Last Part

82 7 2
                                    

Chapter 10

Naghahanda na ang palasyo para sa nalalapit na kasal nina Ariella at Erron. Kinakabahan man ngunit nagtitiwala si Ariella kay Zeke. Alam nitong gagawin nito ang lahat para sa palasyo at maging maayos ang lahat.

Habang naghahanda naman ang mga kawal ng palasyo, para sa mahigpit na pagbabantay. Nakapasok na naman sina Yamanako, at Yamanaka sa security ng palasyo.

Habang si King naman ang isa sa nagbabantay sa kwarto ng prinsesa, sa kagagawan na rin ni Zeke. Nakapwesto na rin naman si Zeke at Eiggo bilang sniper kung talagang manglalaban ang mga tiwali sa konseho.

Wala silang balak patayin ang mga ito, ang nais lang nila ay mabuwag at pagbayaran nila sa batas ang kanilang mga katiwaliang ginagawa.

Matapos ayusan si Ariella ay iniwan na muna ito ni Rina, sinamantala naman ni King ang pagkakataon at pumasok sa kwarto nito ng hindi kumakatok. Pero naramdaman agad siya ni Ariella kahit nakatalikod ito.

"Rina, may balita ka na ba kay Zeke? Sabi niya kasi, gagawain niya ang lahat, pero ikakasal na ako mamaya." Malungkot na pahayag ni Ariella.

"Papayag ba akong makasal ka kung hindi sa akin? Oo hindi ako isang hari pero pwede kitang gawing reyna." Nakangiting sambit ni King na unti-unting ikinaharap ni Ariella dito. At walang pag-aalinlangan na ikinatakbo nito at ikinayakap ng mahigpit.

"Totoo? Andito ka nga. Hindi ka galit sa akin? Buhat nung umalis ka hindi na kita nakausap hanggang sa bumalik ako dito." Naiiyak na sabi ni Ariella dito.

"Wag kang umiyak, walang mangyayaring gulo kung sasang-ayunan tayo ng tadhana. Naikalat na namin ang mga dokumento sa mga tapat sa hari. At nakaready na rin ang security para sa isang palabas."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Sumang ayon ka lang sa lahat ng ipapagawa nila, pero nangangako akong hindi matutuloy ang kasal. Walang hindi nabibili ng dahil sa pera."

Ilang sandali pa, lumabas na si King sa kwarto ni Ariella. Tinawag na rin ang prinsesa para sa nalalapit nitong kasal.

Habang naglalakad palapit kay Erron ay abot abot ang kaba na nararamdaman ni Ariella. Nang makarating na siya sa harap ng binata ay humarap na sila isang priest na magkakasal sa kanila.

Ngunit bago pa magsalita ang pari, ay lumabas na sa monitor na dapat ay gagamitin para sa seremonya ng kasal ang mga pangalan na bumubuo sa organisasyong kumakalaban sa kanila.

Kasama ang mga matataas na opisyal ng England. Ilan sa mga konseho mismo ng palasyo. Ramdam na nila ang tensyon na magdudulot ng gulo, ngunit hindi ito natuloy dahil wala na ni isang kawal na tumalikod noon sa hari ang tutulong sa kanila ngayon. Sabi nga nila, walang hindi nabibili ng pera.

Naging maayos ang paghuli sa mga taong tumalikod sa hari, wala ding gulo na naganap. Dumating na rin si Eiggo at Zeke sa dapat pagdadausan ng kasal.

Lumapit din ang kambal kay Erron.

"Walang kahirap hirap, ang simple lang di ba? So malaya ka na. Pwede mo ng puntahan at ipakilala ang aming prinsesa." Wika ni Eiggo.

"Pero siguraduhin mo lang na hindi mo sasaktan si Lana, once na umiyak ang aming bunso, ako mismo ang magbabaon ng bala d'yan sa ulo mo." May pagbabanta man si Zeke pero masaya pa rin si Erron sa narinig.

"Makakaasa kayo, na hindi ko sasaktan si Lana, at mahal na mahal ko s'ya. Bago ako gumawa ng action para sa aming dalawa, ipagpapaalam ko sa inyo mga kuya." Nakangiting sambit ni Erron.

"Ang pangit pakinggan. Lumayas ka na baka magbago pa isip namin." Nakangiting sabi ni Eiggo kahit nababanas sa pagtawag ni Erron sa kanila ng kuya.

Samantalang si King naman ay lumapit sa prinsesa.

"Merrin alam kong hindi pa ito ang tamang panahon at baka masyadong mabi.."

Hindi natapos ni King ang sasabihin niya ng isang tikhim ang umagaw sa atensyon niya at ni Ariella. Hindi niya napansin ang paglapit sa kanila ng Hari at Reyna.

