Chapter 5

3 4 0
                                    

Take the bait

The night ended with Eli taking us home. There wasn't too much interaction. Hinatid niya si Anisha then me. We didn't talk also, not until I said my thanks and goodbye.

"Morning ate!" Nakahanda na ang mga pagkain sa lamesa. Walang pasok ngayon kaya I might stay home with my cats.

"Magandang umaga. Umalis na mama at papa mo. Kumain ka na." Tumango lamang ako at umupo. I prayed and started eating.

Na alala ko ang mga nangyari kagabi. What a night. I didn't expect to get home fast. I didn't want to stay late din naman.

"Bibili ako ng mga grocery mamaya. May ipapabili ka ba?" Napatingin ako kay ate. Baka maubos na ang pagkain ng mga pusa.

"Sasama nalang po ako ate. Bibili ako ng pagkain ng pusa. At siguro iilang gamit sa school." It's better pag ako yung pipili ng pagkain. Di kasi ma alam si ate sa mga ganoon at baka ibang klase pa mabili niya.

"O siya sige. Mamayang 10 pa naman ako aalis. Mag prepare ka nalang."

Nang natapos ay tumulong ako sa pagligpit at paghugas. And did my routine.

Naghanap ako ng white t shirt at hindi ka ikliang shorts. Okay na to. Di naman kami magtatagal.

"Liez! Bumaba ka na. Naghihintay na ang tricycle sa labas." Nagmamadali kong kinuha ang sling bag ko at bumaba. Nagdala din si ate ng bayong at saka kami umalis.

"Oh? Madami dami atang sasakyan sa bahay ng mga Murillo ngayon ah." Napatingin kami ni manong driver sa labas dahil sa puna ni ate Lina.

Tama nga siya at madaming parking na sasakyan sa labas ng kanilang bahay. I also saw some girls going out of their cars to go inside.

"Ay oo. Balita ko may selebrasyon sila dahil sa may pangatlong branch na sila rito ng kanilang negosyo."

"Ay mas lalong yayaman sila niyan. Halos nandito na ata sa atin ang mga negosyante ah. Lumalago ang mga negosyo ng mga tao ngayon rito sa atin."

Napa isip ako na tama nga si ate Lina. Lots of business men have been coming here either to invest, start business, supply other businesses and more. They must've seen how successful the businesses are here in our place.

"Nandito na tayo. Berto, hintayin mo na lamang kami roon sa shed ah " pa-alam ni ate sa driver.

"Oo, papahinga na lamang muna ako roon."

The place has a lots of stall. Stall for vegetables,fruits, meats, and fish. There's a small store that sells pig foods or idk anong tawag don. There's also one for chickens. I wonder if may cat food.

"Ate papasok lang po ako doon oh. Sa tindahan na nagtitinda ng nga pagkain ng hayop." Tinapik ko si ate na ngayon ay papunta sa mga stall ng gulay.

Tiningnan niya ang tinuro ko.

"Doon ba? Tara na." She squinted her eyes to see it clearly and was about to walk there.

"Ate ako na. Doon ka lang naman sa stall ng gulay right? Madali lang naman tapos susundan kita."

"Ay naku Liez! Wala kang sense of direction! Madali kang mawala lalo na rito na hindi mo naman kabisado. Madami pang tao kaya samahan na kita." I was about to protest but then she's right. I barely go out of our house at kung lalabas man ay sa mga cafeteria o sa playground na malapit lang din sa amin. My parents take me out sometimes pero it's usually a trip out of town. Noon na man ay di ako talagang lumalabas. Sa bahay lamang ako ng aming matalik na kaibigan gumagala. Na ngayon ay malayo na sa amin.

"Pedro alin ba dito ang pagkain ng pusa?" Napatingin ang isang maitim at payat na lalaki sa amin. Siya ang nagbabantay.

"Oh Lina. Pagkain ng pusa? Aba dalawang sako lang ang available namin kasi wala namang masayadong bumibili. Ayan oh." Tinuro niya ang isang nakatayong sako at isang hindi pa nabubuksan. No other brands huh?

Pahirapan pala ang paghahanap ng cat food dito. Sa bagay, most cats here doesn't need these expensive foods. I can see that they usually eat leftovers.
I wonder how Nisha looked for cat foods to bring to us. Ako kasi I order and minsan my papa brings some home.

I can just feed them leftovers pero I want my cats to taste these. Hindi sila masyadong makakalabas kaya they have to get nutrients from these foods.

"Ano bang mga pusa iyan at mukhang mamahalin." Tanong noong Pedro at bumaling sa akin.

"Ay naku.Yung mga pusa lamang na nakita niya sa labas. Kinuha niya at inalagaan." Nagulat ang nagtitinda at bahagyang tunango.

Bumili na ako ng 15 kilos at umalis na.

"Maghintay ka na lamang roon sa tricycle Liez at baka matagalan ako sa pamimili." Tinuro niya ang tricycle na naka parking kasama ang iba pang tricycle.

"Ay ate sasama na lamang ako. Para matuto akong bumili sa susunod."

"Ang kulit mo. Mabigat iyang dala mo kaya-"

"Ate mas matagalan tayo kung di ka bibili ngayon."

As I was talking to her I saw a familiar aura in the fish stalls. I walked closer to his stall.

I realized it's someone I can't believe is here.

What is he doing here? He's mayaman but what's he doing here? Not even just buying but selling Fish?

"Liez! Mamaya na tayo diyan sa isda dito tayo sa may gulay!" Hinigit ako ni ate kaya di ko siya nalapitan. He's busy attending to his customers dahil medyo pinipilahan ang isda niya.

I don't know how many minutes we spent choosing the right goods and bargaining them. I learned a lot too. What's fresh and what's cheap. But my thoughts are still wandering sa nakita kong lalaki sa fish stall.

"Doon tayo sa isda Liez mukhang nagkakaubusan ng isda doon oh. Mura iyan kaya dinadayo. Tara!" We walked fast papunta sa stall ng isda na madaming customer na nagtutulakan. What the hell is wrong with these people?

Is this the everyday scene here? I saw Eli na nag kikilo ng isda only wearing a dirty apron as his top. Sa bagay it's hot here. With all these people. Or maybe he's just flexing his body. Pfft Why did I admire him at the party?

He looks stunning there. Let's not lie. But he's flirty pala, moody at mabilis magalit. Red flag.

"Eli! One kilo of isda hihi." Napairap ako sa isang babaeng ang OA magsalita. She handed her one thousand bill at mukha siyang witch sa taas ng fake nails niyang violet. I've never hated Violet before but heck it's disgusting in her hands. Madumi! Or maybe it's her hands not the color.

There's also one girl na ayaw umalis sa harap at halos hilahin na pababa ang shirt niya to show her cherries. Disgusting human beings.

"Miss kanina ka pa diyan sa harap. May bibilhin pa kami. May bitbit ka na. Alis na!" Pagalit namang talak ng isa pang babae na naka dress. Sa palengke? Galing ba ng simba ito? Ang ikli pa ng dress niya.

Si Eli naman seryosong nagkikilo ng isda. He handed it to the old lady na nasa loob ng stall. Good thing! Baka maipit siya sa daming nakapalibot sa stall. Kawawa ang matanda kung
ganoon.

"Make way for her." Eli commanded as his gray eyes seriously stared at the people outside his stall.

If he's just a lil bit unflirty he's gonna be my crush. With that looks and hardworking pala siya. Or maybe his tactics to line up her women.

"Salamat iho." The granny said and Eli replied with a smile that was the reason why girls flocked their way to him again. Ew.

He's like a bait and all the girls here are fishes and they want to take a bite of the bait not minding if they're gonna get eaten later.

"Ay tilapia at Salmon lang naman ang nandito. Bakit pinipilahan. Jusko! Akala ko Kung ano. Doon tayo sa kabila Liez!"

I glanced at Eli and I caught him staring at me and my shorts.

Hmmph. Manyak! I shouldn't have worn this. Specially the white shirt. I mocked the girl in a dress but here I am with shorts. It's still appropriate though because it's not too short naman.

"Yeah ate, malansa ang isda here." I rolled my eyes and walked away.

Go on fishes take the bait. Fools.

Sensing Pain ( Ruthless Lover Boy)Where stories live. Discover now