Punch 32

1 0 0
                                    

Alive

Jeznhey POV:

Everyone is in the table, busy eating hanggang sa magkamustahan na ng love life.

Mukhang nahihirapan sila in terms of love life.

Feeling ko din ah? May tinatago itong si Morgance, hindi sya sumagot, sa totoo lang nung nakaraan napapansin ko na laging wala dito yung animal na yan.

Katabi ko si Morgance kaya pasimple ko itong kinompronta.

"Hoy, umamin ka nga, may tinatago ka noh?" deretsyang tanong ko.

"Wala kaya" anito at sumubo ng napakalaking ulam.

"Sinungaling" sagot ko at tinuunan na lamang ng pansin yung anak ko at mga pamangkin ko

Lokohin pa ko gawain ko yon.

Matapos yon ay dinala namin ang mga bata sa mall, may bagong bukas daw na Playground noong isang linggo, nirentahan yon ni GrandPi para magamit ng magpipinsan.

Lahat kami ay nasa Mall kasalukyan, nasa iba-ibang lugar nga lang, mga anak namin na binabantayan ng napakaraming gwardya, mga magpipinsan na nasa Timezone parang mga bata doon, ako na namimili ng damit at sapatos.

Nang mainip ako ay pinuntahan ko ang mga bata, andun na din sila Morgance na nakikipaglaro din sa mga bata.

Pumasok ako at tinitignan ako ng mga  staff sa laruan.

Inabot ko sa mga gwardia sa labas yung hawak kong sandamakmak na paperbags.

Isang staff ang lumapit sakin.

"Maam, hehe, pwede po pa picture?"

"Sure"

Kilala pa ba nila ko? Ang tagal ko na bumitaw sa pagiging modelo ah?

Nagpapicture ang mga staff at lumapit na ako kila Leo, binato ako ng maliit na bola ni Lust, nayupi yung bola, sakit letche, kumuha ako at ibinalik sa kanya, yupi din yung bola na tumama sa noo nya.

"Headshot ninong!" sigaw ni Addy.

"Jeznhey! Ba't naman sa noo? Nag sakit" maktol nito.

"sira ulo ka sa leeg ako tinamaan!" balik ko.

Para kaming mga bata na nagtatalo.

Nagulat kami ng si Star ay nanulak, sino ang tinulak? Yung asawa, lumubog si JP sa mga bola, si Star at Mady ay tawa ng tawa, samantalang ang sama naman ng tingin ni JP sa magina.

Naupo ako sa isang side habang pinapanood sila.

Nung isang araw nagulat kami nang maglakad si Leo, nakakahakbang na sya noon, may alalay, pero ngayon kaya na nya lumakad na walang alalay.

Lumakad papunta sakin si Leo na pawis na pawis na.

"Hay nako, ba't naman ganyan pawis mo? Baka magkasakit ka nyan"

"hayaan mo na minsan lang naman mag enjoy yung mga bata" si Star.

"sabagay, pero magingat na din, mahirap pag sila nagkasakit" sagot ko

Nilagyan ko na lang bimpo sa likod si Leo at hinayaan na ulit makipagkulitan sa mga pinsan.

Ako naman ay nag scroll na lang ulit sa FB.

Isang linggo na akong hindi nakakapag open ng FB.

At as usual, tambak ng notif.

Yung iba tagged pictures, yung iba messages.

May nag chat sakin, Diana Rosey, aba? Buhay pa pala to? Di nagpaparamdam sakin ang loko.

-Kayo ba nagpareserve ng Kidzoona?-kasesend lang a minute ago.

-Oo pre, why? -

-andito kami, gusto maglaro ni Yuki-

Nagtaka ako kung sino si Yuki, pamangkin?

-osige lalabas ako, weyt lang-

Lumabas ako at hinanap sila Jay.

Nakita ko sya kasama yung bata na nasa 6 to 7  ata yung edad.

"Jay!" lumingon sya sa pwesto ko kung nasaan ang entrance.

"Bakla ka! Namiss kita, long time no Conversation" bungad nito.

"ah madami ako problema eh" tinignan ko yung batang kasama nya, kamukha sya ni Jay, pero yung Bandang ilong tsaka labi hindi. "Anak nino yan?" tanong ko

"Anak ko, pag alis mo the next year nabuntis ako" aniya na medyo nahihiya.

"Gaga, no Judgement,noh. Pero sino Ama?" doon sya napayuko.

"Hindi ko alam, lasing ako" aniya.

"Its okay, tara? Para makilala ni Yuki yung anak ko.

" Anak mo? "

Ay di nya nga pala alam na nagpakasal na ako.

" Oo, nasa loob na, tara na? "

Pumasok kami at lumingon samin sila Star.

" Guys bestfriend ko nga pala"pakilala ko sa kanya.

They all greeted her, hinila ko sya sa pwesto ko kanina,

" Dito tayo, kwento ka naman, bakit di mo pinakilala sakin yung anak mo noong nagkita tayo last last year? "

" Eh kasi nga, di ka nagtanong"sagot nya.

" Tampalin kaya kita? "

" Eh ikaw nga kinasal di nangimbayt"sagot nya.

"Bobo ka ba? Di ko nga alam na ikakasal ako noong araw na yon" sagot ko.

"eh nasan asawa mo?"

Medyo naawkwardan ako sa oras na yon.

"Kasama na ni Lord, hehe" sagot ko at tinignan si Yuki na kausap si Carl.

Teka? Magkahawig sila?

"Pri, naging kayo ba ni Carl?" tanong ko

"Oo, pero naghiwalay din kami" sagot nya at yumuko.

"Geh kwento ka"

"Noong araw na nakipag sex ako sa bar, kami pa noon, nalasing ako kaya ko nagawa, pero nakipaghiwalay ako kay Carl, ayokong sumama ang tingin ng iba sa kanya, kaya di ko na lang tinuloy yung relasyon namin, ilang beses ko na din syang nahuling nambababae" sumbong nya,

Kaya pala kanina pa nya iniiwasang tignan si Carl.

Tinignan ko ulit yung gawi ni Carl, pasan nya si yuki sa balikat, habang nakikipag habulan kay Renz, Dale at Morgance at Amaia. Si Star at JP naglalandian sa kabilang gilid.

Tigiisa sila ng pasan, yung anak ko nakay Amaia, si Addy nakay Morgance si Andy nakay Dale, si Mady nakay Renz.

Tinignan ko ulit si Catl, tapos si Yuki.

"Pre, sigurado ka bang hindi si Carl ama ng anak mo?" tanong ko

"Hindi, imposible yon, kasi kaalis lang ni Carl nung panahong nakipag-you-know ako sa bar" sagot nya

Kahawig talaga sila, ah basta.

Nang manawa ang mga bata ay kumain muna kami sa isang fastfood chain bago umuwi, sumabay na lang ako kay Renz pauwi sa bahay, kanya-kanya kasi sila dala sasakyan, papunta naman sumabay lang ako kay Amaia, timatamad kasi akong mag drive.

Pag dating sa bahay ay agad kong binihisan si Leo at pinatulog.

Dahil siguro sa pagod ay agad itong nakatulog.

Kahihiga ko pa lang nang tumunog ang telepono ko.

Sinagot ko ito at isang pamilyar na boses ang nagsalita.

"Finally, we will meet again, Kralicem"



7Deadly Sins:2𝓖𝓻𝓮𝓮𝓭Where stories live. Discover now