Chapter 8
Magdamag na naghintay si Ariella sa pagdating ni King. Halos hindi na rin siya makatulog. Sobra siyang nag-aalala sa binata. Gusto man niya itong hanapin, ayaw naman siyang payagan ng mga guard niya. Ayaw namang sumunod ng mga ito sa utos niya. Hindi na rin naman niya alam ang gagawin.
Maya't maya na rin siyang sumisilip sa labas ng bintana at nagbabakasakali na dumating ito. Alas kwatro na ng madaling araw pero wala pa rin ito. Nakatulog na rin si Rina, Run at Eiggo. Si Zeke na lang ang kasama niya.
"Prinsesa matulog ka na, ako na lang ang maghihintau dito sa pag-uwi ni King." Malumanay na sabi ni Zeke sakanya.
"Matulog ka na Zeke, ako na lang ang bahala dito." Tanggi niya dito.
"Pero prinsesa, kailangan mong matulog, para magkaroon ka ng lakas para kausapin si King ako na ang bahala dito."
Wala na ring nagawa si Ariella kundi, sundin ang nais ni Zeke. Dahil siguro mag-uumaga na rin, paglapat pa lang ng katawan ni Ariella sa kama ay nakatulog na kaagad siya.
Ilang sandali pa, ay dumating na nga ang lalaking hinihintay ni Ariella. Nakita ni Zeke ang dalawang lalaki na kasama nito. Pansin nilang walang malay si King dahil buhat ito ng isa, at ang isa naman ay siyang nagbubukas ng pintuan.
Mapapansin din ni Zeke na parang nakita na niya ang mga kasama ni King, ngunit hindi niya matandaan kung saan.
Mas pamilyar sakanya ang mukha noong isang lalaki na nagbukas ng pintuan, pero ibang katauhan ang naaalala niya.
Makalipas ang ilang sandali lumabas ang isang lalaki, ang lalaking may buhat kay King. At naiwan sa loob ang isa, na siyang nagbukas ng pintuan. Ilang minuto lang at tuluyan na itong umalis.
Maliwanag na sa labas at nakamasid lang si Zeke sa bahay ni King. Pumunta na rin siya sa may teresa. Hihintayin na lang niyang magising si Rina para makapagpatimpla ng kape.
Hindi inaalis ni Zeke ang mga mata niya sa bahay ni King, kaya bigla siyang nagulat ng biglang lumabas dito ang isang magandang babae. Alam niyang walang naunang tao sa bahay ni King. At dalawang lalaki ang kasama nito pagpasok at naiwan ang isa.
'Pero asan ang lalaking kasama at naiwan nung kasama nila kagabi.' Tanong ni Zeke sa isip niya. Nang mapansin siya ng babae ay bigla itong kumaway sakanya ang isang napakatamis na ngiti ang ibinigay nito. Bigla namang kumabog ang puso ni Zeke. Hindi niya maipaliwanag pero masaya siya sa nararamdaman. Nang bigla itong magsalita sakanya.
"Hi, I'm Yama." Pakilala ng magandang babae na nasa bahay ni King.
"I'm Zeke. Kasama ka ni King?" Tanong niya dito.
"Umm, yeah his inside, natutulog pa. Maaga lang akong nagising." Sagot naman nito.
"I see." Sagot na lang ni Zeke dito.
"What do you mean?" Si Yamanako
"Nakita ko kasi kanina na dalawang lalaki ang naghatid kay King, tapos umalis ang isa at naiwan ang isa. May kasama pa ba kayong iba?" Tanong ni King na halatang ikinagulat nito, pero agad ding nakabawi.
"Umm, baka naman nagkakamali ka lang, ako lang ang kasama ni King." Ngiwing paliwanag ni Yamanako.
"Why, hiding something? Ms. Yamanako Morris, a professional assassin from Faroe Island." Halata ang gulat sa mukha ni mukha ni Yamanako dahil sa sinabi ni Zeke.
"How did you know me?" May pagtatakang tanong niya kay Zeke.
"Hindi ko akalaing malilimutin ka pala, pati ako nakalimutan mo? Tss. Remember the organization you follow and get some information to ruin. But you stop after you get that information." Gulat na nakatingin lang si Yamanako kay Zeke.
"I'm the dirty old rug, na taga linis ng hide out nila. Tss, ang problema ko lang nung nakakuha ako ng ibang impormasyon, at nalaman kong nasayo ang usb na kailangan ko, saka ka naman biglang nawala. Tapos nahanap kita pero nagkamali ako kasi, hindi mo ako natatandaan. Ngayon alam ko na kung bakit. Dahil yong kamukha mo ang nakita ko noon. Kaya pala kahit lalaki ang itsura mo noon ibang iba ang kilos at katawan mo kasi babae ka pala." Mahabang paliwanag ni Zeke na naguguluhan pa rim si Yamanako.
Samantalang ang kambal naman ni Yamanako, ay kumukuha ng ibang impormasyon tungkol sa nangyayari sa palasyo ng England. Nalaman malapit ng magkagulo dahil nais nilang hindi mapatayo sa pwesto ang prinsesa na susunod na reyna.
Nais nilang mapigilan nag kasal nito. Nalaman na rin ni Yamanaka na ang impormasyon pala na hindi nila nahanap sa organisasyong pinasok ni Yamanako ay na kay Zeke.
Ngayong gumagawa ng hakbang ang organisasyong nais mapabagsak at mapababa ang Hari at Reyna sa pamamahala ng mga ito, gumagawa naman ng hakbang sina Zeke sa tulong ng kambal para hindi matuloy ang plano ng mga ito.
Lumipad na ng England si Ariella kasama si Eiggo, Run, at Rina. Kasama ni Erron at Link na ang plano ay diretso sa England Palace, para makapaghanda sa kasal nila.
Wala pa ring balita si Ariella kay King, hindi na sila nakapag-usap pang muli, buhat ng tagpo nila, nakausap si Erron.
"Prinsesa, wag kang mag-alala, naiwan si Zeke at sinisigurado niyang magiging ayos din ang lahat." Isang buntong hininga lang ang naisagot ni Ariella.
"Hindi naman hahayaan ni Erron na mabaliwala ang pagtatago niya sa kanyang minamahal. At hindi papayagan ng kambal na masaktan ang kanilang prinsesa. Kaya wag kang mag-alala magiging maayos din ang lahat." Nakangiting paliwanag ni Rina.
"Sana nga Rina. Sana. Ayaw kong makasal sa lalaking hindi ko mahal. Hindi ko pa nakakausap si King, wala akong balita sakanya buhat ng umalis tayo sa Pilipinas." Malungkot na sagot niya.
"Hindi pababayaan ni Zeke, si King at nasabi na rin nina Run at Eiggo na gagawin nilang lahat para maging maayos ang lahat. Ang kailangan lang natin ay maniwala at magtiwala sa kanila."
Kahit nahihirapan kahit papano ay gumaan ang kalooban ni Ariella. Umaasa siya sa sinabi ni Zeke. Sana lang talaga ang maging maayos ang lahat.
Makasama ni Erron ang babaeng mahal niya, at sana ay magkaayos na sila ni King. At sana din ay tulad ni Erron makasama din niya ang lalaking kanyang tunay na minamahal.
**happyreading**
**kahitmedyo/kahitsabaw**
BINABASA MO ANG
King Without Crown
RomancePaano kung ang isang araw, matagpuan mo ang lalaking magpapatibok ng puso mo sa isang pagkakataon na hindi mo inaasahan. Isang dukha, na nakatira sa eskwater area, walang permanenteng trabaho, maliban sa pagiging tricycle driver. Hahayaan mo bang ma...