•°• ✾ •°•
Sa tagal ng panahon
Lalong lumalalim ang pagtingin sa'yo
Kaya labag sa 'king loob
Kapag magiging kayo𝘿𝙞 𝙉𝙖𝙜𝙞𝙣𝙜 (𝙏𝙖𝙮𝙤) // Sleep Alley
•°• ✾ •°•
Ikaapat na Kabanata:
PagpayagHanggang sa dumating na lamang ang panibagong araw, hindi pa rin normal ang pakikitungo ni Tim. Para ngang mas lumala lamang ang malamig niyang pag-asta. Ayaw ko namang kausapin dahil hindi magandang makipag-usap sa taong galit.
Katulad ng aking kinagawian, pumunta ako sa koridor ng silid-aklatan upang doon gugolin ang buong recess. Ngunit nang nakarating ako roon, mukhang may iba nang nauna sa akin.
Hindi ko naman na kailangang hulaan pa kung sino 'yun dahil iisang tao lang naman ang sumagi sa aking isipan, si Timaeus.
Mukhang tama nga ang aking hinala dahil ang mukha niyang may nakaukit na malapad na ngiti ang siyang bumungad sa akin. Hindi pa nakatulong na nasisinigan siya ng araw kaya para siyang nakislap.
Napaatras ako at maglalakad na sana palayo nang nahagip ng aking mga mata na dali-dali siyang tumayo. Rinig na rinig ko rin ang mga mabibigat niyang yabag na para bang nagmamadali siya.
Napahinga ako nang malalim at tumigil. Kung sakaling pumayag na ako sa gusto nitong gawin, titigilan niya na kaya ako?
"Oo na, ako na susulat ng isa sa mga kanta ninyo. Hindi mo na ako kailangang tanungin pa palagi," sabi ko sa kaniya.
"Talaga? Thank you! Uhm... Kailangan mo ba ng inspiration? Can I invite you sa band practice namin para makilala mo 'yung ibang band members?" saad niya.
"Huh? Pumayag lamang akong gumawa ng lyrics na gagamitin ninyo, hindi ko naman sinabing sasali ako sa inyo. Hindi ko na kailangan pang makilala ang ibang mga kasama mo."
"Kung sakali mang---" mabilis ko siyang pinutol bago pa man niya maituloy ang sasabihin niya.
"Hindi na magbabago pa ang isip ko. Last na 'yung magsusulat ako ng kanta. Kayo na ang bahala kung ano'ng gusto niyong tono roon, wala na akong balak pa na awitin iyon at kumanta para sa banda mo."
"Bukas, recess, sa koridor ng silid-aklatan. Pumunta ka rito nang maibigay ko na kung ano ang kailangan mo."
Hindi tulad ng ngiti niya kanina, parang napipilitan lamang ang ngising ipinakita niya sa akin matapos kong sabihin iyon. Umiling na lamang ako at kumaway bilang pagpapaalam.
"Behind the Mask, 'yun 'yung pangalan ng banda namin," rinig kong sigaw niya. Mabuti na lamang at walang nagkaklase sa building na iyon at walang guro sa paligid kaya hindi kami napagalitan.
Behind the Mask? Bakit kaya ganoon ang pangalan ng banda nila?
Pagkauwi ko sa bahay ay agad kong napagdesisyunang tingnan kung mayroon bang impormasyon tungkol sa kanila.
Hindi ko malaman ang eksaktong naramdaman ko nang nakita ko na mayroon silang website. Agad kong pinindot iyon at pinasadahan ng tingin.
Bumungad sa akin ang teksto na nagsasabing "Behind the Mask" at sa itaas niyon ay larawan ng isang maskara.
Pinindot ko ang maskara at dinala ako nito sa parang home nila. May nakalagay na picture ng apat na lalaking nakaitim na suit and tie. Bawat isa sa kanila ay may hawak-hawak na instrumento. Dalawa sa kanila ang nakasuot ng maskara na sakop ang buong mukha at 'yung natira naman ay kalahati lamang ang natatakpan. Nakasulat din dito na ang kanilang banda ay nabuo kamakailan lang.
Napakunot ako ng aking noo nang makitang wala sa kanila ang nakasuot ng maskara na nauna ko nang nakita. Binalikan ko pa iyon upang makasiguro at wala nga talaga.
Kakaiba.
Sunod kong binasa ang tungkol sa banda nila. Nakalista roon ang pangalan ng kanilang mga miyembro at kung anong instrumento ang ginagamit nila.
Knuckles ang pangalan ng drummer. Ryo ang pangalan ng bassist. Hindi na rin nakapagtataka pa na ang kanilang bokalista ay si Timaeus na tumutugtog din ng gitara. Mayroon din silang oboist na si Mizori.
Napaawang ako ng aking bibig nang makita ko kung ano ang kanilang genre-pop rock. Mga rakista ngunit mayroon silang oboist? Pero nakakabilib. Saan kaya nila nahagilap ang isang manunugtog na bihasa sa oboe?
Unting scroll pa at nakita ko ang ilan sa kanilang mga video. Puro cover lamang ng sari-saring kanta ang naroon. Tiningnan ko ang mga kantang naroon. Halo-halo ang genre ng mga tinugtog nila. Mayroong galing ibang bansa tulad ng U.S., Korea, at Japan, at mayroon din namang mga galing sa Pilipinas.
May nakita akong pamilyar na kanta. Pinindot ko iyon at pinakinggan ang musika nila.
Tunog lamang ng oboe ang unang maririnig. Soothing sa pakiramdam, tila hindi mo malalaman na maaari kang mag-headbang sa mga susunod na parte.
Nang na-set na ng maayos ang tono ay bigla na ring bumagsak ang tunog ng tambol na sinundan ng electric guitar at bass. Ilang segundo pa ang tinagal ng intro bago ipinasok ni Timaeus ang mga liriko ng kanta.
Hindi ko namalayang napapangiti na pala ako at napapaindak na pala sa tiyempo ang aking ulo. Hindi ko rin namalayang mahinang napapasabay na ako sa kanta.
"Tapos na?" komento ko nang natapos ang kanta. Pinakinggan ko pa ang isa sa kanilang cover na sinundan pa ng isa, at isa pa, hanggang sa halos mapatugtog ko na yata ang lahat ng nandoon.
Kung kanina ay mahina lamang ang pagsabay ko rito, sa mga sumunod na kanta ay lumakas-lakas na ito at umaawit na tila ako ang bokalista ng banda. Tanging boses ko na lamang at ang instrumental nila ang aking naririnig.
Pakiramdam ko ay miyembro nila ako.
Sa isang iglap, isang tono ang nabuo sa aking isipan kung saan nai-imagine ko na rin ang kanilang mga instrumento na sumasabay rito.
Agad akong kumuha ng papel at nagsimulang magsulat.
BINABASA MO ANG
Behind the Mask [ ✓ ]
Teen FictionAng Behind the Mask ay isang bandang binubuo ng limang miyembro. Dahil sa kanilang pagiging misteryoso, maraming napukaw ang atensyon at nakuryoso sa kanilang pagkatao. Ngunit hindi lamang sila nakilala dahil sa kanilang tagong katauhan, nakilala ri...