"Anong meron sa inyong dalawa, bakit hawak mo ang kamay ng aming anak." Ang hari.

"Ako po si Eugene King Johansson Montejo. Nagkakilala kami ni Merrin, ng prinsesa sa Pilipinas. Simpleng buhay lang ang meron ako mahal na hari, pero gagawin ko ang lahat para maramdaman pa rin ng Prinsesa na siya lamang ang reyna sa buhay ko."

Medyo cheesey man, pero kinilig pa rin si Ariella sa sinabi ni King. Lumapit naman ang Reyna sa anak at niyakap ito.

"Anong koneksyon mo sa Faroe Islands dahil ang mga Johansson lamang ang mga nagmula sa isla na iyon?" Tanong pa ng Hari.

"Ang akin ina ay si Georgina Johansson, ang nag-iisang anak ng namamahala sa buong isla ng Faroe Island, ngunit dahil isang negosyante lang ang aking ama, pinagbalakan nila ako ng masama. Nang mamatay ang aking ina, dinala ako ng aking ama sa Pilipinas, ngunit namatay din ang aking ama makalipas ang ilang taon." Mahabang paliwanag ni King.

Hindi man inaasahan ngunit biglang naiyak ang Reyna, at hindi mapigilan ang pagyakap nito kay King. Naguguluhan man ngunit hinayaan na lang ni King ang Reyna sa pagyakap nito sakanya hanggang sa tumigil ito sa pagluha.

"Masaya akong makilala ka. Matalik kong kaibigan si Georgina, pero hindi ko nakilala ang asawa at anak niya. Noong nawala siya, nakatanggap ako ng sulat galing sakanya, sinulat niya bago siya mawala. Nakasaad doon na kung dumating ang panahon na makilala ko ang kanyang anak, iparamdam ko din sana ang pagmamahal na hindi niya magagawa dahil ng panahon na iyon hindi na siya magtatagal. Kaya ngayon, masaya akong makilala ang anak ng aking kaibigan." Naluluhang sambit pa rin ng reyna.

Hindi sila makapaniwala na ang liit lang ng mundo, magkalayong magkalayo na ang mga hangganan at milya milya na ang pagitan, pero andito silang lahat ngayon sa England, magkakasama, at parang tadhana na talaga ang gumagawa ng paraan para sa paglalapit nila.

Nalaman na rin ng hari at reyna ang tunay na relasyon ni King at Ariella. Hindi na rin naman sila tumutol pa. Lalo na at nararamdaman nila kung gaano kasaya ang kanilang prinsesa.

Matapos ang gulo, hinayaan nilang magpasya ang prinsesa at si King sa gusto nilang mangyari sa buhay. Kaya napag-usapan na rin na makalipas ang isang taon, ay magpapakasal sila ni King.

Madami man silang pinagdaanan sa buhay, pero hindi sila nawawalan ng pag-asa na magiging maayos din ang lahat. Natuto silang ipaglaban ang tama at ang kanilang karapatan.

Ngayon si King naman ay nagpakita na rin sa Faroe Island. Nalaman niya na ang namumuno doon habang wala siya ay isang mapapagkatiwalaan ng mga Johansson. Maayos din itong namamalakad at lalong yumayaman ang Isla.

Dahil sa nakitang ganda ng pamamalakad nito ay buong puso ding ipinagkatiwala ni King ulit dito ang pamamalakad. Malaki din ang nakukuha ng pamilya nito. Kaya naging lubos ng katapatan nito kay King at nangakong hindi siya sisira sa kanyang nasimulang tungkulin.

Bumalik na naman ng Pilipinas ang magkapatid na Morris. Ang kambal naman na Wright at si Run ay balik sa dating gawi, nag-iikot sa buong palasyo ng England para mapanatili ang kapayapaan.

Makalipas ang isang taon, itinakda ang pag-iisang dibdib ni Ariella Merrin McQueen at ni Eugene King Montejo.

Handa na silang harapin ang panibagong yugto ng kanilang buhay, na puno ng pag-asa at pagmamahal. Sa isa't isa, sa mga nakapaligid sa kanila at sa lahat ng taong umaasa sa pamumuno ng bagong hari at reyna.

♡♡♡♡







Minsan hindi natin aakalain na may makikilala tayo, tapos sila na pala ang para sa atin.

Minsan inaakala naman natin na ang taong ating nakilala ay sila na, pero dumaan lang pala talaga sa buhay natin, para tayo ay matuto at lumaban sa buhay.

Hindi natin masasabi kung ano ang itinakda para sa atin. Meron masakit, malungkot at masaya.

Pero isa lang ang masisigurado natin sa buhay. Lahat may hangganan. Kahit ang sakit at kalungkutan nagkakaroon ng katapusan.

****yurikurama24

King Without Crown Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon