Punch 27

0 0 0
                                    

Unexpected Visitor

Jerna POV:

Jeznhey is back from her old self, nakatulala na naman sya, she is like this after sya makidnap.

After nya makidnap ay 2 years sya na Comatose, and one year na nakatulala lang, kakain dalawang subo, iiyak ng iiyak, paliliguan ni Mama.

Ganyan sya noon, at mukhang pati ngayon.

We don't know what triggers her trauma, but one thing is for sure, may tumawag sa kanya.

We saw in her phone an Unregistered number, the exact time she pass out.

That caller might have the same voice as one of the kidnapers of Jeznhey that is why she remembers the forgotten memories of her.

I am currently watching her, inuwi muna namin sya, We let Rhysand rest for awhile, ayaw pa nya kaya lang minanipula ata ni Renz.

Ang sabi dati ng doktor kailangan muna madistract ni Jeznhey para bumalik sya sa dati, so like before I did something again.

"Jeznhey, hey baby girl, ako to si Ate mo, diba I promised you na we will go out? Lalabas na tayo, and you know what? I have a boyfriend, gwapo sya" kwento ko, pero di pa din sya nag reresponse.Maybe I should try the actual scenario? "Jeznhey, alam mo ba? Magkakaroon na ng kapatid si Laurent" tumingin sya sakin at bumalik na naman sa pagkakatulala.

She responds, ibig sabihin konting push na lang.

Bumaba ako para ikwento kay mama na nagrespond si Jeznhey sakin, at habang nag ke-kwentuhan kami ay pumasok si Rhysand, mukhang tinakasan lang nya ang pamilya nya, swerte talaga ang kapatid ko sa pag-ibig, una at huli nya si Rhy.Mukhang tama nga ako, tumakas lang yon, pumanhik sya sa taas pero kasunod nya ay si Renz.

Wala na sa katinuan si Rhysand, parang kapatid ko, hindi na namin pinansin ang magpinsan at hinayaang magsipasok ang mga Yevhen, hindi namin sila kaaway, yaon ang sabi ng lolo namin, pero ang alam nila Star ay kaaway kami, kaya wala dito ang ibang mag-pipinsan, nalaman lamang nila ito matapos ikasal sila Rhysand, hindi ito alam ni Rhysand, pero alam to ng iba, kaya nagtataka kami bakit si Envy pumasok, pero maya-maya ay lumabas na ang dalawang lalaking pinsan ni Rhysand, pinatulog nila ito dahil nagwawala.

"Itago nyo si Jeznhey, wag nyo ipapakita kay Rhysand" ani Envy at umalis na

Punyetang Grupo kasi ng mga sindikato na yon, pinag-aaway kami, pero alam ko na may gagawin sila lolo para matapos na ang hidwaan.

"Mommy, is Mama okay?" tanong ni Laurent, ang anak ko ang nasaktan sa nakita sa tiyahin nya, spoilled masyado si Lau kay Jeznhey.

"She will be okay, soon" sagot ko

We know a good treatment for her, alam ko na gagaling ulit sya, like before.

"Anak, I want you to Go in Garret's house tomorrow, doon ka matulog"utos ni Papa.

Sumunod na lang ako, alam ko na iniiwas nya lang ako sa kapahamakan, sana lamang ay ligtas sila bukas. Jusko, kayo na ang bahala sa pamilya ko at lalo na sa kapatid ko.

Gina's POV:

Sa nakikita ko sa panganay ko, para akong pinapatay, lagi na lang pag nagigising sya nagwawala si Star lang ang nakakapigil sa kanya, maski kami hindi nya pakinggan, gusto nya puntahan si Jeznhey, pero hindi pwede, masasaktan si Jeznhey, babalik lahat sa una, mahihirapan na naman pagalingin ng mga torealba si Jeznhey, bukas papunta ang kaibigan ni Rose na syang nagpapagaling kay Jeznhey, tulad noon ay babaguhin na naman ang takbo ng isip nito.

May ideya na ang pamilya nila kung ano o sino ang kumidnap kay Jeznhey noon, at gagawin nilang pain ang sitwasyon, hindi ako nakekealam sa kanila sapagkat ayokong makagulo pa.

Kinabukasan ay alam kong susugod na sila, at alam kong maayos na si Jeznhey, sana lamang ay walang mali sa magiging takbo ng plano, dahil isang pagkakamali ay mawawala ang dalawang pamilyang to.

"Mama, Where is Ate? Why kuya always shouts her name? It was scary, kuya's voice is so Scary" si Wind.

Oh my child, so pure and Innocent like her kuya before, sana mag stay ka na lang na ganyan.

"Rhysand!stop it!" sigaw ni Lust, tumayo kasi si Rhysand at halos nasuntok na ang mga pinsan nya na pumipigil sa kanya, eto ang delikado sa kanya, ang mawala sa sarili nya.

"Let me go! My wife needs me!" si Rhysand at isang malakas na pwersang pinakawalan ang sarili mula sa paghawak ni Wrath at Cenred.

"Tangina! Ang laki mong tao! Napakahirap pigilan!"

"Greed!"isang malakas na sigaw ni Renz ang nadinig sa mansyon, hinuli nya ang tingin nito at pumitik sa harap nya" Sundin mo ako"huminahon si Rhysand at naupo sa higaan nya"Girlfriend mo pa lang si Jeznhey, she broke up with you"pumitik ulit si Renz at nakatulog ang anak ko.

Huminahon na ulit ang bahay, si Cenred at Wrath ay naghihilot ng mga parteng tinamaan ni Rhysand.

Jeznhey POV:

I can't remember some things, I just woke up at may naririnig akong mga kalabog at sigawan.

"Sleep" nadinig ko ang isang tinig ng babae, lahat ng bantay ko ay nakatulog. Isa-isa nyang pinapatulog yon sa pamamagitan ng pagmamanipula.

Napatingin ito sa gawi ko, tumakbo ito kaya sinundan ko, madami pang ibang naglalaban, may isang lalaking naka-upo sa bintana at prwnteng ibinabato ang isang maliit na bagay, kutsilyo? Umalis ako doon para pumunta sa kabila, papunta sa opisina ni Lolo, I saw a girl figure expertly walking and firing her gun.

I ran back to my room, what the fuck? Ano ang sumusugod sa bahay namin?
Naalala ko na may tinatago akong mga baril sa higaan ko, iniangat ko iyon at nilagay sa gun holder, isinabit ko ito sa tagiliran ko, incase lang naman na may pumasok.

"Puta may bisita pala kami?" I don't know lang ah? Pero parang masaya lumaban sa labas? Gusto ko makipag laro sa mga bisita namin.

What will happen? Matagal na ako nang huling humawak ng baril

Nasaan kaya ang ate ko? Sila Mama? Di ko nadidinig o nararamdaman na may tao sa labas, kaya lumabas ako para tignan ang kwarto nila Mama at Papa, pati na din ni Ate

7Deadly Sins:2𝓖𝓻𝓮𝓮𝓭Where stories live. Discover now