Kabanata 30

423 17 1
                                    

Kabanata 30. I Pushed

Nakabalik na kami ni Selwyn sa dorm at dito namin natagpuan si Bren na naglilinis, tahimik lang ang nangibabaw kaya naman dumiretso ako sa kusina para tulungan si Bren.

"Tanghali na kayo nakabalik, saan naman kayo nanggaling?" tanong ni Bren pero hindi ako sumagot.

"Nag-usap lamang kami," sagot ni Selwyn kaya naman tumango ito.

"Bibili lamang ako ng pagkain na'tin sa labas, kayo na muna ang bahala dito." Agad na kinuha ni Bren ang kaniyang bag at umalis.

Totoo nga naiwan kami ni Selwyn pero pinagpatuloy ko na lamang ang aking ginagawa, hindi ako makatingin nang diretso kay Selwyn dahil ramdam ko pa rin ang hiya.

Hindi ko akalain na gano'n pala ang mga nangyari noon, tama ang desisyon ko na pakinggan siya pero ngayon ay hindi ako makalapit dahil pakiramdam ko ay wala akong mukhang maihaharap sa kaniya.

Ilang sandali pa habang naghuhugas ng pinggan ay dito ko naramdaman ang pagyakap ni Selwyn mula sa aking likuran, ang kaniyang dalawang kamay ay naramdaman ko payakap sa'kin.

"Kumusta, mahal ko?" ang bulong niya sabay kagat sa aking tenga.

Hindi ko siya maiwasang itulak pero malakas pa rin ang kaniyang kapit, "Naghuhugas ako ng pinggan,"

"Ayos lang, gusto mo tulungan na kita?" ang wika pa niya hanggang sa amoy-amuyin niya ako mula sa aking leeg patungo sa batok kaya hindi ko maiwasan ang makiliti, "Ang bango bango mo, kahit na pinagpawisan tayo sa byahe kanina ang bango mo pa rin," dagdag pa niya.

Hindi ko maiwasan ang manghina dahil sa boses niyang nakakaakit, dito ako humarap at diretsong tumingin sa kaniya.

"Lumayo ka sa'kin, baka nakakalimutan mong meron ka pang kasalanan?" ang wika ko sabay dukot ng cellphone sa bulsa.

Dito na naman parang tinusok ang aking puso matapos kong alalahanin ang nasaksihan ko kagabi, halos mapapikit pa ako nang magtungo ako sa gallery at dito hinarap sa kaniya ang larawan.

"Kung hindi ka manloloko, hindi mo gagawin ang ganitong bagay. Akala ko ba mahal mo ako? Pero nakikipaglampungan ka sa iba!" pasigaw kong sabi kaya nakaramdam siya ng gulat at pagtataka.

Kinuha niya ang cellphone at pinagmasdan ito, "Teka, Kev. Hindi naman ako ito," ang wika niya.

"Tapos ngayon itatanggi mo? Nahuli ko na ang kataksilan mo, ngayon may dahilan na ako para itulak ka palayo!" ang wika ko at dito iniwan siya sa kusina, masama ang loob kong pumunta sa sala at hindi na siya nagawang pansinin pa.

Pero nagawa niya pa ring humabol, "Pero Kevin, seryoso ako. Hindi naman ako ito, hayaan mong ipaliwanag ko," ang wika niya sabay hawak sa aking pero nagpumiglas ako.

"Lumayo ka sa'kin! Nakakadiri ka, ang baboy mo!"

Ngunit nagulat na lamang ako nang umupo siya at hatakin ako pakandong sa kaniya, "Selwyn ano ba! Bitawan mo mga ako!"

"Hindi ka aalis dito hangga't hindi mo naririnig ang paliwanag ko, huminahon ka nga. Alam mo namang ikaw na ang mahal ko magmula noon kaya paano ko magagawa ang ganitong bagay?" wika niya pa at dito niyakap niya muli ako at kinalikot ang edit button sa larawan na nakuha ko kagabi.

Tadhana Nga Naman (BXB) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon