"Are you finished? If you are. Past them to the front."
Isa isa na nilang pinasa lahat ang mga papel na ipinamahagi ko kalina. Isa akong teacher dito sa Tedwan High. Isang English teacher. Ako ang kanilang adviser. Grade 8 ang hinahawakan ko para turuan. Lahat ng mga nakaupo sa unahan ay tumayo na para ibigay sakin ang papel na binigay ko. Tungkol iyon sa kanilang kukuning career kapag nakapagtapos na sila sa kinuha nilang kurso sa kolehiyo. Inilibot ko ang paningin sa kanila. Tahimik. Parang seryoso sila ng mga sandaling ito. Malalaman ko kung ano ba ang gusto nila sa buhay. Kahit na malayo pa ang tatahakin nila para dumating sa puntong magagawa na nila ang gusto nila. Ito ang paraan para maisip na kaagad ang gusto nila pagdating ng panahon.
Nasa lamesa ko na lahat ang papel. Tinipon ko lahat at ipinatas.
"Bababasahin ko lahat para makasigurong seryoso kayong lahat."
Kinuha ko ang isang papel buhat sa ibabaw. Binasa.
"Ghost-"
Napakasiraulo!
"Bakit hindi ka na lang mamatay ngayon tutal gusto mo ng maging kaluluwaaaa!!!
Kung sino ka man malilintikan ka sakin."
Pinunit ko yung papel. Dumampot ulit ng isa.
"Sports Adventurer-"
BAALIWW!
Kinayumos ko yung papel. Dumampot ulit.
"Teachers wife-"
Napayuko ako. Nakapakasagwaaaaa... Hindi na lang ako umimik. Parang lumaki yung ulo ko ng mabasa ko. Parang gusto kong manghampas ng buntot ng pagi. Dumampot ulit ako.
"I dont want to become a lawyer-," Leche!
"Kung ayaw mo pa lang maging lawyer sana magisip ka kung ano ang gusto mo. Kaimbyerna!"
Pinunit ko iyong papel at inihagis. Dadampot ulit sana ako ang kaso parang tumataas na ang presyon ko. Baka kapag pinagpatuloy ko lang ito bumulagta na lang ako bigla dito.
"Ako bay pinagloloko niyo? Ha!"
Ang buti pa umalis na lang ako. Mabilis akong mapapanot dito. Hindi ko na babasahin iyong iba. Baka makapatay lang ako ng ipis! Mga utak ipis kayo!
/ Wakas /
Sana nagustuhan niyo ang short stories na 'to kahit na hindi man kasinghaba ng pansit canton. Isa po 'tong One Shot Files, so kung gusto niyo pang makabasa ng mga walang kwentang storya. Pakilagay na lang sa Library o kaya naman sa Reading's List niyo. Kung gusto niyo lang naman. Comment and Votes will do. Haha. Kaway-Kaway muna. Paalam.
-Galing sa Utak ni MissAniMay.
•••03•••9•••15•••