Kabanata 4

1K 33 0
                                    

Kabanata 4. I Talked

Pagkatapos kumain mga bandang hapon ay dito na namin naisipan ni Bren na mag-usap tungkol sa mga nangyari kagabi, kaso nga lang ay hindi ko talaga alam kung saan sisimulan dahil kanina niya pa ako inaasar.

Iyakin kasi talaga ako simula noon pa, ewan ko ba pero andali kong mapikon, mainis, at higit sa lahat maantig sa mga bagay na talagang nagbibigay ng magandang aura.

"Hindi tayo magsisimula hangga't may sipon ka pa rin sa mukha," inis niyang wika.

Napanguso ako, "Malamang may sipon, hindi naman iyan agad nawawala kapag tapos umiyak," sagot ko at dito siya nag-abot ng tubig.

"Kahit kailan parang hindi ka naman mabiro, sa totoo lang sinusuportahan naman talaga kita sa mga gusto mo. Pero kung ganiyan napapabayaan mo sarili mo parang gusto na kitang pigilan eh,"

"Paano mo naman nasabing pinababayaan ko ang sarili ko?"

Iniharap niya ako sa kaniya at tiningnan ako nang diretso, "Tuwing sabado nang gabi ay umaalis ka, didiretso ka dito umuwi halos hating-gabi na. Hindi mo ba alam kung anong epekto sa'yo ng lamig sa labas? Tapos ang dami mong pending works, puro ka dagdag ng chapters sa story na ginagawa mo kahit alam mong meron kang napapabayaan na gawain," paliwanag niya.

Napatingin naman ako sa ibang direksyon at dito nga ay kumuha ako ng kapirasong cake sa mesa, "Nagpapasa ako ng mga requirements on time, tsaka kailangan kong magdagdag ng chapters dahil sabi ng company ay mataas daw ang ratings nila dahil sa libro ko. Kahit kaunting copy lang ang naibahagi ko, malay mo magkaroon ng book 2 'yung gawa ko,"

Tumayo naman siya at pinatay ang TV, "Nagpapasa on time? Tigilan mo nga ako, Kevin. May iniwang note sa'kin ang professor mo at sinabing tatlong sunod-sunod na activities ay wala ka, major subjects pa! 'Yung totoo ano ba talagang nangyayari sa'yo?"

"Ano ba 'yan, 'yung totoo kaibigan ba talaga kita o nanay ko?" reklamo ko.

"Ang sinasabi ko lang ay okay lang na gawin mo 'yung mga bagay na nagpapasaya sa'yo, pero sana naman 'wag mong pinapabayaan ang sarili at pag-aaral mo. Hindi ba't gusto mo maging journalist o reporter balang araw?" sagot pa niya at dito nga ay napaisip ako.

Pinagmasdan ko ang sarili sa salamin at dito nga ay nakita ko na medyo stress nga ako kung titingnan, magulo ang buhok at mukhang kinulangan sa pagtulog.

"Pasensiya na, hindi ko rin talaga alam kung anong nangyayari sa'kin nitong mga nagdaan. Pakiramdam ko palagi ay mag-isa ako," nakayuko kong wika at dito naman siya tumabi sa'kin.

"Ano pa't nandito ako bilang kaibigan mo 'di ba? Ayos lang sa'kin na gawin mo 'yang mga nagpapasaya sa'yo, pero Kevin. Please, priorities," ang wika pa niya.

Totoo naman ang mga sinabi niya, siguro nga ay medyo napapabayaan ko na ang aking sarili nitong mga nakaraan. Medyo weird ako para sa mata ng iba... weird nga talaga ako.

Sino ba naman kasing taong lalabas ng gabi at hihiling sa isang balon at umaasang magkakatotoo ito, minsan iniisip ko na tanggapin nalang ang lahat.

Muli kong pinagmasdan ang aking libro, "Mr. Better Man, nasaan kana ba?" tanong ko sa sarili at dito ko binasa ang unang pahina ng aking akda.

- Quotes (Mr. Better Man)

Some people will ignore you when you need them, they don't know how hard for you to gain that energy for talking them. And when you couldn't control yourself from doing that, they don't even bother to care at all-

Hindi ko alam kung bakit madalas akong sumulat ng mga bagay na hindi ko naranasan, iniisip ko kasi palagi na ako at ang karakter ko ay magkaiba ng buhay.

Sa kwentong ginawa ko ay hindi ko naranasan na iwan ng isang kaibigan, swerte ako kay Bren kasi kilalang-kilala na niya ako. Kung minsan wala pa akong sinasabi ay alam na niya ang ibig kong sabihin.

- Page I (Mr. Better Man)

Ito na ang ikalimang eroplanong papel na ginawa ko at inabot ko sa kaniya, "Naranasan mo na bang lumipad?" tanong ko kay Selwyn habang nagtutupi siya ng papel.

"Literal ba iyan? Kung literal ang tanong mo, syempre ay hindi," natatawang sagot niya, "pero..." dagdag niya kaya napalingon ako.

"Kung hindi literal ang ibig mong sabihin, ang sasabihin ko ay oo, naranasan ko nang lumipad,"

"Talaga? Sa paanong paraan?" tanong ko at dito itinapat ang eroplanong papel sa hangin.

"Sa tuwing kausap kita..." palihim akong napangiti nang sabihin niya ang mga salitang iyon.

Tama, ganitong tunay na Selwyn ang minahal ko. Hindi 'yung bersyon niya na nasa panaginip ko kanina, sa ganitong paraan ko siya isinulat kaya sa ganitong paraan din siya dapat na magpatuloy.

Isang ngiti ang umukit sa aking labi nang mabasa ang ilang parte sa unang pahina, ito ang aking akda na kahit kailan ay hindi ko pinangalanan ang bida. Nais ko kasi na sa gano'ng paraan, sa bawat magbabasa ng aking gawa ay maramdaman nilang parang sila ang bida.

Medyo mahirap at magulo, pero sa oras na nabasa mo ang kabuuan ay dito mo mauunawaan ang lahat. Sa bawat pahina ay palagi akong naglalaan ng effort, maraming nakadiskubre ng aking gawa pero mas gugustuhin kong itago lang ito sa aking tabi.

"Kung totoong mag-exist si Selwyn, sa tingin mo ba magkakagusto siya sa'yo? Sa dinami-daming tao sa mundo, bakit ikaw pa ang pipiliin niya," ang tanong ni Bren kaya napakunot ang aking noo.

"Hindi mo naman mahuhulaan ang mga susunod na magaganap,"

"Alam ko, pero sure akong hindi nag-eexist si Selwyn at never mangyayari iyon," pang-aasar pa niya.

"Malamang, fictional character siya eh ano bang sinasabi mo,"

"Mismo! Kaya kung ako sa'yo tigilan mo na ang paghiling doon sa balon na maging totoo 'yang fictional character na pinapangarap mo,"

"Hindi lang naman iyon ang hinihiling ko sa balon," sagot ko at napataas ang kaniyang isang kilay, "hinihiling ko rin na sana naaalala pa ako ng mga magulang ko," sagot ko at dito na siya natahimik.

"Kevin..."

"Okay lang, Bren. Siguro dulot lang ito ng pag-iisa, pero salamat pa rin dahil nandito ka at hindi mo ako iniiwan," nakangiti kong sagot

No'ng mga sandaling iyon ay tila lalo akong naunawaan ni Bren, hindi niya na ako pinigilan na magpunta do'n sa balon. Pero kahit ako mismo, meron sa loob ko na gusto ko nang itigil dahil mahirap nga naman kapag binigay ng mundo ang mga bagay na nais mo.

Alam ko naman na kapag gusto mong makuha ang isang bagay ay dapat mo itong paghirapan, pero paano kung imposibleng makuha ang bagay na gusto ko? Madadaan pa ba iyon sa libo-libong pagsusumikap?

Madalas kong nakikita ang aking sarili na nakaharap sa salamin, tahimik at tanging isip lang ang siyang nagsisilbing komunikasyon sa aking repleksyon. Maraming bagay akong sinasabi sa sarili ko habang kausap ito, pero anumang payo ang sabihin ko dito ay parang wala namang talab.

May pagkakataon na ayaw ng isip ko pero gusto ng puso ko, para silang nagtatalo sa hindi malamang dahilan. Siguro nga kaya isa lang ang kaibigan ko ay dahil sa pagiging ganito ko, kumbaga hindi madaling maunawaan ang tulad ko.

© kopimakiyato

Tadhana Nga Naman (BXB) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon