"Liez sama na tayo!" Inalog alog ako ni Anisha habang himihimas ko ang ulo ni Shad at Kutching.
"Ano ba Anisha, alam mo namang mga bata pa tayo bawal tayo doon!"
Inaya kasi kami ng isang senior, may katuwaan daw sila mamayang gabi. Simula nung sumigaw si Anisha last Friday ay tingin ng iba malilikot kami at mapaglaro. Halos lagi kaming ina-asar at marami ding lumalapit na mga lalaki sa amin. Kadiri.
Ayaw kong pumunta kasi baka delikado. Eh itong isa gustong sumama dadamayin pa ako.
"Eh nandoon naman ibang grade ten ah!"
"We're different! Baka kung anong kababalaghan ginagawa nila." I can't imagine the things that they might be doing. Kissing wildly and drinking anything.
"Pag sumama tayo Leiz di na ako papalibre. Promise. Sige na uuwi agad tayo. Please." Nagmamakawa pa talaga siya ngayon. Kakainis naman. I don't care if ilibre ko siya but ang persistent niya. Baka magtampo pa sa akin to.
"Uuwi tayo agad ah?" Sana hindi ako pagalitan.
"Yes! Yup, oo naman uwi agad." Paulit ulit siyang tumango. Binaba ko ang mga pusa at pinakain. May maliit na silang kulungan sa gilid ng kwarto ko. Pagkatapos ay nagbihis na kami ng dress at bumaba.
Nagsuot nalang ako ng red short wrap dress at red slip dress naman ang kay Anisha. Bigay daw ito ng pinsan niya sa kaniya.
"Ate Lina! Sabihin niyo ho kina mama na may pinuntahan lang kami ni Anisha. Sa labas lang naman." Pa-alam ko kay ate Lina na nanonood ng TV. Lumingon siya sa amin at tiningnan ang aming soot.
"Malapit lang ba?" Kumunot ang noo niya.
"Oo po" Tumango naman kaming dalawa ni Anisha.
"O siya sige, Gabi na ingat kayo." Ibalik niya ang tingin sa TV. Ngumiti si Anisha sa saya kaya napailing na lamang ako.
Hindi mahigpit si ate kahit si mama at papa dahil minsan lang din naman ako lumabas, kaya pinapayagan din.
"Oo naman po. Salamat ate." Pareho naman kaming kumaway ni Anisha kay ate hanggang paglabas.
Sumakay kami ng tricycle papunta sa isang bahay ng aming senior. Medyo kabisado naman ng driver ang bahay ng mga Viña- Diego kaya di na kami nahirapan.
Pagkarating namin sa isang malaking gate ay naririnig namin ang napakalakas na music. Iginala ko ang mga mata ko sa paligid, wala silang kapitbahay, ang gilid ng bahay nila ay lupain na tinamnan ng Coconut trees.
Malaki rin ang bahay nila mismo.
Pumasok kami sa gate na open na. Kung kakatok kami di din naririnig sa lakas ng music.
Tiningnan namin ang loob ng bahay. Hindi naman pala masyadong marami ang mga tao eh. Siguro 20+ lang. Pero mukhang di fit yung dress sa party, it's a pool party. Though there are some who's wearing short dresses and skirts. Well, not bad.
"Gleizel! Anisha!" Sigaw ng aming senior
"Kenzo!" Tawag ni Anisha sa kanya habang lumalapit ito sa amin. Kumaway lang ako at ngumiti.
"Akala ko di kayo pupunta eh. Good thing youre both here." Kinuha niya ang isang tuwalya sa isang lamesa at sinabit sa balikat.
"Oo nga eh. Saglit lang kami Ken. Aalis din agad." Sabi ni Anisha at tumingin sa akin.
"What?? Why?" Nabigla siya at palipat lipat ang tingin sa aming dalawa ni Anisha.
"Di kami nakapag pa alam eh." Sagot ko naman ng deretso sa kaniya.
"Oh! Alright. Sige, ayaw ko namang sugurin ako ng magulang niyo rito. Yikes! Basta ba pumunta kayo okay na. Pasok muna." Bahagya itong tumawa ng pabiro at tuluyan kaming pinapasok sa loob.
YOU ARE READING
Sensing Pain ( Ruthless Lover Boy)
RomanceA brave and wise girl secretly adores a ruthless Playboy who slowly destroys everything she have. Her peaceful life began to have it's twists and turns. Will he love her back? Or will it be a painful love story?