Twist
"Liez!" Sigaw ng kaibigan kong si Anisha nang makita ako papasok sa aming silid. Ang aga aga niya ngayon ah.
"Hey!" I smiled at her at nilapag na ang aking bag sa upuan. Nilapitan niya agad ako, dadaldal na naman ito eh. Kay aga aga.
"Kumusta yung party uy? Narinig ko sina Mila kanina pinag- uusapan yung party. Ang engrande daw!" Hindi na ako nagtaka na yun ang itatanong niya, kapag may party kasi ang mga mayayaman dito sa Santa Rosa laging pinagkakaguluhan at usap- usapan agad lalo na ang mga Ruiz dahil minsan lamang sila nag papa-party kaya talagang inuusisa ng mga tao.
"Oo engrande nga. Medyo madami ang dumalo." Mas lalo pa niyang nilapit ang upuan sa akin at nakinig.
"Sino ba naman ang palalampasin ang pagkakataon noh? Minsan nga lang sila magpa- party hindi mo pa dadaluan." Tumango nalang ako bilang pag sang ayon. Kahit naman ako ay nasasabik din kagabi.
"Kung hindi lang nakakahiya ay pupunta nga kami eh. Imbitado naman lahat sa Santa Rosa pero alam namin nina papa na mga sosyal ang naroroon. De-kotse jusko! Magagara ang suot mula ulo hanggang paa!" Tinuro- turo niya pa ang ulo niya at paa. Eto talaga!
"Hindi naman Anisha. Ako nga nabili ko lang sa kaibigan ni mama ang aking damit hindi naman iyon designer or branded."
"Naku Liez, eh kahit pa siguro basahan ay babagay sa iyo eh mukha kang anghel. Ang ganda ng mata mo inosenteng inosente. Dagdagan mo pa ng maliit at matangos mong ilong,pulang labi at napakaputi mo pa!" Pagpuri niya sa akin. Maganda naman si Anisha morena at medyo western ang features. Her fox eyes are also very captivating.
Di ko siya nalingon pa dahil pumasok na ang guro namin kaya umiling nalang ako sa kaniya at tumayo para batiin ang kakapasok na teacher.
Sinubukan kong makinig sa lecture pero lumilipad ang isip ko sa mga pusa na nakita ko sa labas ng aming mansion noong nakaraang araw hindi pa ako nakapag pa-alam kina mama tungkol sa mga pusa dahil busy sila nitong mga nagdaan. Baka naubos na yung mga pagkain nila at baka pina alis iyon ni Ate Lina. Sa likod ng aming kusina ko lang kasi sila inilagay baka umulan kaya diko maiwan sa labas. Ang bagal pa ng oras kaya nililibang ko ang aking sarili sa pakikinig sa discussions.
Nagkaroon kami ng pagsusulit bago natapos ang aming klase. Maayos naman ang score ko dahil minsan ay nag a-advance study din ako sa bahay. I looked at Anisha's paper and she was actually almost perfect.
"Okay class,huwag niyong kalimutan na may attendance tayo bukas sa event ah!" Pagpapa-alala sa amin ni sir at tumalikod para ilagay ang chalk sa box. Humarap ulit siya sa amin.
"Oo nga pala. Si Gliezil Anais De Leon, yung secretary niyo asaan? Ayun! Iha, ikaw na yung kumuha ng mga outputs niyo sa faculty ah? Natapos ko ng I check. Busy kasi class president at vice niyo nag me-meeting. Yun lang. Goodbye again class." Tumango ako kay sir nang tingnan niya ako. Pagkatapos ay kinuha na niya ang kaniyang mga gamit at lumabas.
Sa wakas!! Natapos din. Lalakarin ko nalang mamaya yung pinapagawa ni sir at papatulong nalang ako kay Anisha sa pagkarga noon medyo madami din ata iyon.
"Liez,libre mo ako hehe." Ito talagang si Anisha ang hilig sa libre. May sobra naman ang pera ko palagi kahit nililibre ko siya kaya hinahayaan ko na lang din. Napailing na lang ako at kinuha ang wallet. Lumapit siya at kumapit sa braso ko.
"Oo na Anisha. Para ka namang just now." Kinalas niya ang pagkapit sa akin at hinarap ako.
"Babawi na lang ako, ako na mag ko-confess kay Silas para sa iyo. Mwahahahaha." Nahampas ko siya ng wallet sa braso. Itong bruhang ito, napapahamak ako.
Silas is my current crush. He is a gentleman, very sweet and isang tingin mo pa lang you'll know he's a soft and good boy. He's a top student din. He is my ideal man talaga.
Matagal ko na siyang crush pero di kami gaanong nagkikita he's one year older din kasi.
YOU ARE READING
Sensing Pain ( Ruthless Lover Boy)
RomanceA brave and wise girl secretly adores a ruthless Playboy who slowly destroys everything she have. Her peaceful life began to have it's twists and turns. Will he love her back? Or will it be a painful love story?