Chapter XIX

78K 1.5K 280
                                    

Chapter XIX

Annette's POV

Malayo layo na rin ang nalalakad ko at sumasakit na ang paa ko.
Shit. Ni wala akong cellphone o pera dahil hindi na ako binigyan ng pagkakataon ni Gordon na kunin ko man lang ang gamit ko sa kabaret kanina.

Akala ko kaya ko pero hindi pala.
Ramdam ko naman na gusto nya talaga ako pero sumisigaw ang isang panig ng utak ko na hindi pwede.
Na katulad din sya ng papa ko na kayang kayang manipulahin ng magulang at alam kong masasaktan lang ako katulad ng nangyari sa mama ko kapag sinunod ko yung nararamdaman ko.

Napaigtad ako nang may bumusinang sasakyan at tumigil ito mismo sa harapan ko. Nakatutok ang headlights nito sa akin kaya hindi napansin ang lalakeng bumaba mula doon.

Nasisilaw na inaninag ko ito. Malaki itong lalake, parang hindi nalalayo ang height at pangangatawan nito kay Gordon.

"Hi miss, need a ride?"
Kinabahan ako bigla nang maalala ko ang nangyari sa akin kaylan lang.

Shit!

Walang Gordon na magtatanggol sa akin ngayon, dahil tinakasan ko ito.

Napahawak ako sa may bandang dibdib ko na nakalitaw sa suot kong damit. Sana pala hindi ko na lang hinubad yun jacket ni Gordon.

"Hey, did I scare you?"

"No mister, sanay na ako sa mga ganyan." Pinilit kong hindi manginig ang boses ko pero yun totoo ay parang lalabas na ang puso ko sa sobrang lakas ng tibok. "I'm all good salamat na lang sa offer."
Nagsimula na ako humakbang nang may isang sasakyan na namang tumigil sa likuran ko naman.

"Annette, get in the car!"

Napapikit akong napamura sa sarili ko nang mapagsino ko kung sino iyon. Na-letche na!
Pero at the same time ay nakaramdam ako ng relief.

"Annette, I said get in the car!" Naramdaman kong lumapit ito sa akin at hinawakan ako sa braso.

"Anu ba, bitiwan mo ko!"

Narinig ko ang mahinang tawa nun lalake.

"LQ?"

"Shut-up!"

"Shut-up!"

Halos sabay pa namin iyong sigaw dito ni Gordon na nilingon ito.

Itinaas nito ang dalawang kamay sa ere na para bang sinasabing hindi sya lalaban pero natatawa pa rin.

"Sino yan?" Nag uusig ako nitong tiningnan at ramdam ko ang mas lalong paghigpit ng pagkakahawak nito sa akin.

"Costumer ko."

"I'm Anton Mariano pare..What?!"

This time ay kami naman nun lalake ang sabay na nagsalita at mukhang nawindang sa sinabi ko.

"Customer?" Bulong nito sa akin na idinikit ang mukha na halos wala nang pagitan sa amin. "Ang alam ko bayad ka na ngayong gabi, at ako yun Annette. At alam mo ba dapat sa mga katulad mo? Dapat sayo ginagapos sa higaan at pinaparusahan."

Para akong gininaw sa mga salitang iyon at nagtayuan ang balahibo ko.

"I hate you." Syempre nga naman bayad na ako. Hindi ko alam kung paano nya napapayag si mamita gayung alam naman ng baklang yon na hindi ako nagpapalabas.

Magkahinang ang mata namin na parang walang gustong magpatalo.
Naputol lang iyon ng marinig namin ang pagsara ng pinto ng sasakyan kasunod ang tunog ng makina nito.

Nagsimulang umandar ang sasakyan nito at tumigil saglit sa may pwesto namin ni Gordon at ibinaba ang glass window nito.

"Till we meet again miss beautiful."

The Heiress GRO (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon