Narinig mo ba ang puso ko? Ang pagtibok ay hindi ordinaryo. Sana malaman mo ang tunay kong nararamdaman. Kung alam mo lang ang nasa isip ko. Hindi ko lang talaga masabi sayo. Kinakabahan ako tuwing lumalapit ka sakin. Kapag ba nagtapat ako sayo magsisimula na ba ang ating Love Story? Dapat na bang ipaalam sayo ang tunay kong pagtingin. Puwede bang ako na lang sayo. Kung okay lang naman...
/ Wakas /
Sana nabigyan ko ng hustisya ang lahat ng pumapag-ibig dyan. Sa lahat ng mga may Crush. Yung mga may pagsintang pururut. Haha. Mahirap din kasing magtapat ng pag-ibig, eh. Pero alam ko may mga matatapang na tao pag pag-ibig na ang pinaguusapan. Para masimulan na kaagad ang Love Story diba? Try and try until you die! Haha. Sa susunod na Chapter Isang maikli na kuwento na talaga ang iu-update ko. Sana nagustuhan niyo ang sinulat kong ito. Sa susunod pag-iigihan ko pa!
—Galing Sa Utak Ni MissAniMay Na Umi-Ibig Din!
•••03•••10•••15•••