Punch 31

1 0 0
                                    

A year later

Warning:Abuse

Jeznhey:

It's been a year, Leo is now 1 year old, he has his father's eyes that I am thankful.

"Mymy, up" nagpapaantok na ata ito, pumipikit na ang mga mata eh.

"Okay" I lift him and medyo nahirapan na ako, ang laki na ng baby ko.

It was hard for me, kasi I also need to be the Greed of Yevhen, habang pinapalaki ko ang anak ko, kailangan ko tumulong sa trabaho ni Rhysand, si Ate muna ang namamahala ng kompanya, kailangan nya iyon.

"Jez, akina muna yan, tawag ka ni GrandPi" si Amaia.

"bakit daw?"

Nagkibit lamang ito ng balikat, ibinigay ko si Leo kay Amaia, close yung dalawa, kung saan-saan kasi dinadala.

Bumaba na ako at pumunta sa opisina ni GrandPi, lagi ako nandito dati, nagtatanong ng informations about sa trabaho ni Rhysand, at first mahirap lero kalaunan ay nakakaya ko na.

Bakit naman kasi namatay agad yung bwisit na yon? Iniwanan pa ko ng trabaho, langya.

Oo dinadaan ko na lamang sa biro, kasi mahirap, sobrang hirap tanggapin na wala na yung taong inaasahan ko na nasa tabi ko hanggang huli.

Bakit nga ba ako nawalan ng ala-ala noon? Edi sana hindi ko sya nasaktan.

Pumasok ako sa Opisina ni GrandPi.

"Greed, you will Kill Henry, nasa kulungan na yon, hanggang ngayon nagkakalat pa din nasa kulungan na, pahirapan mo, saktan mo, ilabas mo lahat ng galit mo" utos nito.

Halata mo na galit na galit na ito.

Pero nang tumingin sakin ay ngumiti na, as usual.

"Naglalaro ka ba ML?" biglang tanong nito.

"Hindi po, busy ako sa anak ko" sagot ko

"Ay sayang, sige, tapusin mo na si Henry" anito at bumalik ang tingin sa nilalaro.

Juskong matanda yun, parang bata pa din, I wonder kung magiging ganyan si Rhysand kung nabuhay?

Pumunta ako sa HQ, doon na din ako nagbihis, bumaba ako sa dungeon, doon nakakulong si Henry.

"buksan mo" utos ko sa isang tauhan.

Isang matandang medyo may laman pa naman, pero nangayayat na sa pagkakakulong dito.

"Musta? Ba't buhay ka pa?" pang-aasar ko dito.

"Hm, kilala mo ako? Asawa mo ang kilala ko hindi ikaw" anito

"Ah, okay, gusto mo ba makawala?" tanong ko dito, smile never leaves my face.

"Malamang, sinong hindi?" anito

"Tutulungan kita"

"Tsk, sino niloko mo?"

Ay ayaw maniwala, makakalaya naman na talaga sya, sa katawan nya. Napangisi ako sa naisip ko.

"Lock me here" utos ko sa bantay.

"A-ano balak mo?" tinignan ko kung may posas ito, wala namn, malaya syang nakakaikot sa kulungan nya.

"Di kita gagahasain, may anak na ako. pero gusto ko makipaglaro"

"Laro?" nagtatakang tanong nito

"Alam mo naman ang experties ng asawa ko, kailangan ko pag-aralan yon, and I want you to be my punching bag" sagot ko kaya namutla sya, nasaksihan na nya paano ako makipaglaban, isang beses na tumakas sya ay isang kaaway namin ang nasampolan ko.

"No.... NO!" Takot yarn?

Kumuha ako ng tali sapilitang itinali ang kamay nito.

May bakal sa itaas ng higaan nya, sabitan ng mga preso pag pinaparusahan.

Hinila ko si Henry na pumapasag pa.

"Sa punching bag ikaw ang magulong punching bag, umayos ka!" sigaw na lamang nito ang nadidinig ko, nagmamakaawang huwag nang saktan.

Di kita sasaktan, papatayin kita bobo.

"wag ka magulo! Pag nainis mo ko deretso ka sakin!" unang suntok, sa sikmura.

Maayos na ako, nakapag theraphy na ako mula sa nakaraan ko, pero ang kay Rhysand hindi ko makakalimutan.

Palakas ng palakas ang pinapakawalan kong suntok, sorry ka na lang galit ako.

Isang Malakas na suntok pa at may tumalsik nang dugo sakin, galing sa bibig nito.

"Eww! Kadiri! Laway tas dugo mo oh!" Sigaw ko sa nanlalatang si Henry.

Kinuha ko ang baril ko pinakawalan ko muna ito mula sa pagkakatali bago binaril sa ulo.

Binuksa ng bantay ang pinto at inutusan ko itong ligpitin ang nasa loob.

Lumabas na ako at naligo, nag alcohol pa ako ng buong katawan, delikado na, baka may sakit mahawa pa ang unico Hijo ko.

"Oh? Anyari? Ba't ngayon ka lang?" si Amaia.

"Sorry naman, nautusan eh" sagot ko

May bagong kasintahan ito, kaya tinanong ko, kasi nakita ko sa larawan nakasuot ng Dress.

"Babae yan?" tanong ko.

"Bading" malokong sagot nito.

"What is bad with that?" ako

"wala, ayaw lang ng ama neto sa bading"

"bakit bading ka ba?" ako

"Renz?" anito at tumawa.

Saglit pa kami nagkwentuhan ng maisipan kong kargahin ang anak ko, ang swerte ko naman, nawala man ang tatay nagkaanak naman ako na look alike nung ama.

Hinalikan ko ito sa noo bago itinabi sa higaan ko.

Kinabukasan ay nagising akong naglalaro si Leo, nakaupo sya sa ulunan ko at nilalaro ang buhok ko.

"What are you doing there?" tanong ko dito at inilipat sa Bandang tiyan ko.

"Dydy?" dito kami lagi nagtatalo, ayan na naman sya, daddy na naman.

Hindi ko alam paanong nalaman nya ang Daddy, hindi naman namin inoopen sa kanya.

"Daddy is just watching us, when you grow up, I'll tell you everything"

"Mymy, hungry" anito kaya kumuha ako ng bottled milk nya, pinahiga ko ito at pinadede.

"Mama!" pumasok sa loob ng kwarto si Laurent kasama si Cia.

"Hi babies!" umakyat sila pareho sa kama at niyakap ako.

"Jeznhey, baka pwedeng iwan ko muna yung dalawa dito? May business meeting lang ako sa Aklan?" ate

"No problem, madami naman magbabantay dito, sige na! Babush!"

"Mama, andyan sila Andi?" si Laurent.

Playmates nya kasi ang triplets

"Andun sa kwarto nila sa Thirdfloor, akyatin mo na lang" tumakbo ito palabas kaya naiwan si Cia at ang anak ko dito, 2 years old si Cia 1year old ang anak ko, pero napapansin ko na Protective masyado si Cia kay Leo.

"Mama, Bakit ayaw tayo ni Leo?" si Cia.

"Baby pa kasi, soon he will walk and play with you" sagot ko dito.

Nilaro nya muna si Leo, hinayaan ko lang at naligo muna, pagbalik ko ay naglalaro pa din ang dalawa.

Bumaba na kami at naabutan na naglalaro ang mga bata sa baba, andoon din ang mga kapatid nila na sina Keerah, Kentro at yung kapatid ni Morgance.

May lunch date ata ngayon.

Sayang, kumpleto sana kung andito sila Rhysand.

7Deadly Sins:2𝓖𝓻𝓮𝓮𝓭Where stories live. Discover now