Punch 33

0 0 0
                                    

Skye

Jeznhey POV:

Amputa, tama ba to? Nananaginip ba ako? Jusko minumulto na ako ng asawa ko.

"Who are you?"

Pero wala ako nadinig na sagot, he is just there breathing.

"Pag hindi ka nagsalita, papatayin ko to" pananakot ko dito.

Pero wala, at ang malupet sya ang nagpatay ng tawag!

Hindi ako nakatulog ng gabing yon, nasa sala kami, ako nakatulala habang nagkekwentuhan sila.

"Morgance?"

"Yes GrandPi?" agad na tumayo si Morgance.

Panong hindi jusko nakakatakot magsalita si GrandPi.

"wala ka pa ding nililigawan diba? Naisip namin na ikaw na lang ang ipakasal kay Paris para...."

"May asawa't anak na ko Lo" agad na pinutol nito si lolo.

Lahat sila nagulat, pero hindi ako, alam ko na may tinatago to eh.

"Ipakilala mo kung ganun"

Agad lumabas si Morgance, si GrandPi naman natatawa.

"Ba't ganyan reaksyon nyo? Di nyo alam?" pangaasar nito sa mga apo.

"Lo! Sa tingin ko nakita ko na anak nyan eh" sagot ko.

"See? Sya alam nya! Kayo na lagi kasama hindi?"

"Naunahan tayo pre!" si Lust kay Renz.

"Gago! Tigilan mo ko!" sigaw ni Renz sa kanya.

"Magpapabuntis ka ba Renz?" tanong ni Gluttony"Gwapo ng asawa mo eh"

"Tigilan nyo ko, di ako natutuwa senyo" sagot nito pero pulang-pula na.

Gabi nang umuwi si Morgance, dala nya yung babae at isang batang lalaki na nakita ko na kung saan.

"Fam, this is my Wife Kat, and my Son Amory" si Morgance.

Inalala ko saan ko nakita at nadinig yung pangalan nung bata.

Sa Seretarya ko!

"Kaano-ano mo si Katalina?" tanong ko sa babae.

"k-kapatid k-ko po" sagot nito.

Lumabas ako at tinawagan ang sekretarya ko.

"Maam, ano po? Aga naman nang tawag mo patulog pa lang ako" sagot nya.

"Tangina ka! Pumunta ka ngayon sa bahay ng Yevhen, bilisan mo!" sigaw ko sa kanya.

Alam kong any minute from now andito na sya.

Naka-upo na ang lahat nang bumalik ako, si Amory ay masiyahing bata, nakikipag laro sya sa triplets. Yung anak ko kasi ay maliit pa, nakaupo pa sa baby chair nya.

" Mama, juice" request ng anak ko kaya inabutan ko ito ng juice.

Maya-maya pa ay dumating si Kat na humahangos.

"goodevening po, Ano? Ba't mo ko pinapunta dito?

Inginuso ko ang ate nya, napanganga sya, agad syang tumakbo sa kabilang side at niyakap ang ate nya.

" Love mo talaga ko Jezzy babes"sabi nya habang nakayakap sa ate nya.

"Sumabay ka na kumain" utos ni Lolo.

Bidang-bida si Katalina sa mesa, naaliw talaga kami sa babaeng to pag andito.

Nalaman namin na Katherine ang pangalan ni Kat na asawa ni Wrath.

Dito na namin pinatulog yung asawa ni Morgance, si Katalina nasa guestroom.

Naglalaro kami ni Leo nang tumawag si Mama sakin

"Bakit po ma?" bungad ko

"Nak, kasal ng kuya mo puntsa tayo sa Turkey, bukas flight, bye" anito at nawala agad sa phone.

Walangya nanay ko na yan, ngayon lang sinabi, kumg kelan kinabukasan na, mahusay talaga kanino kaya nagma yun, tsk.

Kinaumagahan ay gumayak na kami, sasabay na lang ako kila Mama, Mahabang byahe yon. Unang beses sasakay ni Leo sa eroplano, kaya nagreaready na ko kung sakaling magkulit.

"See that? We will ride that plane" pagkausap ni Laurent sa kapatid at sa Pinsan

"Anak? How are you coping up with Rhysands death?" talagang Nanay ko walang preno bibig.

Bastus talaga, iniiwasan ko nga yung kaganapan na yun eh.

"Ma, wag na natin pag-usapan, ayoko muna alalahanin yun" sagot ko

Nakahalata naman s'ya, sumakay na kami sa Eroplano, its a Public Plane,pero Class A kami sumakay.

May nagsasalita na ang destinasyon ay sa Turkey.

I wonder if I can go to Rhysands house?

Ilang oras din ang byahe papunta sa destinasyon namin, bukas pa pala ang kasal, kaya makakapahinga muna kami.

Nalaman ko din na kaya pala ikakasal si Insan ay dahil nabuntis na si Babae na hindi ko pa kilala.

"Insan kasi, uso na contraceptives ngayon noh"

"Abe malay kong di uminom yan? Jusko nakadalawang round pa kami" anitong diring-diri.

Panong hindi? Kalahi ni Eva to.

"Bakla, ayoko maging daddy, Mommy lang" aniya.

"Kuya kasi, este, ate" sagot ko at natawa.

Kinuha nya sakin si Leo.

"Insan ganda ng mata nya no?" pagpuri nito sa anak ko.

"Sobra, nakuha nya yan sa ama nya" sagot ko

"Gwapo ni Rhysand, sayang nauna ka" tinignan ko ito ng masama.

"Hoy, kahit baligtarin mo ang mundo ako pa din pipiliin non"

"O eh nasan na ngayon?" balik nito.

"Tangina mo! Mapapatay kitang hayop ka! Pakisundo nalang sabihin mo umuwi na!" sigaw ko sa kanya habang hinahampas.

"Arouch! Bhie sayang beauty product ko!" sigaw nya kaya natawa na lang ako.

Kinaumagahan ay sya namang simula ng kasal, isa pala ko sa abay, si Leo ang ring bearer.

Wala pa din ako Idea sino ang bride sa totoo lang.

Nakatayo na ako sa pwesto ko, inaabangan yung bride.

Nahulog yung pouch ko, pinulot ko muna, at pag angat ng tingin ko, muntik pa ko mawalan ng balanse, ang Bride, it's no other than Vienna Vorzen. What the fuck?

Lumingon ako para hanapin ang buong tropa, nandun sila sa isang gilid, si Francine ay tumatawa, nakangiti naman yung iba.

Pasimple akong lumipat sa pwesto nila.

"What the fuck is happening?" I ask

"Oh, she raped him" sagot ni Rocco.

I am still in a state of shock ng pumunta sa gawi ko si Leo, he is wearing a tuxedo, he is so cute.

"Rhysand is the father eh?" bulong ni Skye.

"ah-huh" sagot ko

"Does he know?"

Napalingon ako sa kanya.

"You don't know?" I asked him

"What?"

"He is dead, already a year" sagot ko at yumuko.

"No he is not! We Celebrate his birthday last month.... Oh shit he don't know?"

Nagulat ako sa sinabi nya, all this time he is alive.

"Where is he?" tanong ko

"That is what I don't know, if I am not mistaken, they are hidding from something or someone" sagot nito na nagpakulo sa dugo ko.

7Deadly Sins:2𝓖𝓻𝓮𝓮𝓭Where stories live. Discover now