“Bwiset!”
Iniwan na naman ako ng mga kaibigan ko. Nasa mall kami at abalang namimili ng gamit dito sa National Bookstore para sa school project namin...
Tapos na akong magbayad nang paglingon wala na silang lahat. Kaya heto ako ngayon bitbit lahat ang pinamili. Ang fufu naman! Ang bigat.
Nagsimula na akong maglakad palabas ng NBS. Medyo nahihirapan pero kayang-kayang naman. Habang naglalakad bigla na lang may bumundol sakin buhat sa likuran ko. Malakas ang imapact kaya nabitiwan ko lahat ang mga hawak ko. Dahil paper bag na ang gamit kaya yung iba nagkalata sa sahig.
“Ugh! Ano ba hindi ka ba tumutingin sa dinadaan mo! ” galit na sabi ko dito.
Nakita kong isa-isang pinulot iyon ng lalaki. Tinulungan ko na rin ito para napabilis.
“Sorry Miss pasensya na.” sabi nito sakin.
Hindi na ako nagsalita. Baka kung ano pa ang masabi ko dito. Pagod na ako kaya ayoko nang makipag-argumento dito sa lalaking kaharap ko. Nailagay na lahat ang mga pinamili ko sa paper bag. Tumingin-tingin pa ako sa paligid baka meron pang naiwan. Sana naman hindi nagkulang.
“Teka lang Miss baka gusto mong itreat kita ng food. Para makabawi man lang sayo.”
“Hindi na kailangan pa. Pagod na ako.”
Tinalikuran ko na ito.
“Wait miss,” pahabol na sabi nito kaya napalingon ako dito. “Pwede ko bang makuha ang number mo?”
Muli akong lumapit dito.
“Kung ibibigay ko sayo ang number ko malamang magiging magkatextmate tayo. At kapag nangyari 'yun malalaman natin ang ugali ng isat-isa. Maiinlove ka sakin. Ang then manliligaw ka at sa malamang sasagutin kita. At syempre magiging tayo at kapag nangyari yun baka mauwi tayo sa kasalan. Pagkatapos ng kasalan, makalipas lang ng isang taon magkakaanak tayo at siguradong mga pasaway 'yun. Malolosyang ako at ikaw naman maghahanap ng magandang babae. Mangbababae ka. Dahil dun mag-aaway tayo. Tapos bubugbugin mo ako at maghihiwalay tayo. Magiging single mother ako. At pagkatapos nun.... At pagkatapos nun... Ahh basta ayoko! Ayokong ibigay sayo ang number ko. End of story!”
“Girl! Kalerki ka tinatanong ko lang ang number mo. Ang haba ng speech 'tehhhh.”
Haaaaaaa..... Hindi nga! Bakla siya!?
Napatawa na lang ako sa sinabi ng lalaking 'to. Nakita kong tumawa rin ito. Hahaha.
/ Wakas /
Nakabuo na naman ako ng isang short story. Sana nagustuhan niyo. *^—^* Ngayon lang ako nakapagupdate ulit. Busy sa pagbabasa ng kung ano-ano. Hahaha. Sana magcomment at iboto niyo po siya.
Dedicated to CailaJaneRoswell
—Galing Sa Utak Ni MissAniMay Na Walang Cellphone Kaya Walang Humihingi Ng Number.
•••03•••31•••15•••