Chapter XII

58K 975 23
                                    

Chapter XII

Annette's POV

Halos malaglag ang panga ko sa sinabi nito.

"Binabastos mo ba ako?" Paasik kong tanong dito, pero ramdam ko ang pag iinit ng buong mukha ko.

"Anung bastos sa sinabi ko? Bakit ayaw mo ba? Hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo." Natatawang sagot nito na pinagbuksan ako ng pinto sa passenger seat.
Saglit akong natigilan.
Ayaw ko nga ba?
Well, hindi naman sa ayaw, pero syempre hindi ko iyon isasatinig. Hindi ako kasing straight nito na sinasabi kung anong nasa isip.

Aaminin kong hindi ako nakaramdam ng kahit katiting na kabastusan sa sinabi nya. In fact, ay nakaramdam ako ng excitement.
Ako pa ba ito?
Hindi ba sobrang

Weird.

Nagiging adik na yata ako sayo Gordon.

"Well it's nice to hear that Annette, at para fair naman sayo, aamin na rin ako. Adik na yata ako sayo, Annette" kumindat pa ito at malanding ngumiti. Nanlalaki ang mata ko sa sinabi nito.

Did I say it out loud?
Humalakhak ito ng malakas bago ako pinalo sa pwet!

"Ouch!" Tiningnan ko ito ng masama pero hindi man lang iyon pinansin at sa halip ay kinagat nito ang pang ibabang labi at nang aakit na ngumiti.

"Let's go?"
Tumango ako at pumasok sa passenger seat. Bakit wala akong kalaban laban sa kalandian nitong lalakeng ito?

Yumukod pa ito at ikinabit ang seatbelt ko.
Gentleman mode.

"Gordon?" Tawag pansin ko dito. Kasalukuyan na itong nagda-drive.

"Yeah?" Nilingon ako nito saglit bago muling itinuon ang pansin sa kalsada.

"Bakit hindi ka nagwo work at saka bakit hindi mo kasama sa bahay ang parents mo?" Hindi ko alam kung bakit ko iyon itinanong. Siguro ay gusto ko lang may mapag-usapan?

"Actually Annette kaya kita inintay buong maghapon sa restaurant, kasi magce-celebrate tayo." Pabitin nitong sagot.

"Birthday mo?" Parang ang layo naman nun sa tanong ko.

Tumawa ito. "No. I passed my board exam and I'm officially a Certified Public Accountant, at tungkol naman sa parents ko, tomorrow you will meet them. May dinner na ihahanda si mommy."

Nakaramdam ako ng kaba sa sinabi nito.
"No, ayoko. Hindi mo naman ako Girlfriend para ipakilala mo ako sa kanila. Tsaka family dinner yun."

"Hindi pa ba kita Girlfriend ng lagay na yan Annette? I like you, and we already had sex anu pa bang kulang? It's not a family dinner anyway, may ilang friends sila mom na invited."

"But still.."

"No buts. Come, kailangan nating mag grocery at ipagluluto mo ako." Nagtanggal ito ng seatbelt bago isinunod ang sakin.
Tumingin ako sa labas at ngayon ko lang napagtanto na nasa parking lot kami ng supermarket. Nag iisang super market dito sa San Antonio.
Umibis ito at pinagbuksan ako ng pinto.

"What? Hindi ako marunong magluto! Sabi mo pati mag aano lang tayo." Napatakip ako sa bibig ko sa sinabi ko.

Tumawa ito ng malakas. May ilan din na napalingon sa direksyon namin.

"Annette,sa tingin mo ba ganun ako ka manyakis? Naa-amuse nitong wika matapos humupa ang pagtatawa nito. "Pero kung gusto mo din naman sabihin mo lang." Dugtong pa nito.

"Shut up Gudo!" Tinawag ko ito sa mabaho nyang nickname na ikinaasim naman bigla ng mukha nito.

"So hindi ka pala marunong magluto?" Pagbabalik nito sa usapan. Tiningnan ko ang kamay nito na pumatong sa balikat ko at igniya ako.
Napangiti ako. Kilala ito sa San Antonio lalo na ng mga kababaihan pero hindi ito nag alinlangan na maglakad kami habang nakaakbay sa akin.

"Ganito ka rin ba sa iba mo pang girlfriends?" Tanong ko dito. Hindi sa bitter or kung anu pa man. Gusto ko lang malaman.

"No, hindi ko isinasali ang mga yun sa private life ko." Walang anumang sagot nito. Nakaramdam ako ng konting inis dahil hindi ito tumanggi about sa girlfriend thing pero mas nanaig sa akin ang kilig.

"So you mean ako kasali sa private life mo?"

"Kaya nga kasama kita ngayon diba?"

Inalis nito ang kamay sa balikat ko at naunang naglakad at kumuha ng push cart.

Napangiti ako.

Oh my! Girlfriend nya na ako!
____________

Gordon's POV

"Hi babe! What are doing here?" Nagulat ako nang may biglang pumulupot na kamay sa braso ko.

"Leila. Anung ginagawa mo dito?" Tumingin ako sa likuran kung saan ko iniwan si Annette at nakataas lang ang kilay nitong nakatingin sa amin.

"Buying some stuff. Anyway, congratulations for passing the board exam." Humalik ito sa labi ko.

Shit!

"Ah... Thanks, kanino mo nalaman?" Naiilang akong tinanggal ang kamay nito sa braso ko na nilingon uli si Annette na nakatayo lang at matalim na nakatingin sa akin.

"Tumingin din si Leila sa direksyon ni Annette at nakangising ngumiti.
"Flavor of the week? Nevermind, anyway invited kami tomorrow sa dinner celebration mo kaya alam ko."

Patay tayo dyan.
Sa dinami dami ng kaibigan nila mommy bakit ang family ni Leila pa?

"Anyway, ikaw anung ginagawa mo dito?" Tanong ulit nito na hindi man lang nakahalata na hindi ako interesado sa presence nya.

"Grocery, I'm actually with my girlfriend, Annette babe come here." Malakas kong tawag dito para siguradong dinig nya yun salitang girlfriend.

Lumapit ito at gusto kong matawa nang sumingit ito sa pagitan namin ni Leila.

"Girlfriend?" Tumawa si Leila na para bang may nakakatawa.
Baliw!
Tumango ako.
"Seriously babe?" Hindi pa rin makapaniwalang tanong uli ni Leila matapos makabawi.

"Hindi boyfriend nya ako." Sarcastic na sagot ni Annette. "Binge ka? Bulag ka?" Dugtong pa nito na ikinapula ng mukha ni Leila sa pagkapahiya.

"Bitch!" Galit na nag walk out ito matapos irapan si Annette.

Napangisi akong hinarap ito.
"Possessive Annette, I love it."

"Seriously Gordon, babe?" Tumawa ito ng malakas. Walang panama sa akin yun girlfriend mong yun."

"At sino namang nagsabi sa'yong  girlfriend ko si Leila? Yes, we fvck before pero hindi ko sya girlfriend."

"Oh.. I think I don't want to hear that Gordon. Alam kong playboy ka pero hindi mo na kailangan isampal sa mukha ko kung sino sino man ang mga naka sex mo." Inagaw nito sa kamay ko ang push cart at naunang naglakad.

May nasabi ba akong mali? I'm just being honest pero bakit parang hindi nito iyon nagustuhan?

Kung siguro ibang babae ito ay nilayasan ko na ito.

But she's Annette.

I like her so much, at ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong pagka gusto sa isang babae.

I know sobrang bilis naman yata.

But..

I think I'm starting to fall for her?

Or maybe I am already in love with her?

__________
Thank you for reading!

Sorry for this super late upload, medyo punong puno kasi ang utak ko dun sa isa kong on-going story..

Vote.comment.fan

lovingly_yours007

04-28-2015

The Heiress GRO (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon