang hapon ay unti-unti nang umiinit dahil sa tirik na tirik na araw.

Tinuloy nya pa ang paglalakad sa mabatong bahagi na daan na malapit sa labasan ng eskuwelahan nya. Everything was alright at that moment. Uuwi sya, matutulog at gigising para sa shift nya sa Mcdonald.

Pero tinigil sya sa paglalakad ng namimilipit na sakit ng ulo nya. Nabitawan nya ang bag at ilang mga papel na hawak hawak ng dalawang kamay nya at inilagay ito sa magkabilang ulo nya, hoping na mabawasan ang sobra sobrang sakit sa kanyang ulo. Napaupo sya sa lapag habang hindi nya na napansin ang umaagas na luha galing sa mga mata nya.

Parang walang katapusan ang naging pagsakit ng kanyang ulo. Isang lalaki ang lumuhod sa harapan nya at paulit-ulit syang kinuwestyon kung ano ang mali sa kanya. Hindi nya magawang sumagot, ni hindi nya nga magawang tingnan ang taong may akay akay sa kanya sa bisig nito. It was an over protective and concerned gesture but the pain won’t just disappear.

She knew it was gonna happen.

She was greatly aware of such thing.

Sa huli, mas minabuti nya nang piliin ang ganitong klase ng sakit.

After a while, she found her cotton shirt wet and herself in the midst of sweating. The pain finally subsided while the throbbing ache in her head was left as a remnant of the severe headache that just took place. Sa awa ng Diyos ay nakahinga na muli sya ng maayos.

Kwento ni Jannelle Romana Santana (Alternative Ending)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon