Chapter 2

42 7 1
                                    

Chapter 2

Lahat ng tauhan ng palasyo ay abala sa paghahanap sa prinsesa. Isang buwan na ang nakakalipas, buhat ng mawala ito. Umaasa silang nasa ligtas na lugar ang prinsesa.

Alam nilang matalino ang prinsesa at kahit nangyari ang pagdukot na iyon nung bata pa ito, alam ng mga ito na hindi hahayaan ng prinsesa na ipahamak ang kanyang sarili.

Tulad na lang ngayon na nawawala ito. Hindi kakikitahan ng takot ang hari at reyna. Dahil kung may kumuha sa prinsesa siguradong ipapaalam iyon sa kaharian. Kaya naniniwala sila na ang pagkawala ng prinsesa ay hindi dahilan ng may kumuha dito kundi umalis ito. Lalo na at nawawala din si Rina na kung tutuusin ay tapat na tagapangalaga ng prinsesa.

Habang abala ang karamihan, ipinatawag ng hari ang kanyang pinagkakatiwalaang guard.

Si Eiggo Wright, Ezekiel Wright, Run Fiji. Mga kilalang sniper, at bihasa sa hand to hand combat. Sanay sa lahat ng uri ng pakikipaglaban. Bihasa sa lahat ng armas. Wala pang nakakatalo sa tatlong ito, sa lahat ng sumubok na kumalaban sa kanila. Kahit sa nag-iisang babae sa grupo na si Run.

Dahil may hinala ang hari at reyna kung nasaan ang prinsesa. Lalo na at kasabay pa nito si Rina na nawala.

Bata pa lang si Ariella ay ninais na nitong pumunta ng Pilipinas, kaya umaasa ang mga ito na nasa Pilipinas nga ang Prinsesa.

"Magandang araw, Mahal na Hari at Mahal na Reyna, andito po kaming tatlo dahil ipinatawag n'yo daw po kami." Bati ng tatlo bago yumuko para magbigay galang.

"May impormasyon akong nakuha, na nasa Pilipinas ang prinsesa, ipinatawag ko kayong tatlo, para mahanap ang Prinsesa, bago matunugan ng grupo na kumakalaban sa kaharian na nawawala ang anak ko." Paliwanag ng hari.

"Nais sana naming bantayan niyo ang prinsesa sa malayo, pag nakita n'yo na siya. Alam kong gusto ng prinsesa ng kalayaan kaya siya umalis. Gusto din sana namin na ibalita n'yong lahat ang nangyayari sa prinsesa." Sabi naman ng reyna.

Kinausap pa sila ng ilang oras ng hari at reyna. Pagkatapos ng tagpon iyon ay nagpasya na rin ang tatlo na mag empake ng kanilang mga gamit nadadalahin papunta ng Pilipinas.

Excited si Run, dahil ito ang una nilang pag-alis na hindi sasakay ng private plane. Isa lang silang simpleng pasahero, economy flight lang ang kinuha nila.

"Zeke, itali mo nga yang batang kasama natin, aba parang ngayon lang nakasakay ng eroplano ah!" Singhal na anggal ni Eiggo sa babaeng katabi.

"Alam mo Eiggo, wag kang kaseryoso, alam mo bang nakakatanda yan. Buti pa si Zeke, tahimik, sasagot lang pag kinakausap. Hindi tulad mo lahat na lang napapansin, daig mo pang babae."
Pang-aasar pang sagot ni Run.

"Abat........ Aray!!!.." hindi natuloy ni Eiggo ang sasabihin ng bigla na lang nakatanggap ng pambabatok mula sa kakambal.

"Zeke! Kapupuri lang sayo ng batang ito, tapos mambabatok ka. Kayo na ang magkasundo. Sige yang batang yan na lang ang kambal mo at ako na lang ang sampid dito." May pagtatampo pa sa boses ni Eiggo habang nagsusumiksik sa kinauupuan niya.

"Just shut up Eiggo! Pareho kayong parang bata, manahinik kayo pareho para walang maingay. Hindi lang kayo ang sakay ng eroplano, kaya pakiusap manahimik kayong dalawa." Halata ang pagpipigil na sigaw ni Zeke, na nagtitimpi sa dalawang kasama, napahilamos na lang ito ng palad sakanyang mukha.

