𝙿𝚞𝚗𝚌𝚑2

0 0 0
                                    

Jeznhey POV:

Tell me,My mind is just playing with me right?I can see other man,It is not Rhy,How come na dito din yun nag-aaral?No it is not him!

"Hoy!"nagising ako sa sigaw ni Jay

"Ha?"ako

"Kilala mo pala kako yun?gwapo nung Browned-eyed"anito

"Ahh oo,kilala sya ni ate"ako

"Ghad,sa tingin ko everyday na ako papasok!"tili nito.

"Ang sakit sa tenga!Jay naman eh!!"reklamo ko

"Papanik ako sa taas,papakilala ako sa mga gwapo"aniya

"Tsk,suplado mga yan sure ako"ako

"Ano naman ngayon?"sya.

"Bahala ka binalaan na kita"sagot ko at hinantay na yung teacher namin pumasok.

Dumating naman agad yung Adviser namin,buti naman,nakakainip kaya.

"Maam!sino po yung mga bagong lipat?"si Jay

"Di ko alam eh,pero galing sila sa iba't-ibang bansa,ang alam ko only Cenred study here in Philippines,the rest?I don't know"si Maam

"Ay syet Foreigner"si Freya na chismosa.

"Wag na kayo magtangka,nung ininterview daw mga yan yipid sasagot"si Maam

Tinignan ko si Jay at nginisihan'told ya'I mouthed her.

Nagturo na si Maam,then syempre walang pumasok sa utak ko.

Breaktime,hindi kami sa Canteen nagiistay,sa tapat lang ng room.

Naglabasan ang mga estudyante,at syempre alam naming parating na sina Rhy.Ikaw ba naman dumugin?

"Stay away from us!"isang boses ng babae ang nadinig ko,agad namang nawala ang mga tao sa paligid nila Rhy.

Dumaan sila sa gawi namin kaya nadinig ko ang sinabi ng isa sa kanila

"Damn,the authority in Renz' Voice remains"anang isa sa kanila  lalaki yun eh.

"Sa Canteen tayo,baka hanapin tayo ni Star"its Rhy,oo kilala ko ang boses nya.

"Yons!libre ni Buhangin!!!"iyon ata yung Cenred,sya kasi kasama ni Rhy sa bar kagabi.

Hindi ko na dinig ang sinasbi nila,medyo malayo na kasi.

"Ghad Bhie,napaka-g-gwapo!"it's Marlou.The gay

"Sino bet mo?"si Romel,bakla din,tropa ko din yan.

"Si Dale,pinakabata daw yun"ani Marlou.

"Ay good ako kay Cenred,chick boy daw,malay mo ako na ang magpatino sa kanya diba?"si Romel.

"Hoy taas ng pangarap tih"si Jay.

"Asa"ako

"Hoy!di porket may fekfek kayo magyayabang na kayo,pustahan na lang oh!"si Marlou.

"Ano naman?"ako

"Pag may kinausap satin kahit sino sa mga yan panalo,lilibre namin or natin sya for 1week"Anito.

"Okay" panalo na ata ako.

"Lakas ng loob ah?"ani Jay at sinundot pa ako sa tagiliran"game ako"anito

Umagree naman kaming lahat.

Saglit pa kaming nagasaran hanggang sa magyaya si Romel sa Canteen,wala daw kasi syang tubig kaya bibili kami.

Nasa hallway na kami papunta sa Canteen,kasalukuyang bidang-bida si Marlou.

"Ay tanga!di nyo alam?di na Virgin si Kate!pokpok yun!"si Marlou.

"Baka gusto mo hinaan?ayoko mapatawag ni Maam Guidance"ako

"Maam Feli"bulong ni Jay.

"Basta yun na yun,kahit sino man sya"ako

Nasa labas na kami ng Canteen ng makasalubong namin si Rhy,He look at me for awhile bago ako hinawakan sa braso.

"Wait?Jeznhey?the girl last night?right?"anito na nakangiti.

"Yes,hi"sagot ko.

Sinundot ako sa tagiliran ni Romel"pakilala mo kami"anito

"Oh,Rhy,they are my Friends,Romel,Marlou and Jay"pakilala ko sa kanila.

"Hi,nice meeting you all,pede ko ba mahiram kaibigan nyo?"tukoy nya sakin.

Tinulak naman ako ni Marlou

"Kahit wag mo na ibalik,basta pakilala mo lang ako kay Dale"si Marlou.

"Ahm,No kakausapin ko lang si Jeznhey"anito at awkward na lumakad papunta sa gazebo.

"Ano yun?"ako na nagsimulang magtanon

"About last night,sana walang makaalam sa ginawa namin ni Cen"anito

"No worries,kasi oag ginawa ko yun sure na pati ako madadamay"sagot ko at umalis na,kaasar naman.

Sa Room na ako dumeretso kasi ayoko sa Canteen.Baka andun yung hambog na hangal.

"Hoy!bakit may ganon?kaya pala lakas ng loob ni Gaga!"maktol ni Marlou.

"Libre ako one week ha?"paalala ko

"Tsk!OO NA!"sagot nilang tatlo.

Buti na rin pala nakausap ko sya,ayos yun nakaligtas ako ng panlilibre.

"Napaka duga talaga!"si Jay.

Di pa din sya maka-move on.

Palabas na kami ng makasalubong ko yung nerd na kasama nila Rhy.

But like expected taas noo lang kaming nilampasan nung babae.

"Grabe no?ganda nung nerd na yun,nakita nyo yung mata nya?para syang naka cosplay contact lense!"si Romel.

"Ewww,don't tell me naging lalaki ka dahil sa nerd?hello?magpapalagay ka pa ng Kipay!"si Marlou

"Nagandahan lang sa mata bumigay na?di rin!kilabutan ka sa sinasabi mo!"si Romel.

"Hoy Romel Dizon!ikaw may katarantaduhan dyan!"

"Binati lang kasi napaka issue mo!and no! Its not Romel it's Mhel!"Rom-este Mhel.

"Tse!bahala ka!"ani naman ni Marlou.

"Jez?bakit pala kayo magkakilala ni Rhysand?"ani Jay.

"Ahhh kasi ano..."puta ano sasabihin ko?"k-kakilala sila ni Papa.Oo kakilala sila ni Papa"pagsisinungaling ko,like?how naman na makikilala sya ni Papa?

"Ahhh sana all!tapos ipapakasal ka sa kanya!tapos mafafall kayo sa isa't isa!tapos magkakain lovan kayo!tapos magiging ninang na ako!!!"napangiwi na lang ako sa babaeng to,ang lawak ng Imahinasyon.

"Gaga!Pinsan ko yon!"pagsisinungaling ko na naman.

Ano ba yan Minus 2000000 na ko sa langit neto!

"Ay,ganun kasi nababasa ko sa wattpad"dismayadong ani nito.

Hala,wattpad pa,minsan bangag din tong babaeng to,pero matalino naman kaya hamu na sya.

Uwian na kaya palabas na ako sa parking,magkakasunod namang lumabas yung grupo nila Rhysand.

"Ano?saan tayo?"yung lalaking may Blue at Brown na mata.

"Sa bahay"sagot nung Nerd.

"Sa Mall muna!!"yung girl na may blue eyes.

"Kilala ko na sila lahat",biglang sabi ni Romel.

"Syempre tsismosa ka"si Jay.

"So,Ayun si Astrea Alvarez,yung nerd.Yung isang girl na titibo-tibo,si Ren Grace Francisco.The Jolly girl is Amia Salazar.The hot Papa with different colored eye is Morgance Alliard.That Papa na nakasandal sa Van is my Papa Carl Cenred Sison.That playful one is Dale  nakalimutan ko yung surname nya eh. And syempre yung kausap ni Jez kanina Rhysand Demir"pakilala nya sa lahat.

"Maasahan ka talaga sa Chika!"ani ni Marlou.

"Hay tara na nga!madami pa ako gagawin!"yaya ko sa kanila kaya umalis na kami.

7Deadly Sins:2𝓖𝓻𝓮𝓮𝓭Where stories live. Discover now