Nagulat kaming apat ng bumukas ang pintuan ng classroom. Nakita namin, si Daryl lang pala.
“Guys tulungan niyo ako. Nawawala ang eyeglases ko.” sabi nito.
Tumayo si Oliver at nilapitan ito. Sa katunayan nasa ulo lang naman nito ang eyeglases na hinahanap.
“Ang mabuti pa hanapin natin.” si Oliver.
“Tulungan na namin kayo.” si Jason.
“Tara hanapin natin.” si Cristopher.
.
.
.
.
.
.Mga tanga ba sila!!! Hindi ba nila nakikita iyong salamin. Nasa ulo lang ni Daryl. Ano bang nangyayari dito. Malabo na rin ba ang mga mata nila o nagtatangatangahan lang. Hindi ba talaga nila napapansin? Nasa harapan na nila, oh! Naka-Drugs yata ang mga ito. Kakaiba ang trip, eh. Mgsasalita na sana ako ng biglang sumagi sa isip ko baka ako ang pinagtritripan ng mga ito. Siguro dapat sakyan ko na lang ang katangahan ng mga ito.
Lumabas na sila para hanapin ang nawawalang eyeglases ni Daryl na hindi naman talaga nawawala. Nagsalita si Daryl.
“Kalina kasi nagpunta ako ng banyo para maghilamos. Tinanggal ko saglit iyong salamin ko. Nang tapos na akong maghilamos nakalimutan ko kung saan ko naipatong iyong salamin.” paliwanag nito dun sa tatlong tanga.
“Baka nasa banyo lang iyon. Malabo kasi ang mata mo kaya hindi mo makita kung saan mo ipinatong.” sabi ni Oliver.
Tumango naman ang dalawang tanga na sina Jason at Cristopher. Mababaliw ako sa mga ito. Ano na kaya ang susunod na gagawin ng mga ito.
Nasa loob na kami ng banyo para hanapin ang nawawalang utak—este salamin ni Daryl. Nagsimula na silang maghanap. Ako naman nakatingin lang sa kanila.
“Pare, wala yata dito.” si Jason.
“May iba ka pa bang pinuntahan bukod dito sa banyo?” si Oliver.
Nasa labas na kami ng banyo.
“Dito lang talaga pare, wala na akong pinuntahan.” si Daryl.
Dapat ko na bang sabihin sa kanila? Ako lang ang nahihirapan sa mga ito. Bahala na kung patibong lang nila sakin ito. Sasabihin ko na.
“A—ah, Guys,” lumapit ako sa kanila. Pero biglang nagsalita si Oliver.
“Oh! Pare! Nasa ulo mo lang pala 'yung salamin mo.”
“Hay! Ang tanga ko talaga! Nandito lang pala sa ulo ko! Salamat pare.” sabi nito kay Oliver.
Kung ganun seryoso ang mga TANGA! Makaalis na nga! Sumasakit ang paningin ko sa mga ito. Baka makapatay ako ng Seryosong Tanga!
Hashtag TangaPorEvir!
/ Wakas /
Unang bahagi ng tangatangahan portion. Sana nagustuhan niyo ang maikling kuwento na ginawa ko.
—Galing Sa Utak Ni MissAniMay Na Minsan Nagta-tangahan Din!
•••03•••12•••15•••
![](https://img.wattpad.com/cover/15442096-288-k454918.jpg)