Ilang minuto lang na katahimikan ang naganap sa dalawang parang aso at pusa kung magbangayan. Kaya sa haba ng byahe at sa kanilang ilang cutting flight, hindi natahimik ang mundo ni Zeke. Kaya hinayaan na lang niya ang dalawang nagbabangayan hanggang na ang dalawa na ang sumuko, at makatulog sa byahe, naging dahilan para kahit papano ay maging tahimik ang mundo niya.

Pagkalapag pa lang ng eroplanong sinakyan nila sa paliparan ng Pilipinas, ay walang inaksayang panahon ang tatlo para hanapin ang prinsesa.

Una nilang sinubukang kuhanin ang mga inpormasyon sa malalaking hotel na maaaring tuluyan ng prinsesa.

Halos kalahating araw na silang naghahanap, pero hindi nila makita ang pangalan ng prinsesa, at kahit ang pangalan ni Rina.

Iilan na lang din ang malalaking hotel na hindi pa nila nahahanapan ng impormasyon, kaya kampante sila na makikita agad nila ang prinsesa.

Pero natapos na ang buong maghapon naubos na rin nila ang listahan ng malalaking hotel, wala silang nabakas kahit pangalan lang ng prinsesa o ni Rina na tumuloy sa isa man sa mga hotel na iyon.

Dahil pagod din sila sa byahe, nagbook na lang din sila ng dalawang hotel room kung saan man sila naroon. Magkasama sa isang kwarto ang kambal, at solo naman si Run sa isa.

Pero bago pa sila makapagpahinga, ay nag-usap muna sila ng ayos para sa plano nila kinabukasan, ang maghanap naman sa prinsesa sa mga maliliit na hotel, maaaring doon tumuloy ang dalawa.

Dahil hindi din naman lingid sa kanilang kaalaman na  hindi maselan ang prinsesa, minsan na nakita nila itong natutulog sa kulungan ng mga tupa, at nakahiga sa mga dayami. Presko daw doon kaya mas pinipili nito na matulog kasama ng mga tupa. Habang sa labas ng kulungan andoon nakapalibot ang mga bantay nito.

Maagang nagising ang tatlo para hanapin sa maliliit na hotel ang prinsesa. Naghiwahiwalay sila para mas mapabilis ang paghahanap dito. Pero dumating na ang hapon, bigo pa rin sila sa kanilang ginagawa.

Napagpasyahan nilang magtagpo sa isang parke malapit lang sa tinutuluyan nilang hotel. Wala pang isang oras isa-isa ng dumating ang tatlo, na wari mo ay natalo sa isang labanan. Halos dalawang araw na silang naghahanap pero ni anino ng prinsesa ay hindi nila makita.

Pero habang nakaupo sa isang bench at nagpapahinga ang tatlo, naagaw ng paningin nila ang isang babae na hawig sa prinsesa, nakaupo malayo sa kanila.

Pinagmasdan muna nila itong mabuti, dahil naka tagilid hindi nila makita ng buo ang mukha. Nang biglang may lumapit dito na isang lalaki at inakbayan ito.

Biglang humarap ang dalaga sa gawi nila at nakita nila ang mukha nito.

"Prinsesa!!!" Sabay-sabay na banggit ng tatlo, na wala pang ilang segundo ay nakalapit sa kinaroroonan ni Ariella.

Biglang nawala sa tabi ni Ariella si King, at napansin na lang niya na hawak ito ni Zeke at may nakatutok na pocket knife sa leeg nito.

Sabay-sabay namang yumuko ang tatlo sa harapan niya.

"We're here princess to protect you, and no one will hurt you, until you decide to go back in England." Si Zeke ang nagsalita.

"King and Queen, wants you to stay here in the Philippines, for your safety, the group who want to ruin the palace make an action to get you and make you as a bait." Mahabang paliwanag ni Run.

"We're here to watch you and to guard you princess. Where's Rina, we thought you go here in the Philippines with her." Tanong naman ni Eiggo.

Hindi makapagsalita si Ariella, habang kaharap ang tatlong magagaling na guard ng palasyo. Hindi niya akalain na ipapadala ng mga magulang nila ang mga ito para hanapin siya at pabantayan.

Samantalang naguguluhan si King, sa babaeng kaharap. Sino ba talaga si Merrin? Tinawag nila itong prinsesa at ang tatlong dumating ay andito para bantayan si Merrin at ang isa ay andito hawak siya habang may nakatutok na pocket knife sa leeg niya.






☆kawawang King, naguguluhan na may nakatutok pang kutsilyo sa leeg niya.

King Without Crown Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon