Chapter XVII

49.2K 931 37
                                    

Chapter XVII

Gordon's POV

Wala pang babaeng nakagago sa akin buong buhay ko kundi si Annette lang.
Hindi ko matanggap yun mga sinabi nya sa akin nun isang araw.

Putangina, sa dinami dami ng lalake sa San Antonio, bakit ako?

Experience?

Gagamitin nya ang experience nya sa akin para sa ibang lalake? Pwes, nagkakamali ka Annette, dahil walang makikinabang sayo kundi ako lang.

Nakausap ko na ang mga magulang ko at humingi ang mga ito ng sorry sa nangyari at sinabing imbitahan ko ulit si Annette sa bahay para humingi rin ng apology sa nangyari pero tumanggi ako.
Wala na rin namang kwenta hindi ba, dahil lumabas mismo sa bibig nya na ginamit nya lang ako.

Nag-assume ako , na siguro sya na yun babaeng makakapagbago sa akin pero mali pala.

Lumabas ako ng sasakyan at nagdiretso sa loob ng kabaret na agad namang sinalubong ng isang gay.
"Hi pogi, anung hanap mo?" Tiningnan ko ito ng masama ng pumulupot ang kamay nito sa braso ko.
Para itong napapasong bumitiw.

Sarap bigwasan.

"Babae." Simple kong sagot.
Nilibot ko ang tingin ko at agad ko syang nakita na naka table sa may bandang madilim na sulok.
Tumatawa ito sa kung anuman ang sinasabi dito ng lalakeng ka table.

Gusto kong manapak sa mga oras na ito pero pinigilan ko ang sarili ko.

Ayokong isipin nyang masyado naman akong patay na Patay sa kanya.

"Ay! Girls bilis pumila kayo dito may pogi!" Tawag ng bakla sa mga babaeng mga walang costumer.

"Anung gusto mo pogi dine-in or take out?" Tumawa ito ng malakas na sinundan ng mga GRO'ng lumapit sa amin.

Ganito ba silang ibugaw ng baklang ito?

"Si Annette, magkano?" Wala nang paligoy ligoy.

"Ay sayang, kahit libre payag ako sayo Gordon." Ngumuso yun isang babae.
Napataas ang kilay ko.
Kilala nya ako? Hindi ko gawaing pumunta sa ganitong lugar kaya nakapagtatakang kilala nya ako.
Isa isang nagsi alisan ang mga ito at bumalik sa pwesto kanina.

"Naku pogi, hindi nagpapa take out yan si Annette, hinuhulma ko pa yan at may pagka manang pa ng konti." Malandi itong tumawa na hinampas pa ako ng bahagya sa dibdib.
"Tangna nakakarami ka na, akala mo ba hindi ko napapansin yan kahihipo mo?"

"Ikaw naman masyado kang hot, sige ka hindi kita ilalakad kay Annette."

"Pag hindi mo napapayag si Annette, maghanda ka nang mangulong. Akala mo ba hindi ko alam na illegal ang ginagawa mong pangbubugaw?" Pananakot ko dito. Totoo naman kasi na pang front lang ng baklang ito ang beer house pero ang totoo ay mas priority nito ang pagbebenta ng mga babae.

"Ay! Wag naman pogi.." Akmang hahawakan ulit ako nito pero mabilis din akong lumayo.

Dumukot ako sa bulsa ko at inilabas ang wallet ko. "Magkano? Ako na ang bahala kay Annette, just name your price."

"Paano kung magalit si Annette at mag stop na naman? Dyusko naman, malulugi na naman ako pag nawala yan."
"Magkano?" Ulit ko dito.

Bumuntong hininga ito. "Ok, ayoko naman makulong, seven thousand."
Naglabas ako ng perang sinabi nito at iniabot iyon dito.

Nilingon ko ulit si Annette at saktong tumayo ito at ang costumer nito na mukhang pauwi na. Parang naramdaman nitong may nakatingin sa kanya at lumingon sa direksyon ko.
Saglit itong natigilan bago nag iwas ng tingin at bumaling sa costumer nito.

The Heiress GRO (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon