SIMULA

15 1 0
                                    

"Wala ka bang balak na puntahan sya?" tanong sa akin ni Stella habang nandito kami sa isang sikat na restaurant para mag tanghalian.

Napabuntong hininga ako sa tanong nya at pinili nalang na inumin ang natitirang ice tea ko.

Simula ng pumunta syang italy ay wala na akong balita sa kanya. Siguro nga ay parusa na ito sa akin dahil sa pananakit ko sa kanya.

"5 years na rin ang nakakalipas, kahit isang beses ba hindi ka nagbalak na bisitahin man lang sya?" tanong pa ulit nito na ikinatingin ko na sa kanya.

"Ayoko ng magpakita pa sa kanya, gusto ko na rin syang maging masaya kaya para saan pa?" sabi ko rito at inayos na ang gamit para bumalik nasa trabaho.

Pinili nalang nyang hindi kumibo at gaya ko rin ay inayos na rin ang gamit para umalis.

"Salamat sa  libreng lunch Quinn at sa oras na rin" nakangiti nitong sabi habang nakababa na ako sa kotse nya.

Isang sikat na model si Stella at kauuwi nya lang galing states para bisitahin ang pinapatayo nitong negosyo rito sa pilipinas.

Habang ako naman ay nagtatrabaho sa isang sikat na kompanya na dati ay pinapangarap ko lang noon.

" Wala yon, next time ikaw naman ang manlilibre sa akin" sabi ko at natawa nalang kaming pareho.

Nagpaalam na kami sa isa't- isa dahil alam ko naman na may hangover pa sya ngayon.

"Engr. Cedron mabuti naman at nandito kana" sabi ni Allan na isang architect dito sa kompanyang pinagtatrabahuhan ko.

"Bakit?" tanong ko rito at napansin ko ang pawis sa mukha nya.

"Kanina ka pa hinihintay nagsisimula na ang meeting " sabi nito at pinupunasan na ang pawis sa noo nya. base sa itsura nya ay parang tumakbo pa ito.

"tayo-tayo lang ba? o buong board member kasama?" paninigurado ko rito habang nakasunod nasa kanya.

"buong board member hindi ko rin alam kung bakit" sabi pa nito kaya ako na ang nanguna sa paglalakad.

Pinagbuksan agad ako ng pinto ni allan at nakangiti ng papasok sa pinag mi-meetingan at handa ng humingin ng paumanhin dahil nahuli ako ng dating pero lahat ng iyon ay naantala ng mahagip ng mata ko ang isang lalaki na seryosong nakikiusap sa ibang board members.

"Engr. Cedron nandito kana pala" sabi ng boss namin na ngayon ay nasa akin na ang lahat na atensyon ng mga tao dito sa loob.

Hindi na ako tumingin pa sa pwesto nya at nakafocus nalang sa boss namin na ngayon ay hinihintay akong magsalita.

"Sorry I'm late, May inasikaso lang po" pagsisinungalin ko at umupo nasa madalas upuan ko at doon lang ako natauhan ulit ng mapagtanto ko na magkaharap lang kami ng pwesto.

"It's ok, So we're in the middle of discussion and also we have a new Architect." sabi pa nito na mas lalo kung ikinayuko.

"Kanina ko pa sya ipinakilala sa mga board member at dahil ikaw nalang ang hindi pa nakakaalam . Infront of you is Architect Dashiell Elizalde, Sya rin ang makakatrabaho mo sa susunod na project na gagawin ninyo sa palawan." sabi ng boss namin habang ako ay parang lutang dahil sa narinig.

Bakit kami pa? bakit sya nandito? akala ko ba nasa italy sya nagtatrabaho? panginip ba ito?.

Wala sa sariling tinampal ko ang kaliwang pisnge ko na ikinatingil ng boss namin sa pagsasalita.

"What's wrong engr. cedron?" nagtatakang tanong nito at saglit na nasulyapan ko si dashell na seryoso lang na nakatingin sa akin.

ramdam ko na pulang- pula na ang mukha ko dahil sa kahihiyan at parang gusto ko nalang magpalamon sa lupa ngayon.

"M-may l-lamok kasi Sir" pagsisinungaling ko at kunwaring tinatapik tapik ang braso ko.

alam kung hindi sila naniniwala dahil imposibleng magkaroon ng lamok dito lalo na't may aircon pa.

"Nice meeting you Engr. Cedron" walang emosyong sabi nito na ikinatingin ko sa kanya.

parang sinasaksak ang puso ko habang nakatitig sa napakagwapo nyang mukha na dati ay palaging nakangiti sa akin ngunit ngayon ay parang ibang tao na ang kaharap ko.



So Close Yet So Far (Elizalde Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon