Chapter XV

48.2K 945 43
                                    

Chapter XV

Annette's POV

Nawala ang ngiti ko nang dumating kami sa dining area nang magtama ang mata namin ng isang lalaking nasa mid fifties na siguro. Kilala ko sya dahil isa ito sa mga naging costumer ko sa club na ayon kay mamita ay isa sa maimpluwensyang haciendero dito sa San Antonio. Mabait naman ito pero kapag nasa impluwensya na ng alak ay nagiging bastos ang bibig isama pa ang paminsan minsan na panghihimas.
Nakaupo ito sa gitna ni Leila at ng isang mukhang matronang ewan. Hindi ko masisisi ang senyor kung pumunta ito sa lugar na kagaya ng club.
Asawa ba iyon o katulong?

Narinig ko ang pagtikhim ni Gordon. Nilingon ko ito ganun din ang mga magulang nito na naktingin din pala sa akin.

"Oh, sorry." Napapahiya akong umupo sa silya na hinigit ni Gordon para upuan ko. Tumabi ito sa akin at inilapit ang mukha sa may tainga ko.

"Are you okay?" Bakas ang pag aalala sa tinig nitong bumulong sa akin.

Ngumiti ako dito at tumango.
Pag ganito naman ang lalake, talagang lahat ng kaba sa dibdib ko mawawala talaga at mapapalitan lang ng isang katerbang kilig!

Tumayo si Mr Buenavista na kinuha ang isang bottle ng red wine at lumapit isa isa sa amin para salinan sa sa nakahandang glass wine sa ibabaw ng table.

"Kumpadre, salamat at nakarating kayo ng pamilya mo and of course sa iyo din hija." Wika nito matapos bumalik sa sariling pwesto at itinaas ang kopita.

Nag cheers kami para kay Gordon at sinimulang kumain. Habang kumakain ay walang tigil ang mommy ni Gordon sa pag puri kay Leila tungkol sa cooking skills nito at syempre ang babaeng linta naman feel na feel.
Aaminin kong nakatamdam ako ng insecurity pero hindi ako nagpahalata at tahimik lang kumain. Kung hindi sa paminsan minsan na pagkausap sa akin ni Gordon ay iisipin kong invisible ako sa kanila.

"So, Annette hija saan kayo nagkakilala ng anak ko?" Nag angat ako ng tingin ng magsalita ang daddy nya.

"Sir,ahhm-

"Malamang sa kabaret na pinagtatrabahunan nya, diba Annette?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang magsalita naman ang ama ni Leila na halatang may tama na ng alcohol.

"Kabaret? Gordon anung ibig sabihin nito" Halos pasigaw na tanong ni Mrs Buenavista na lumipad ang tingin sa akin. Nakahawak ito sa dibdib na mabilis namang nilapitan ng asawa. Dinig ko rin ang pagsinghap ng mga ito pati na rin ang nakakainsultong salita na tinuran ni Leila para sa akin
Bumuntong hininga ako at inipon ang lahat ng tapang sa dibdib ko. Wala silang karapatang insultuhin ako o kung sino mang may ganun uri ng trabaho dahil wala naman silang alam.

"Yes Mrs Buenavista, GRO ako dati sa club sa bayan may masama ba?" Hindi ko napigilan mahaluan ng sarkasmo sa
tono ng boses ko. Pansin ko rin naman kanina na hindi ako nito gusto mula ng ipakilala ako dito ng anak. Hindi nga ba't hindi man lang nito pinansin kanina ang nakalahad kong kamay dahil abala itong suriin ang babaeng ipinakilalang girlfriend ng anak?

"Wala kang karapatang bastususin ang asawa ko sa mismong pamamahay namin babae ka!" Malakas na sigaw ni Mr Buenavista sa direksyon ko.

"Hindi ko ho sya binabastos sir, masama bang magtanong kung may problema sa pagiging GRO? Kung tutuusin nga ako ang binastos ng asawa nyo!"

"Annette!" Sumigaw na rin si Gordon.
Hindi ako makapaniwalang tiningnan ito.

"What?" Pinanlakihan ko ito ng mata.
"Apologize to my mom." Utos nito sa akin.

"Gordon, paalisin mo ang GRO'ng yan sa pamamahay ko o baka gusto mong pati ikaw palayasin ko rin?" Matiim na utos dito ni Mr Buenavista.

"Yes dad, I'm sorry for her behavior, Ikaw na ang bahala kay mommy." Tumayo na ito at akmang hahawakan ako sa braso pero pinigilan ko ito.

Putangna! Ang sakit nito ha.
Pinalalabas ba nilang ako ang masama?
At ang lintek na lalaking ito, sinabi ba talaga nitong mag sorry ako sa mommy nya?
Oo, nag assume ako na ipagtatanggol nya ako pero masyado naman yata akong feeler.

"Don't touch me! Kaya kong lumabas ng palasyo nyong mag isa!" Mabilis akong tumayo at halos takbuhin ko ang daan palabas ng bahay nila dahil pakiramdam ko ay nauubusan ako ng hangin at hindi ako makahinga sa sobrang pananakit ng dibdib ko.

Lakad takbo ang ginawa ko pagkalabas ko ng gate nila.
Kung ayaw nila sa akin mas ayaw ko sa kanila.
Hindi ko napigilan ang pagbagsak ng luha ko. Kasi aaminin ko sa loob ng maikling panahon ay inamin ko na sa sarili kong mahal ko na sya pero hindi ko kailangan ang isang lalake na walang pinagkaiba kay papa.
Isang lalakeng sunod sunuran sa lahat ng sabihin ng magulang at hindi kayang ipaglaban ang taong mahal nya.
Para akong baliw sa huling takbo ng utak ko. Bakit mahal ba ako ni Gordon? Hindi ba't isa lang din naman ako sa mga babaeng pinaglalaruan nya?

"Annette!" Mula sa likod ko ay huminto ang sasakyan nito at bumaba ito.

"Leave me alone Gordon, hindi ko kailangan ng tuta!"

"Tuta? What the fvck Annette? Nabigla lang sila mommy at hindi mo sana ginatungan pa para hindi lumala!"

"At hayaan kong bastusin nila ako sa harap ninyong lahat lalo na sa harap ng Leila mo? No fucking way!" Diretso pa rin ako paglalakad at hindi ito nilingon.

Bwiset na buhay to!
Kung alam lang nila na Agustin ako, baka pati talampakan ko halikan nila pero nakilala nila ako bilang si Annette na GRO.

Sayang.

Umasa ako na kung magiging maganda ang takbo ng relasyon namin ni Gordon ay isasama ko ito sa San Martinez at ihaharap ko kay papa at makikiusap sana na itigil na ang kahibangang last will and testament ni lolo, pero nag iilusyon lang pala ako. Dahil ang lalaking ito ay hindi ako kayang ipaglaban. Masyado palang malayo ang itinakbo ng isip at ilusyon ko, at nag isip ako ng imposible.

"Annette, hindi tayo magkakaintindihan kung mainit ang ulo mo, get in the car ihahatid kita, mag usap tayo pag malamig na ang ulo mo." Parang sumusuko at kalmado na itong nagsalita.

"No! Umuwi ka na sa parents mo, maglalakad ako pauwi." Matigas kong sagot dito. Kung may isang ugali ang mga haciendera na meron ako, ay iyon ay ang pagiging stubborn. Naranasan ko naman kay papa na maging spoiled, lumayo lang ang loob ko dito nang malaman kong hindi ko tunay na ina si tita Cecil. Sixteen ako nang bumukod ako sa kanila at kasama ng yaya ko pero sa hacienda Agustin parin naman.

At mas lalong lumala iyon nang hindi sinasadya na narinig ko na pinag uusapan at kinakamusta ni daddy kay tita Cecil ang relasyon nito kay ate Alice na secretary nito na hindi naman nito itinanggi ng harapin ko sila. R@pe victim si tita Cecil na inilihim ng pamilya nito dahil daw sa magiging kahihiyan nito sa pamilya Elizalde. Si David ang naging bunga ng kasaklapang nangyari dito noon. Gusto kong maawa dito pero mas nanaig ang galit at sama ng loob ko sa kanila ni papa lalong  nang mamatay si lolo at pumayag sila ni papa sa last will and testament nito na pakasalan ko si David na stepbrother ko!
My arrogant, jerk,rude at lahat na yata ng maipipintas na ugali sa isang lalake ay nasa kanya na. 

Bumalik ang isip ko sa kasalykuyan ng naramdaman ko ang pag angat ko sa lupa at ihagis ako ni Gordon sa balikat nito.
Napatili ako at nagkakawag pero parang hindi ito apektado sa ginagawa ko.
"Ihahatid lang kita. Ako ang nagdala sayo dito at ako rin ang magbabalik sayo sa apartment mo Annette." Seryoso ang boses nito na nagbabantang tigilan ko na ang pakikipagtalo dahil hindi naman ako mananalo.

Pinabayaan ko ito dahil takot din naman akong mangyari uli sa akin ang nangyari noon.

Nakarating kami sa apartment ko na hindi nag iimikan.

"Annette.."

"Please, hindi porket nagpahatid ako sayo ay ibig sabihin non ay okay na ako sa pambabastos ng magulang mo sa akin. Makakaalis ka na Gordon." Pumasok ako agad sa loob bago pa man ito makasagot.

Mahirap kalaban ang pamilya lalo na at kitang kita ko kung gaano mo sila kamahal at importante sayo.

Tumulo ang luha ko na nauwi sa impit na hagulgol.

Goodbye Gordon.

__________
Thank you for reading!

Focus tayo sa title ng story sa mga next chapters.
Don't hate Gudo readers ha.

Vote.comment.fan

lovingly_yours007

05-30-2015

The Heiress GRO (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon