Punch 28

0 0 0
                                    

Death:

I was walking in my Parents room, yeah, walking, kahit na nagpapatayan na sa labas, I can't sense anything walang tao dito, lumakad pa ako ng kaunti at binuksan ang pinto nila Mama, wala tao, bukas lang yung aircon.

Isinara ko ang pinto at bumalik ako para i check ang kwarto ni ate, binuksan ko ito at bukas ang lampshade nya sa tabi ng mini Library nya, Bukas lang yon pag nagbabasa sya, what the hell?

Where the fuck are they? Wag mo sabihing iniwan ako mag-isa dito? Walangya, napaka sweet talaga ng pamilya ko kahit kailan Noh?

Bumalik na lang ako sa kwarto ko, hinintay na humupa yung ingay sa baba, hula ko aayusin to ng dalawang buwan.

Nakakaasar, nakakainip. Binuksan ko ang TV at nanood muna, nakita ko yung Quarantine na movie, maganda kaya to?

Naupo ako sa sofa ko, currently playing with my fingers, pinapakinggan ko kung may mga kalabog pa, 20 mins ang nakalipas ay tumahimik na sa baba, I got my gun and walk silently in the hallway, kalahati pa lamang ang nalalakad ko sa hallway ay biglang may tumumbang tauhan sa harap ko, as a Reflex I point my gun to the person in na lalabas sa part na yon, Once na lumabas ito, agad kong ipinutok ang baril ko, tinamaan ito sa gitnang dibdib.

Teka? Bakit pati ako nasaktan? I mean, parang sumikip dibdib ko,hinawakan ko ang dibdib ko at naupo sa tabi ng taong binaril ko, may tatoo ito sa leeg na mata na may dollar sign, nakatakip ang mukha, nakasuot ng jacket na kulay Yellow.

Bakit ganto? Bakit ang bigat sa dibdib? Bakit nahirapan ako? Ginawa ko na noon pumatay pero hindi ganitong kahirap para sakin, bakit parang may mali?

Hindi ko maintindihan, naiiyak ako ng walang dahilan, para akong nagaalala na di ko mawari.

Tinignan ko ang taong binaril ko, di ko alam ano umudyok sakin para tanggalin yung nakatakip sa mukha nyang mask, naibagsak ko ang hawak kong baril at mask, nanginig ang kalamnan ko, nawala ako sa katinuan, sino sya? Bakit ang sakit makita na tila walang buhay sya?

"Who are you? Why it hurts seeing you like that?" tanong ko sa walang huhay na tao.

Dumilat ito, kulay Violet na mata.
"Kralicem" isang malambing na boses ng lalaki ang nadinig ko.

Inangat ng lalaki ang kamay nya at hinawakan ang mukha ko.

"who are you?" tanong ko

"My love, Mahal ko, ang Reyna ko" sunod-sunod na nahihirapang sambit nito bago pumikit muli at nahulog ang kamay.

Memories yan ang nangyayari sa isip ko ngayon, ang lalaking to, kasama ko sa kasal, sa Paris, noong High School. Lahat lahat bumabalik.

"No, no, no, no!!!!!" sigaw ko at niyakap si Rhysand."Rhysand! Jusko, tulong!!!!"

Sa mga sandaling iyon ang nais ko na lang ay mailigtas ang taong ako mismo ang pumatay.

"Tulong!Lolo! Papa!" hindi ko na alam sino pa ang tatawagin ko, basta ang gusto ko ay mailigtas ang taong nasa kandungan ko ngayon.

"Rhysand!" si Amaia.

"Oh God! GREED!" Renz.

"Pre!"

Sabay sabay na sigaw ang nadinig ko kaya nagpasalamat ako, pero agad na nawala iyon ng napunta ang tingin ko kay Amaia.

Masama ang tingin nya sakin, lumakad sya ng mabilis papunta sakin at itinayo ako, hinawakan nya ako sa leeg na syang sumakal sakin.

"Ano ginawa mo!?" sigaw nya.

"H-Hindi k-ko a-ala-aam" pilit kong salita kahit na hindi na ako makahinga sa higpit nya humawak.

"Bakit ikaw pa? Bakit ikaw pa!!?" sigaw ni Amaia, mukhang nakita nya ang nangyari, she is the IT in their group

Binitawan nya ako at sumunod na sa mga pinsan nya, buhat ni Wrath at Cenred si Greed, inaalalayan naman ni Sloth si Envy na may Pilay ata sa paa.

" Jeznhey! Jusko, ano nangyari? Ayos ka lang? Nasaktan ka ba? Bakit ka may sugat?" si Mama

"It's not mine Ma, not mine" sagot ko at nagbreak-down na, hindi ko na kaya, umiyak ako ng todo sa balikat ni Mama, dumating si Lolo at Papa.

Their eyes were so sorry, for what?

"Anak? Can you tell me what happened?" si Mama

"Ma, Rhysand, I didn't mean it! I am supposed to protect myself, I dont remember him!" sobra sobra ang panlulumo ko, sobrang sakit para sakin.

Ako ang nakasakit sa asawa ko, bakit ako pa?

"Anak, It's okay, he will be safe, shhh"

Kahit ano mangyari, hindi ko maalis sa isip ko na ako ang bumaril, ako ang nakasakit.

Amaia POV: (Gluttony)

I am currently, looking into the monitor to update my Causins. Nakataas paa ko sa table at pinapaikot ang susi sa daliri ko, nagsasabi lang ako na maging aware sila may nasa likod, ganun.

I am just watching them as they fight, sayang at bawal ako sa gantong laban.

I watched a screen where there is a girl, nakapanjama tsaka white shirt, she is like nakikiramdam sa paligid nya, Jeznhey. I wonder if Greed remembers her already?

Flashback

Nasa sasakyan kami ngayon, nalaman ko na Torealba ang puntirya namin,

"Bakit daw ipapahanap si Torrealba? Diba lolo ni Jeznhey yon? "

Iisa pala kami ng iniisip, pero si Rhysand nakayuko lang sya na parang natutulog, or tulog talaga?

Naghiwa-hiwalay kami ng pwesto, pumunta ako sa Monitoring Room ng Torealba, may bantay yon kaya pinatulog ko muna.

End of Flashback

Kaya wala ako Idea kung kilala na nya si Jeznhey, wala sya kibo kanina Pramis.

Pinapanood ko lang ulit sila hanggang matapos, huling nakapatumba ay si Rhysand sa isang bantay, mukhang pupuntahan nya ang asawa nya, pero nagulat ako sa nakikita ko, Jeznhey, walking the same direction, papunta sa direction ni Rhysand, nakatutok ang baril, at alam ko na amg susunod na mangyari.

I run, hanggang makarating doon sa lugar na yon, malayo ako dahil sa kabilang bahay ang Monitoring room.

"Tulong!" Sigaw ni Jeznhey ang nadinig ko.

Jusko wag naman kayo magsakitan sanang mag-asawa.

Pero huli na, Jeznhey shot Rhysand, Hindi ko kinaya, Nilamon ako ng Galit ko, sinugod ko si Jeznhey at sinakal sya, yung galit ko at takot ay nagsama, pero bigla pumasok sa isip ko na masasaktan si Rhy pag nalamang pinatay ko ang asawa nya.

Ako na ang pumigil sa sarili ko na patayin si Jeznhey.

Sorry Cuz, sorry

7Deadly Sins:2𝓖𝓻𝓮𝓮𝓭Where stories live. Discover now