Chapter 7

33 5 4
                                    

Chapter 7

"Sandali lang, ano bang nangyayari? Bakit parang kayong dalawa ang galit na galit ngayon kay Erron?" May pagtataka man sa kilos ng dalawa, pero hindi naman niya maiwasang mag-alala kay Erron at Link. Kilala niya ang kambal paggalit, mahirap pigilan sa gustong gawin.

"Paano mo nakilala si Lana?" May diing tanong ni Zeke dito na hindi pa rin inaalis ang baril na, nakatutok sa sentido ni Erron.

"Nakilala ko si Lana sa Europe, doon ako nakabase para sa negosyo, nag-aaral pa lang noon si Lana. Niligawan ko at naging kami, pagkatapos niya ng college. Mahal na mahal ko si Lana." Malungkot na pagsusumamo ni Erron.

Naguguluhan man si Ariella sa nangyayari pero hindi pa rin natitinag ang kambal.

"Sandali nga, sino ba si Lana? Anong kinalaman n'yong dalawa kay Lana? Eiggo?! Zeke?!" Galit na tanong ni Ariella na si Run ang sumagot.

"Mahal na prinsesa, pagpasensyahan mo na ang inasal ng dalawang, gwapong mainitin ang ulo na ito, si Lana kasi ang prinsesa sa bahay ng dalawang iyan, inilayo nila si Lana at dinala sa Europe para doon mag-aral ng maiiwas sa gulo sa England lalo na kilalang sniper ang dalawa na iyan. Tapos ngayon, may salisi gang pa lang nakasalakay sa prinsesa ng mga Wright's at Erron ang pangalan, paano ng hindi magbubuga ng apoy ang dalawang dragon na iyan."

Mahabang paliwanag ni Run, na ikinaungos lang ng kambal ang sinabi ni Run kay Ariella.

"Ibig sabihin, kapatid n'yo ang girlfriend ni Erron, kaya pala pagkarinig n'yo lang sa pangalan ni Lana, nawala na agad kayo sa tabi ko?"

"So, kung kapatid pala kayo ni Lana. Eh... mga kuya pwede bang ibaba n'yo na ang mga baril n'yo, kung ayaw n'yong dalawa na umiyak ang prinsesa ko." Pagkakalma ni Erron sa kambal.

"Kung makakuya ka naman, akala mo naman close tayo. Prinsesa namin yon hindi sayo! Tatawagan ko si Lana, na makipagbreak na sayo. Haist! Ano bang naisip ng bata na iyon? Inilayo na nga ng England, tapos anak pa ng duke ang ginawang boyfriend. Haist.! Naunahan ka pa Zeke na magkalove life."

Ngising pang-asar ni Eiggo, na sinamaan naman nito ng tingin ng kakambal, habang pareho nilang kinakalma ang sarili na ibaba ang baril, at bumalik sa pwesto sa likuran ni Ariella.

"Matanda lang ako sayo ng isang minuto, at anong akala mo sa sarili mo may love life, kung hindi ko lang alam na hindi ka makaamin kasi torpe ka." Si Zeke naman ang nang-aasar kay Eiggo, naikinaungos lang nito.

"Owwws, totoo may itinatanggi na pala si Eiggo? Sino? Ang malas naman ng babaeng nagugustuhan ni Eiggo." Malokong pag-uusisa ni Run, na ikinaubo naman ni Eiggo, habang natatawa naman si Zeke sa tinuran nito.

"Oo, meron. Mukhang malas nga, kaso isang torpe at isang manhid kaya hanggang ngayon hindi nila alam ang nararamdaman ng isa't isa."

"Eh, sino nga? Andaya n'yo namang dalawa eh. Tatlo lang tayong, magkakasama buhat pagkabata, hanggang sa mga training, tapos sa mga ganyang bagay, hindi ako nainform." Pagrereklamo ni Run.

"Aist!! Ang manhid talaga." Bulong ni Eiggo na rinig naman ng lahat, na ikinatawa ng mga kaharap. Habang si Run ay wala pa ring clue sa nangyayari. Na lalong ikinatawa ng mga ito. Na kahit si Ariella ay natawa na rin sa pagiging clueless ni Run.

Pinag-usapan nilang mabuti ang kanilang plano na uuwi sila ng England sa lalong madaling panahon, para harapin, ang tungkulin na nakalatag sa kanilang pagkatao.

Samantalang, kahit maagap pa ay laman na si King ng bar. Sa harap ng bar counter at umiinom mag-isa. Hindi talaga umiinom si King, pero hindi niya mapigilan ang sarili na hindi lunurin ang sarili sa alak, dahil sa narinig niyang, pagpapakasal dapat ni Ariella sa lalaking kausap nito, kasama ang tatlo nitong guard.

Naisip na rin niya kung ano ang laban niya, sa lalaking iyon, kung ang alam ng lahat, ay isa laman siyang hamak na mahirap, at isang tricycle driver.

Minsan gusto din ni King lumabas sa kanyang comfort zone, para lumaban sa mga taong kailangang linisin sa lipunan, pero wala pa siyang sapat na pagkakataon para magawa yon.

Tapos lalo na ngayon, na naguguluhan siya sa pangyayari sa biglaang pagpapakasal ni Ariella sa lalaking yon.

Halos hindi na malaman ni King kung gaano na ba karami ang kanyang nainum. Hindi na rin niya kayang tumayo at maglakad ng mag-isa sa sobrang kalasingan. Nakatulog na rin ito sa harap ng counter.

Tinawagan na lang muli ng bartender ng bar na iyon ang isa pang lalaki na pinagkakatiwalaan ni King. Si Yamanaka Morris. Ang lalaking alam ang lahat-lahat sa pagkatao ni King, maliban sakanya.

"Yamanako naman. Bakit mo hinayaang uminom na naman yan ng ganyan?" Tanong ng dumating sa bartender.

"Eh, kuya kung hindi ko yan hahayaan, aba baka malugi na itong bar na ito, lalo na at ayaw ko ng maglinis ng kalat niya. Mabuti sana kung ikaw ang naglilinis, manyapat ako ang babae dito. Painumin ko na lang ng makatulog, tahimik pa, yon nga lang halos hindi ko makilala si King sa mga sinasabi n'ya. Minsan nga lang umimon, pag masama pa ang kalooban."

"Ano bang problema n'yan, at naglasing ng sobra?" Tanong na naman nito.

"Babae, at dahil advance akong mag-isip at alam kong magtatanong ka, inunahan na kita. Princess Ariella Merrin McQueen the crown princess of England ang babaeng itinatangi ng lalaking lasing na iyan. Tapos Duke Erron McGuire, the son of Duke of Cambridge ang lalaking mapapangasawa ng prinsesa."

"Paano naman sila nagkakilala ng prinsesa?" Usisang tanong pa nito.

"Andito sa Pilipinas ang prinsesa, tumakas sa palasyo ng England, para sandaling takasan ang problema. Kaso sinundan ng problema. Nalaman ng lalaki na yan, na ikakasal na nga ang prinsesa kaya andito ang mapapangasawa niya. Eh hindi naman gusto ng prinsesa si Erron, tapos ang lasing na ito.." Sabay turo kay King na mahimbing na natutulog sa bar counter.

".. ay nalaman niya ang pagpapakasal na iyon sa lalong madaling panahon, kaya ayan naglasing. At bago ka ulit magtanong ng dahilan. Girlfriend ng lalaking iyan ang prinsesa."

Malalim na nag-iisip si Yamanaka ng dapat nilang gawin, kailangan na nilang kumilos, dahil alam nilang kumikilos na ang samahang nagnanais na mapabagsak ang pamamahala ng hari sa England.

Alam nila ang organisasyong iyon, lalo na at si Yamanako ang isa sa nakapasok sa lugar na iyon. Walang nakakakilala sa tunay na katauhan ni Yamanako lalo na at lalaki itong nakilala ng leader ng organisasyong iyon. Na bigla na lang naglaho, matapos makakalap ang mga impormasyon kailangan nila.

Tapos nanahimik muna sila ng ilang taon. Pero ngayon kailangan na nilang ilabas ang katotohanan, para sa ikabubuti ni King.

Wala naman talaga silang pakialam noon, pero sa nakikita nila kay King, ay mahal nito ang prinsesa, hindi sila papayag ng ganoon na lang.

Ipaglalaban na nila ang tunay na karapatan at katauhan nito. Sa ayaw at sa gusto ni King, ipapakilala na nila ito sa lahat.

King Without Crown Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon