Chapter 6

34 7 1
                                    

Chapter 6

Limang buwan pa ang mabilis na lumipas, naparang kay gaan lang ng lahat. Naging mag-ayos din ang pakikitungo sa isa't-isa ng mga guard ni Ariella, kay King.

Naging malinaw din kay Ariella ang relasyon na meron si Anne at King, at naging malapit din ito sakanya. Masaya naman at maayos ang naging pamamalagi nila sa Pilipinas.

Sa limang buwan na panliligaw ni King ay nagkaroon ng pag-asa ang umuusbong na pagmamahal sa kanilang dalawa. Ilang araw pa lang ang lumilipas, mula ng maging opisyal na kasintahan ni Ariella si King.

Kahit naman ang taga bantay ni Ariella at si Rina ay walang makikitang pagtutol sa relasyon ng dalawa.

Pero hindi maiiwasan ang ilang ulit, at maraming beses na paalala ng mga ito sakanya. Alam niyang ayaw ng mga ito na masasaktan siya, ganun na rin ang masaktan si King.

Aware si King na prinsesa si Ariella, pero ang hindi masabi  nito ay ang pagpapakasal niya kay Erron McGuire. Bagay na kahit gustong ipaalam ni Ariella dahil alam niyang maaaring magalit at masira ang relasyon ay hindi niya magawa. Ayaw niya na masira ang relasyon na pinatatatag palang nila ni King, kahit alam niya sa paglilihim niyang ito ay simula pa lang ang masira na ang lahat.

Sabi nga nila, kahit gaano ka kasaya na parang walang hanggan, hindi maiiwasan na may kakambal itong kalungkutan.

Habang nasa teresa si Ariella at masayang nagkakape, hindi niya inaasahan ang pagdating ng lalaking, kahit kailan ay hindi niya naisip na pupunta sa Pilipinas.

Matagal na panahon na rin noong huli niya itong nakita, pero ngayon ay nasa harapan niya.

Unti-unting nilukob ng takot si Ariella sa maaaring mangyari. Dahil andito si Erron, nararamdaman niyang kailangan na niyang bumalik ng England sa madaling panahon.

Sa kabila ng kanyang takot ay lumabas naman si Zeke, isang matalim ang tingin kay Erron.

"Anong ginagawa ng anak ng Duke ng Cambridge dito? Hindi naman siguro lingid sa iyong kaalaman na nasa bakasyon ang prinsesa para sundan mo pa talaga dito!" Mariing sabi dito ni Zeke.

Nakatitig lang si Erron at hindi yata inaasahan na ang tatlong magagaling guard ng palasyo ay lahat nasa Pilipinas kasama ng prinsesa dahil sina Eiggo at Run ay lumabas na rin ng bahay. Si Rina naman ay nilapitan si Ariella, dahil nakikita nila na natatakot ito.

Hindi dahil sa may gagawin itong masama. Kundi dahil, nararamdaman niya ang araw na baka ipakasal siya ng biglaan dito. Hindi mag-aabala ang isang Duke na lumabas ng kanyang teritoryo kung hindi importante ang pakay nito.

"Hindi n'yo ba muna ako patutuluyin, nahirapan din akong mahanap kung nasaan ang prinsesa?" Maayos na pagsasabi nito, pero hindi mo kakikitaan ng kahit na anong ganid sa katawan.

Maayos naman nilang pinatuloy si Erron at ang kanang kamay nito na si Link. Sa lahat ng lakad nito ay ito lamang ang kanyang pinagkakatiwalaang tunay. Kaya hindi ito umaalis sa tabi niya. Lagi lamang itong nakamasid at hindi nagsasalita, maliban na lamang kung may itatanong ka o iuutos, na kailangan ng kasagutan.

Maayos silang nakaupo sa sala ng bahay, naghanda din muna si Rina ng meryenda,  pero hindi iniiwan ng tatlong bantay ang prinsesa. Si Run na nakaupo sa tabi nito, na nakahanda ang pocket knife sa kamay nito.

Ganun din ang kambal na si Zeke at Eiggo na nakatayo sa likuran ng prinsesa. Alam nila na madaming kasama si Erron sa paligid, kahit ang kasama lang nito ngayon ay si Link.

Nakaupo naman sa pang-isahan upuan si Erron, malayo ng limang hakbang kay Ariella, at nasa tabi nito si Link na nakatayo sa kanyang gilid.

Mararamdaman ang namumuong tensyon sa pagitan nilang lahat, ng si Erron na mismo ang bumasag ng katahimikan.

"Mahal na prinsesa,  alam kong aware ka sa kasunduan na kailangan nating makasal, naparito ako para sabihin sayo na kailangan na nating makasal sa lalong madaling panahon."

Nagulat si Ariella sa sinabi ni Erron, pero mas nagulat siya ng makita sa may pintuan ang bulto ni King, na halatang narinig ang sinabi ni Erron. Halos, panghinaan si Ariella ng tuhod ng makita nito ang mga mata ni King, na hindi lang puno ng galit at selos, kundi puno ng pagtatanong.

Hindi na rin siya nakapagsalita ng biglang umalis si King, gusto man niyang habulin ito, pero pinigilan siya ng tatlo niyang guard.
Liban kay King, sigurado silang importante ang dahilan ni Erron kung bakit ito nagtungo doon.

Nararamdaman naman ni Erron na siguradong, may malaki papel ang lalaking dumating ngunit umalis din agad, sa buhay ng prinsesa. Nang wala namang nagsasalita ay tumikhim si Erron para kunin ang atensyon ni Ariella bago nagsalita.

"Naparito ako, dahil na rin sa pakiusap ng hari. Ang iyong ama mismo ang may nais na maikasal na agad tayo. Ang mga taong kasapi sa organisasyong nagnanais na palitan ang hari sa pamumuno ay nagsisimula ng kumilos. Nalaman nila na wala ang prinsesa sa England kaya ngayon ay hinahanap ka nila. Nasa panganib ang buhay mo prinsesa." Mahabang paliwanag nito na ipinagtaka nilang lahat.

Alam niyang hindi basta basta malalaman ng nasa labas na wala ang prinsesa sa palasyo. Dahil ang prinsesa ay hindi naman talaga halos pinapalabas ng palasyo. Ang nakakapagtaka, paano nalaman ng iba na wala sa palasyo ang prinsesa. Marami mang gustong itanong si Ariella pero nagsimula na ulit magsalita si Erron.

"Kung maaari sana ay sumama ka na sa akin ngayon prinsesa Ariella pabalik ng England, kailangan nating iligtas ang kaharian, lalo na ang buong England."

"Paano ako magpapakasal sa iyo kung hindi naman kita mahal? Hindi ko kayang makasal sa isang taong, hindi ko kilala." Naiiyak na sagot nito kay Erron.

"Hindi ko rin gustong magpakasal sa iyo prinsesa, dahil mayroon akong babaeng minamahal. Hindi ko s'ya magawang pakasalan dahil sa tungkuling kaakibat ng aking pangalan. Ayaw ko din naman siyang ipakilala, dahil alam kong sa sagagawin kong iyon, maaari siyang mapahamak."

Nararamdaman ni Ariella ang lungkot na nararamdaman ni Erron, dahil nasa pareho sila ng sitwasyon. Ang hindi lang nila alam ay kung paano nila mabubuwag ang organisasyong, patuloy na kumakalaban sa kanila, sa pamumuno at sa pamamahala.

"Totoo ba ang sinasabi mo? Na wala ka talagang balak pakasalan ako? Na meron ka katalagang minamahal?" Nanunuring tanong nito kay Erron.

"Maniwala ka prinsesa Ariella, kahit ako ay gusto kong hindi matuloy ang kasal, lalo na at mahal na mahal ko ang girlfriend kong si Lana Wri..."

Hindi natapos ni Erron ang sasabihin niya ng biglang nawala sa likod ni Ariella ang kambal, at sa bilis ng pangyayari ay nakatutok ang parehong baril ng kambal sa sentido ni Erron at Link.

"Teka lang ano bang nangyayari? Lalo akong naguguluhan? Anong meron sa inyo Ezekiel!? Eiggo!? At tinutukan n'yo ng baril si Erron at si Link? Run! Pigilan mo ang dalawa. Ano ba?"

Naguguluhang sambit ni Ariella lalo na at hindi niya alam ang gagawin sa ikinikilos ng kamba.

May pagtataka man pero hindi alintana sa kambal ang pagtaas ng boses ni Ariella, habang si Run naman ay nawala ang pagkaseryoso ng awra at naupo na lang ng maayos. Tiningnan muna ni Ariella ang dalawa habang hindi naman makakilos at makapagsalita si Erron dahil sa gulat, habang matalim ang titig ni Zeke dito.

Si Link naman ay hindi na rin nakagalaw sa bilis ng pangyayari, kaya hindi niya magawang ipagtanggol ang master niya. Dahil hawak din siya ni Eiggo, sabi nga isang maling galaw mo, kakalabitin na ni Eiggo ang gatilyo.

King Without Crown Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon