Chapter 5
"Grabe pala ang prinsesa, wala pang sila pero gusto ng mambakod. At ito pa, never pang nainlove si Prinsesa Ariella, pero ngayon halatang nasapol ni kupido, kaso mukhang, na late ng kunti si kupido, napana na niya sa iba, pinatamaan pa ang prinsesa. Tss." mahabang litanya ni Eiggo.
"Dami mong alam Eiggo. Tumahimik ka na nga lang, hindi yong babaeng kasama ni King ang malaki nating problema. Kundi si Erron McGuire. Alam nating siya ang anak ng Duke ng Cambridge na dapat ipapakasal sa prinsesa." Sabi naman ni Run.
Kilala nila ang lalaking ipapakasal sa prinsesa, alam din nilang hindi ito ang lalaking gusto ng prinsesa, pero wala silang magagawa kung mismong ang lalaking pakakasalan nito ay payag na makasal sila. Sino nga ba ang ayaw maging susunod na hari ng England. Wala pang tumatanggi lalo na at matagal ng nakatalaga na sa pangalan mo ay ikaw ang susunod na hari.
Samantalang sa loob ng bahay ni King, ay hindi mapigilan ni Anne ang pagtawa lalo na sa nakita niyang reaksyon ni Ariella.
Ngayong alam naman niya na wala talaga siyang pag-asa kay King at pagiging kaibigan lang talaga ang kaya nitong ibigay ay maluwag naman iyong tinanggap ni Anne.
Mahirap pero alam niyang, darating din ang tamang lalaki na magmamahal ng tunay at tapat sakanya at hindi si King ang lalaking yon.
Sa ilang araw na hindi nagkakausap si King at Ariella ang araw na naaksidente ang ama ni Anne, wala siyang malapitan at gipit din ang ilan nilang kamag-anak. Si King lang ang nag-iisang tao na kusang lumapit sakanya, at nagpaabot ng tulong.
Si King din ang gumastos ng pampaospital ng kanyang ama, hanggang sa makalabas na nga ito, nag offer naman si Anne na babayaran niya ng paunti-unti si King pero tumanngi ito. At isang pabor lang ang hiningi ni King, na maging magkaibigan na lang sila dahil iisang babae lang ang tinitibok ng puso niya si Ariella.
Oo nga at malayong malayo siya sa pagiging prinsipe na babagay sa isang prinsesa. Pero kaya pa rin naman niyang gawin itong reyna sa kaharian na ginagalawan niya.
"Nakita mo yong mukha ng prinsesa mo? Sabi ko naman sayo, may gusto talaga yon sayo, ayaw mo lang maniwala. Pareho talaga kayo ng nararamdaman. At babae rin ako, kaya nararamdaman ko din ang nararamdaman niya." Paliwanag sa akin ni Anne.
"Pero bakit siya naglihim sa akin tungkol sa pagkatao niya, sabi niya kasi noon tinuturing niya akong kaibigan, at isa sa pinagkakatiwalaan niya, lalo na at wala naman silang kilala ni Rina dito?" Malungkot na pahayag ni King.
"Di ba, sabi mo nga prinsesa siya ng England. Malamang may dahilan talaga siya. At yon ay iniingatan lang talaga niya ang pagkatao. Kaya ikaw ang lalaki dyan wag ka ng magtampo. Para kang hindi lalaki, suyuin mo na kasi."
"Siguro nga tama ka, prinsesa yon eh, ako pa ba ang dapat magreklamo, pati wala pa namang kami."
"Ligawan mo na kasi, ayaw mo kasi sa akin si sana ay hindi ka na nahihirapan sasagutin naman kita agad-agad." Pahayag ni Anne na sinamaan sinamaan naman ng tingin ni King.
"Sabi ko nga joke lang eh. Hehe... Ligawan mo na lang ang prinsesa mo, at ng hindi ka na nagmamaktol dyan."
"Anong gagawin ko dun sa tatlong bantay niya? Mukhang ayaw palalapitan ang prinsesa nila."
"Bakit? Sila ba liligawan mo? Relax lang. Hindi mo kasi malalaman ang sagot ni Ariella kung ako lang ang kakausapin mo. Ramdam ko nga nagseselos ng makita niyang magkasama tayo. Kaya kung ako sayo, sisimulan ko ng suyuin ang prinsesa ko bago pa ako maunahan ng iba."
Buhat ng araw na na nagkausap ni Anne at King ay pinag-isipan nitong mabuti ang sinabi nito. Mas naisip niya na wala siyang magiging pag-asa kung wala siyang gagawing hakbang.
Kaya sinimulan niya iyon tuwing umaga, bago magising ang lahat, naglalagay siya ng ibang tangkay ng rose sa may table sa teresa ng bahay na tinutuluyan nina Ariella.
Alam naman ni King na alam ng tatlong guard nito na sakanya iyon galing dahil nakikita niyang, kung sino man sa tatlo ang makakuha ng bulaklak ay binibigay ito kay Ariella.
At tuwing magtatanong ito, kung kanino galing at puro kibit balikat lang ang sagot kung sino man sa kanila.
Kaya ngayong araw, nagpasya na si King na kausapin si Ariella. Nagipon lang talaga siya ng lakas ng loob dahil alam niyang nagtatampo ito sa hindi niya pagpansin dito noong nakaraan.
Sa teresa kung saan sila palaging nagkakape sa umaga, ay maagang lumabas si Ariella. Doon na nagpasya si King na lapitan ito at kausapin.
"Merrin magandang umaga." Bati ni King kay Ariella, at binigyan pa niya ito ng matamis na ngiti, sabay abot niya dito ng tatlong tangkay ng rosas.
Isang irap lang ang natanggap nito mula Ariella, na ikinatawa ni King dito. Pero tinanggap naman ang tatlong piraso ng rosas na, ikinaluwag ng kanyang pakiramdam
"Hindi halatang galit ka sa akin Merrin. Pero kahit galit ka, mas lalo kang gumaganda sa aking paningin." Sabay kindat pa dito.
"Naku King ako ay wag mong pinaglololoko! Hindi ka nakakatuwa.!" Sigaw pa nito at tiningnan pa siya nito ng masama.
"Sino bang nagsabi na niloloko kita? Oi mata mo, pagnahanginan yan, hindi na iyan babalik sa dati, sige ka, para kang toro na gustong manuwag."
"Anong toro na gustong manuwag?" Tanong nito na labis siyang naguguluhan.
"Alam mo ba ung bull fight sa Argentina? Yong bull na pagnapakitaan ng pulang tela ay sumusugod? Ganun ang itsura mo ngayon. Pero..." itinigil muna ni King ang pagsasalita bago sinundan.
"Pero maganda ka pa rin sa aking paningin."
"KING!!!" Sigaw ni Ariella na ikinalabas ng lahat. Nakita nila kung paano hampasin ni Ariella si King na ikinatawa ng apat nilang kasama.
Kitang kita nila, kung anong iwas ni King sa mga hampas ni Ariella, gamit ang stick na kawayan, na ginagamit nila sa pagkuha at pagsasampay ng damit. Pero dahil hindi tumitigil si Ariella hindi naman ito mapatigil ni King.
"Panonoodin n'yo lang bang magwala itong prinsesa n'yo?" Tanong ni King sa apat na nanonood kung paano s'ya hampasin ni Ariella.
Sa halip na siya ang sagutin ay si Rina ang kinausap ng mga ito.
"Oi Rina ang niluluto mo, ng makapag almusal na tayo." Sambit ni Eiggo.
"Oo nga Rina nagugutom na rin kami ni Zeke. Di ba Zeke?" Sabay tingin dito. Isang tango lang ang naging sagot ni Zeke.
"Pigilan n'yo nga itong prinsesa n'yo! Mapanakit na eh." Reklamo ni King, na tinawanan lang siya ulit ng mga ito.
"Ikaw ang gumalit sa prinsesa, ikaw lang din makakapagpahupa niyan. Pasok na tayo sa loob nagugutom na talaga ako." Sambit ni Eiggo at tuluyan ng pumasok ang mga kasama niya.
Pero ilang saglit lang nagsalita ulit ito."Para matuwa ka naman, lahat ng rose na iniiwan mo dito, tinatago ng prinsesa." At sa sinabing iyon ni Eiggo, doon lang napatigil si Ariella sa ginagawang paghampas kay King na ikinapula ng mukha nito. Bago tuluyang bumalik sa pagkakaupo sa silya na kinauupuan nito kanina.
Isa namang liwanag ng pag-asa ang lumukob kay King sa dahil sa sinabi ni Eiggo. Ibig sabihin lang pinahahalagahan nito ang mga bulaklak na binibigay nito kay Ariella.
Matapos ang magulong pangyayari sa kanilang dalawa ay nagkausap ng maayos si King at Ariella. Na pinayagan naman nito ang panliligaw ni King sakanya.
(Lugawnawalanglamanpurosabaw.Huhu.)
BINABASA MO ANG
King Without Crown
RomantikPaano kung ang isang araw, matagpuan mo ang lalaking magpapatibok ng puso mo sa isang pagkakataon na hindi mo inaasahan. Isang dukha, na nakatira sa eskwater area, walang permanenteng trabaho, maliban sa pagiging tricycle driver. Hahayaan mo bang ma...