Chapter XXI

26.1K 505 23
                                    

Chapter XXI

ANNETTE'S POV

Letche! Pustahan pala ha.
Wala palang ibig sabihin sa kanya yun nangyari sa amin kagabi? Ang nakakapag init pa ng ulo, sa dinami daming babae yun Leila'ng linta pa ang sasabihin nyang kasama nya. Ganun ba kahiya hiyang aminin sa kaibigan nyang ako Ang tao sa loob ng kwarto nya?  Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib sa isiping iyon.

"Hoy babae! Aba kinakausap kita kung kelan ka papasok ng kabaret? Aba malulugi ako sa ginagawa mo!"

"Pwede ba mamita tantanan mo ako. Hindi naman ako magkakanda letche letche kung hindi mo ako ibinugaw dun Gordon na yun, tsaka wag kang mag alala papasok na ako mamaya basta sana tumupad ka sa usapan natin."

Tatlong araw na akong nakikituloy sa bahay nito dahil sa pagtatago ko kay Gordon.
Nun araw na umalis ako sa bahay nito ay tinawagan ko si mamita na sunduin ako.
"Pipilitin ko pero kasi alam mo naman kung gaano kabaros yun jowa mo. Hay naku kung alam mo lang na halos gabi gabi pumupunta yun sa club at itinatanong ka! Muntik pa nga ipalunok sakin yun cellphone na ipinapasauli mo nun iabot ko." Nakatirik ang mata nitong litanya.

Yes. Dahil sapilitan naman akong isinama ng lalaking iyon na wala man lang bag, wallet cellphone dahil naiwan ko nga sa kasa, ay hiniram ko muna ang cellphone nito ng walang paalam para maka kontak kay mamita. Ni wala din akong suot na kahit ano sa paa ko dahil hindi ko na rin alam kung saan pinalipad ni Gordon yun mga suot ko.
Nag init ang mukha ko sa mga eksenang tumatakbo sa isip ko.

Shit! Galit ako pero apektado pa rin ang buong sistema ko everytime na naiisip no sya.

"Pero in fairness Annette, ang yummy ni jowa.. Ayyy nakakagigil ang sarap papakin!"  Tili nito na parang kinukuryente sa  pamimilipit sa kinauupuan.

"Hindi ko sya jowa. Kung type mo sayo na." Tumayo na ako para iwan ito. Kailangan ko na maghanda sa pagpasok.

_______

"Hoy Annette, may bagong tumer sa table five, ikaw ang gustong i-table." Lumapit sa akin ang isa sa mga GRO at bumulong dahil sa lakas ng music.

"Sino daw? Anung hitsura?" 

"Hay naku napakapogi mukang artista. Kung bakit naman kasi lahat na lang ng pogi ikaw ang gusto." Nakanguso nitong turan.

Nginisian ko lang ito bago tumayo para tanawin kung sino man bagong costumer iyon. Sa totoo lang ay mapili ako pagdating sa costumer. Kapag hindi ko type at wala akong tiwala sa hitsura ng costumer ay tinatanggihan ko.
Well, sa magandang paraan naman ang ginagawa kong pagtanggi. Binibigyan ko sila ng magandang alibi dahil ayoko din naman magkagulo.

Nakatalikod itong nakaupo mula sa pwesto ko kung kaya hindi ko ito mapusturahan.
Hmm..Ang gwapo ng likod. Parang si Gordon din pero syempre iba pa rin.
Ipinilig ko ang ulo ko sa isiping iyon.

The hell with you Buenavista!

Naglakad ako papunta sa pwesto nito.
"Hello good evening sir, you requested for me?" Bati ko dito.

Nag angat ito ng mukha at ngumiti sa akin.
Oh my..gwapo nga.
Pero parang familiar ang mukha nya..

"Oh hi, please have a seat." Tumayo ito at ini offer sa akin ang vacant seat sa katapat nito.
Pogi points, genlteman si pogi.

Okay, magaan ang loob ko sa isang to.

Mabait ito at hindi manyakis katulad ng ibang costumer. Marami kaming napag kwentuhan at nalaman kong isa itong abogado. Hindi ko na itinanong kung nagka kilala na ba kami. Nakakahiya naman kasi, malay mo napadaan lang naman pala sya sa harap ko noon at dahil gwapo nga syempre mapapansin talaga sya ng kahit sino. Wala rin naman itong nabanggit na kilala nya ako.

The Heiress GRO (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon