Chapter IX

59.3K 872 14
                                    

Chapter IX

Annette's POV

"Where did you learn how to ride on a horse? Pakiramdam ko tuloy nabawasan ang pagkalalake ko." Hinihingal si Gordon na bumaba sa kabayo at kagaya ng ginawa ko ay itinali iyon sa malaking puno dito sa may burol.

Kanina ay napagkaatuwaan naming mag karera at gaya ng inaasahan ko, nauna ako dito.

Natawa ako dito na parang batang inagawan ng candy dahil lang sa bagay na iyon. Pero biglang sumeryoso ang mukha nito na hindi ko mabasa kung anong iniisip nito.

Naiinis ba syang natalo ko sya? Pero parang may mas malalim na dahilan ito.

Kanina ay nakilala ko ang sinasabi nyang kaibigan at ang misis nito na may ari ng isang rancho at nakatira sa isang maganda at malaking bahay. Si Jacob na super mega hunk at gwapo at ang asawa nitong si Alice na sobrang ganda at sexy. Nagulat ako nun una dahil hindi mo aakalain na sa liblib na lugar na ito ay may isang magandang couple na nakatira.

They look so in love.
Nakakainggit.

"I'm good at anything I do Gordon. Masyado ka lang talagang lame siguro kaya naunahan kita." Confident kong pahayag dito.
Totoo naman na magaling ako sa mga bagay na gusto kong gawin. Car raising, ang isa sa pa sa mga maipagmamalaki ko.
When I was sixteen ay nakaugalian namin ng mga old friends ko magkarera at mag pustahan sa high way ng San Martinez.

Napangiti ako ng mapait nang maisip ko ang mga taong itinuring kong totoong kaibigan pero sa panahon ng pangangailangan mo ay basta ka na lang tatalikuran.

"Lame? Hah! Let's make a bet. Kapag natalo mo ako mamaya pagbalik, I'm you're slave for two days Annette pero kapag ako ang nanalo...." Ibinitin nito ang sasabihin at makahulugan akong tiningnan. Straight in the eyes na parang pati yata kaluluwa ko ay nakikita na nya sa paraan ng pagtitig nya.

Kahit may idea na ako kung ano ang ibig nitong ipahiwatig at nagkunwari akong hindi ko na-gets ang gusto nyang mangyari.

"What?"

"Itutuloy natin yun sinimulan natin kanina. Walang atrasan Annette." Diretsong sagot nito.
Pakiramdam ko ay nag init na naman ang buong katawan ko sa sinabi nya.

Oh, Gordon ipapatalo ko ang laban ituloy mo lang ang nasimulan natin kanina. Pilyang sigaw ng isip ko.

Napalunok ako ng ilang sunod. Dahil sa excitement o sobrang kaba ay hindi ko rin masiguro sa sarili ko

"S-sure... Kung mananalo ka."

________

Gordon's POV

Hindi ko alam pero parang may pagka misteryoso itong si Annette.

She's a monster in riding a horse.
At sinabi nya kaninang first time nya?
Sinong lolokohin nya?
Hindi kaya may naka relasyon itong haciendero kaya sanay itong sumakay sa kabayo at ayaw lang nyang sabihin sa akin?
Yun lang naman diba?
O ma pwera na lang kung mayaman sya which is alam kong imposible.
Kaya nga sya nag GRO hindi ba? Dahil kailangan nya ng pera.

Nakaramdam ako nang inis sa isiping ginagamit nya ang katawan nya dati para lang sa pera na kung tutuusin ay pwede naman nyang kitain sa mas disenteng paraan.

Inalis ko ang bahay na iyon sa utak ko. Ayokong masira ang moment namin dahil lang sa selos.
Wait..

I'm not jealous!
At anung moment ang pinagsasabi ko?
Gusto kong masuka sa sinasabi ng konsensya ko.
Si Gordon nagmo moment with Annette.
What the fvck?
Ang gusto ko lang maging moment sa kanya ay kapag nasa ilalim ko na sya.. Katulad ng lahat ng babaeng dumaan sa akin.

The Heiress GRO (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon