Chapter XVI

49.2K 944 39
                                    

Chapter XVI

Annette's POV

Mabuti naman at Sunday ngayon, wala akong work. Inimbitahan nga pala ako ni Allan sa bahay nila, pero hindi ko alam kung pupunta ba ako dahil syempre pupunta din si Gordon doon. Nabangggit ni Belle (inday) noon na nakaugalian na nilang magkakaibigan na magkita kita sa bahay ni Allan para makapag bonding at magbalitaan ng mga nangyayari sa buhay buhay nila.

Pupunta ba ako o wag na lang kaya magkikita din kami ni mamita mamaya. Aagahan ko na lang kaya pala ang punta para hindi kami mag abot ni Gordon. Kailangan ko rin magpaalam kay Allan na titigil na ako sa pagtatrabaho sa restaurant nya.
Naging mabilis ang pangyayari sa amin ni Gordon at nakalimot ako sa mga priority ko. Balak ko rin lumipat ng apartment sa bayan na malapit sa kabaret para wala akong aalalahanin na mangyari ulit sa akin yun nangyari kailan lang. Medyo mas malaki lang ang rent pero wala akong problema doon dahil malakas akong makakuha ng tip sa mga costumer.

Iniisip ko rin kasi na baka puntahan pa ako ni Gordon dito. Sa ngayon ay tama na ang nangyari sa amin. Mabuti na rin siguro ang ganito na maaga kong nalaman na ganun ang pamilya nya.
Pati na rin sya.

Maaga akong naligo, nagmake-up ng makapal, nag curl ng hair at syempre ang aking micro mini fitted dress at killer heels. Nakausap ko na si mamita kanina at magkikita kami pagkatapos kong pumunta kina Allan.

"Perfect." Ngumiti ako sa repleksyon ko sa salamin matapos kong magpahid ng pulang lipstick.

_________
Gordon's POV

Tinanghali ako ng gising dahil hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog. Magdamag kong iniisip si Annette kung paano magpapaliwanag at hihingi ng sorry. Alam kong nabigla lang ang mga magulang ko kagabi sa mga nalaman nila. Natakot ako kagabi na baka atakihin sa puso si mommy kung ipagtatanggol ko si Annette laban sa mga sinabi nito dito. Kung sana ipinaliwanag lang ni Annette ang side nya sa mahinahong paraan ay alam kong matatanggap naman ito ng mga magulang ko, pero knowing Annette, na napakataray at walang inuurungan.

Pupuntahan ko na lang ito ngayon sa apartment nya para magpaliwanag. Sunday ngayon at wala naman itong work sa restaurant.
Kung kinakailangang harasin ko sya para kausapin ako ay gagawin ko.

**
Kanina pa ako kumakatok at nauubos na ang pasensya ko dahil walang sumasagot.

"Annette! Isa, pag hindi mo ako pinagbuksan sisirain ko talaga tong pinto mo!"
Bumukas ang pinto sa kabilang pinto at may lalakeng mukhang galit na lumabas.

"Hoy! Tangina ang ingay mo ah!" Pero parang nagulat ito nang makita ako.

Sino bang hindi, ay six footer ako kumpara sa unanong ito.

"Tangina mo rin! Ikaw ba kinakatok ko?" Ganitong mainit na ang ulo ko wag nya akong aangasan at talagang makakatikim sya sakin.

"H-Hindi naman sa ganun pare, pero kung si miss sexy ang hanap mo wala, nakita kong umalis kanina, mukang may date." Alanganin itong tumingin sa isa kong kamay na may hawak na flowers at nanlaki ang mata.

"Tinitingin tingin mo dyan? gusto mo ihambalos ko sayo tong bulaklak? At saka anong date at miss sexy pinagsasabi mo?" Ginagago yata talaga ako nitong unanong to ah.

"Mga anong oras umalis?" Tiningnan ko ito ng masama ng akma nitong isasara ang pinto.

"Wala pa sigurong kalahating oras nakita ko kanina sumakay sa tricycle dyan sa tapat. Sige pre, una na ko." Pagkasabi nito ay nagmamadali nitong isinara ang pinto.

Napabuntong hininga na lang ako.
Iniiwasan nya talaga ako, dahil alam nitong pupuntahan ko sya.

Kinuha ko ang cellphone ko at sinubukang tawagan ito, pero nadismaya lang ako dahil boses ng operator sumasagot at sinasabing unattended ito.

The Heiress GRO (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon