Chapter 4
Isang linggo ang nakakalipas, buhat ng pangyayari sa park, ay napapansin na ni Ariella na iniiwasan talaga siya ni King.
Lalo na ng ipinakilala na nito kung sino talaga siya, lahat ng detalye, sinabi niya kay King. Pero kahit si Rina at ang Tres Eques ay naguluhan sa kilos ng prinsesa.
"Napapansin n'yo bang ang lungkot ng prinsesa? Palaging gusto ay ang mag-isa. Madalang lumabas ng kwarto n'ya. " Ani ni Rina.
"Ikaw ang palaging kasama ng prinsesa, baka naman namimiss na ang Inang Reyna at ang Mahal na Hari." Si Eiggo.
"Tss, what about the guy name King?" Zeke said.
"Halos isang linggo ng hindi nagpaparamdam si King. Pag nagigising ang prinsesa, wala na si King sa bahay n'ya, sa gabi naman hindi namin namamalayan kung anong oras s'ya, umuuwi." Paliwanag ni Rina.
"Oh, King is a simple and handsome guy. His so very gwapo kaya, his eyes, his nose yong jaw..." hindi na natapos ni Run ang sasabihin niya ng subuan siya ni Eiggo ng tinapay na kinakain nito. Habang tiningnan naman nito ng masama.
"Akala ko ba, kami lang ni Zeke ang gwapo sa paningin mo, tapos ngayon, tumitingin ka na sa iba..." may halong pagtatampo sa boses ni Eiggo.
"Ang drama mo Eiggo, mas gwapo naman si Zeke sayo." Nakataas ang kilay na sabi ni Run.
"Ano? Magkapareho kami ng mukha, identical twins kaya kami, kaya paano mong masabi na mas gwapo si Zeke.?"
"Wag kang, mag-alala Eiggo dahil para sa akin..." pinutol muna ni Rina ang sasabihin, habang nakangiti sa sasabihin nito si Eiggo.
"Lamang lang naman ng one point si Zeke sayo." Sabay kindat ni Rina kay Eiggo.Sabay tuloy nagtawanan ang tatlo, maliban kay Eiggo, na halatang naaasar.
"Grabe ka Rina, akala ko pa naman, may kakampi na ako, tapos ganyan ka sa akin."
"Nguso mo Eiggo. Tss parang bata. Maging matured ka nga, pagmay nagtanong talaga kung kaano ano kita, itatanggi ko talaga na hindi kita kilala. Haist." Inis na sabi ni Zeke, na hindi mawala ang ingay, dahil sa tawanan nila sa labas ng bahay, dahil sa naaasar na si Eiggo.
Nagising si Ariella, sa ingay ng mga kasama niya sa bahay. Kahit sabihin na maliit ang bahay na iyon ay doon na rin tumira ang tatlo.
Magkasama sa isang kwarto si Rina at Run, samantalang si Eiggo at Zeke ay sa salas natutulog. Solo naman sa kwarto si Ariella.
Hindi naman nagreklamo si King sa pagtira ng tatlo, pero nahihiya pa rin siya dito. Ilang araw na ring hindi siya kinakausap ni King. Hindi niya malaman kung galit ba ito o nagtatampo.
Ayaw ni Ariella ng pakiramdam na iyon, pero wala siyang magawa dahil parang ayaw naman siyang kausapin ni King. Pakiramdam niya ay iniiwasan talaga siya ng binata.
Buhat, ng malaman nito na isa siyang prinsesa, nauna ng bumalik ng bahay si King at iniwan na lang sila ni Rina sa park, kasama sina Run, Zeke, at Eiggo.
Mabigat man ang kalooban, ay kailangan na niyang bumangon, palagi na lang siyang nagkukulong sa kwarto, buhat ng araw na iyon.
Hindi din naman siya tinatanong ng apat na kasama, dahil ramdam din naman ng mga ito na may mabigat siyang dinadala.
Pinuntahan agad niya ang teresa at doon nga niya natagpuan ang apat na nag-aalmusal at masayang nagkukwentuhan.
Natigil lang ang masayang tawanan ng makita siya ng mga ito.
"Prinsesa, sasabay ka ba ng almusal o ipaghahanda kita at dadalhin ko sa kwarto mo?" Malungkot na bati ni Rina, habang tumigil naman sa pagkain ang tatlo at hinihintay ang sagot niya.
"Sasabay ako sa inyo, napag-isip-isip kong mas malungkot kumain ng mag-isa. Gusto ko kayong makasabay." Nakangiting sagot niya sa apat, pero makikita ang lungkot sa kanyang mga mata.
"Prinsesa, si King ba ang dahilan kung bakit ka malungkot? Dahil ayaw na ayaw ng mahal na hari at inang reyna na malulungkot ka, andito kami para bantayan ka. Pero kung malulungkot ka lang ng ganyan, mapipilitan kaming ibalik ka ng England." Pahayag ni Run.
Nagulat naman si Ariella sa sinabi ni Run, dahil oras na bumalik siya ng England, siguradong makukulong na siya sa kasal na hindi naman niya maiiwasan.
Alam din niya ang nakaambang na panganib sa pagbalik niya, kaya dapat maging maayos na malipat sa kanya ang pagiging Reyna, bago pa malaman ng grupo ng mga kumakalaban sa palasyo.
"Tama na muna iyan, Rina ipaghanda mo na muna ang prinsesa, at sasabay siya sa atin sa pagkain." Mariing utos ni Zeke kay Rina.
"Prinsesa, wag ka na lang munang mag-isip, wala naman kaming sinasabi sa amang hari, kaya ipanatag mo ang iyong kalooban."
Maayos, silang nag-almusal ng umagang iyon, alam nilang malungkot pa rin si Ariella.
Napansin nila ang pagdating ng tricycle. Nakita nila ang pagsilay ng ngiti sa mukha ni Ariella. Ngunit unti-unti ding nabura ng mapansin na hindi ito nag-iisa.
Kasama nito ang babaeng halos, ipagtabuyan na ni King, pero ngayon ay magkasama ang dalawa at napapansin niyang sobrang sweet ngayon ni King kay Anne.
Nakaramdam si Ariella ng pagkirot ng kanyang puso, na kahit pigilan niya ay hindi niya maiwasan. Alam din niya na wala siyang karapatang magselos, dahil wala namang 'sila' ni King.
Pero ang puso niyang pasaway, ay hindi mapigilan ang masaktan.
Nakita pa niya ang matamis na pag ngiti ni King kay Anne, na siya namang ikinasagot din ng matamis na ngiti ng dalaga.
Nang mapansin sila ni King ay tinapunan din sila nito ng matamis na ngiti, na sa pakiramdam niya ay parang baliwala na siya sa binata.
"Hi, magandang umaga." Masayang bati sa kanila ni Anne, na halos hindi na bumitaw sa braso ni King. Habang si King ay kitang kita sa mga ngiti na masaya siya sa presensya ng babaeng nakahawak sa kanya.
Binalikan lang din ng pagbati nina Rina sina King, bago nagpasya ang dalawa na pumasok na sa loob ng bahay.
Nakita ng apat ang pagtalim ng mata ni Ariella na kung nakakamatay lang ang pagtitig, siguradong paglalamayan na si King at ang babaeng kasama nito.
Nagkatinginan lang silang apat ng biglang tumayo si Ariella at hindi na tinapos ang pagkain.
"Busog na ako, nawalan na ako ng gana." Napamaang na lang silang apat sa inasal ng prinsesa. At bago pa ito nakalayo ay narinig pa nila ang huling sinabi nito.
"Akala mo naman maganda, mas maganda kaya ako sakanya, Hmp." Nagkatinginan na lang ang apat, at halos pigil na pigil sa pagtawa sa inasal ni Ariella.
Hindi na lang nila napigil ang ngiti sa inasal ng prinsesa. Ang prinsesa na matigas pa sa bato ang puso pagdating sa pag-ibig ay bigla na lang nagpakita at kumilos na sobrang nagseselos.
Hindi rin nila maiwasan na humanga kay King, oo nga at simple lang ito, pero kakikitaan mo ng ugaling mayaman, batay sa pananamit at pagkilos. Kaya hindi nila talaga ito mapaniwalaan na isa lang itong, tricycle driver, sa lugar na iyon at nakatira sa maliit na lugar.
Pero kung pagbabasehan ang lugar na kinatatayuan ng bahay nila, at ang maliit na bahay kung saan sila namamalagi, ay mas malaki sa maliit na bahay na sinasabi ni King.
Ang bahay din ni King ang pinakamalaking bahay sa lugar na iyon, katulad din ng bahay na tinitirahan nila ngayon.
Kahit ang tatlong, nito lang nakilala si King ay nahihiwagaan sa binata, ukol sa tunay na pagkatao nito.
Makikitaan naman ng pagngisi si Zeke, na hindi na napansin ng tatlo pang kaharap, na ang atensyon ay na kay Ariella na papasok sa loob ng bahay.
BINABASA MO ANG
King Without Crown
RomancePaano kung ang isang araw, matagpuan mo ang lalaking magpapatibok ng puso mo sa isang pagkakataon na hindi mo inaasahan. Isang dukha, na nakatira sa eskwater area, walang permanenteng trabaho, maliban sa pagiging tricycle driver. Hahayaan mo bang ma...