Kabanata 27

354 17 1
                                    

Kabanata 27. He Betrayed

Namumugto ang aking mga mata nang ako ay magising, tila naging manhid na ako na kahit maalala ko pa ang kataksilang ginawa ni Selwyn ay wala na lamang sa'kin.

Gumising ako habang si Bren ay nakita kong natutulog sa kaniyang higaan, siya na rin siguro ang nag-ayos sa'kin dito sa kama. Nakahiga pa rin ako sa aking higaan, paglingon ko ay dito ko namalayan ang natutulog na si Selwyn sa aking tabi.

Napapikit ako, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko pero iniwasan ko na lamang siya. Ayoko namang magsimula ng away dahil umagang-umaga, kung iyon pagmamasdan ay para siyang maamong asong natutulog pero meron palang side ng kababuyan.

Bumangon ako sa aking higaan pero tulog na tulog pa rin siya, gayon pa man ay dumiretso ako sa kusina. Hindi ko lubos maisip kung ano pang mararamdaman ko, matapos ang kataksilang ginawa niya ay may gana pa siyang tumabi sa'kin?

Naghanda ako ng almusal, sa pagkakataong ito ay para lang sa'min ni Bren ang aking hinahanda. Wala na akong pake kung ano pang maging reaksyon ni Selwyn pero wala na siyang karapatan pang manatili dito.

Habang nagluluto ay binuksan ko ang amplifier, dito ko isinaksak ang aking cellphone. Sakto namang nagising si Bren kaya hindi ko na kailangan mag-alala kung magising ko man siya o ano.

Now Playing- Better Man (Taylor's Version) by Taylor Swift

Talagang nilagay ko sa repeat ang kanta, gusto kong magpaulit-ulit ito dahil sakto ang lyrics ng kanta sa nararamdaman ko ngayon.

I know I'm probably better off on my own
Than lovin' a man who didn't know what he had when he had it
And I see the permanent damage you did to me
Never again, I just wish I could forget when it was magic

I wish it wasn't 4AM, standing in the mirror
Saying to myself, "You know you had to do it"
I know the bravest thing I ever did was run

"Hindi mo ba hihinaan iyan? Baka magising mo si Selwyn," paalala ni Bren.

"Ano naman? Dapat lang na magising siya, tsaka oras na rin para mag-impake at lumayas siya dito,"

"Pero Kev, hindi niyo ba muna pag-uusapan? Baka naman kasi nagkaroon lang kayo ng misunderstanding?"

Hinarap ko si Bren, "Nakita ko siya kagabi doon sa parking lot, nakikipaghalikan sa isang lalaking hindi ko kilala. Tangina, kung babae 'yong kahalikan niya maiintindihan ko pa. Pero lalaki eh, kung saang meron akong laban Bren," mariing kong sagot.

Muli akong bumalik sa kusina at ang mukha ni Bren ay hindi makapaniwala, gano'n pa man ay sumunod siya sa'kin sa kusina.

"Kumain kana, para sa atin lang 'yan," walang ganang wika ko sabay lapag ng plato na may pritong tuyo at ham.

"Kev, nakakatakot ka ngayon. Easy kalang," anv wika pa ni Bren pero napangisi nalang ako.

But your jealousy, oh, I can hear it now
Talking down to me like I'd always be around
Push my love away like it was some kind of loaded gun
Oh, you never thought I'd run

Sometimes, in the middle of the night, I can feel you again
But I just miss you, and I just wish you were a better man
And I know why we had to say goodbye, like the back of my hand
But I just miss you, and I just wish you were a better man
A better man

Ilang saglit pa ay dito ko nakitang nagising si Selwyn, hindi ko siya pinansin at nagtuloy na lamang ako sa aking ginagawa. Patuloy lang akong kumakain habang si Bren ay nakayuko lamang, hindi niya alam kung ano ang mga susunod na mangyayari.

Malakas pa rin ang amplifier, talagang hindi ko pagbibigyan na makapagpaliwanag si Selwyn dahil kitang-kita na ang ebidensya na nagtaksil siya. Lalo na sa tuwing naaalala kong kinuhanan ko sila ng larawan kagabi.

"Nandito ka na pala, Kevin. Alam mo bang hinihintay kita kagabi," ang wika ni Selwyn pero hindi ko siya pinansin.

"Balak sana kitang puntahan doon sa trabaho mo kaso lang may nangyari, kaya ayun hinintay nalang kita," dagdag pa niya, hindi pa rin ako nagsalita.

"Kevin, kumusta ka-"

"Busog na ako, Bren. Ikaw na muna ang bahala dito sa pagkain, kung busog kana itapon mo o 'di kaya ipakain mo sa mga pusa sa labas," paalala ko kay Bren na noon ay tahimik lang din na kumakain.

"Kevin, saan ka pupunta?" tanong ni Selwyn pero kinuha ko ang aking bag at cellphone at lumabas habang pinapatugtog pa rin ang kantang Better Man (Taylor's Version).

Dito ko naman naramdaman na nakasunod sa'kin si Selwyn, hindi ko siya pinansin pero tuloy pa rin ako sa paglalakad hanggang sa makalabas na ako ng dorm.

Dito ko na narinig ang pagtawag sa'kin ni Selwyn, "Hintayin mo ako, saan ka ba pupunta? Tsaka bakit ayaw mo akong kausapin?" ang wika ko at dito nakarating sa bus stop habang siya ay nakasunod pa rin sa'kin.

Kapansin-pansin din ang paulit-ulit na pag-play ko ng kanta, hanggang sa makarating ako dito sa bus stop ay ito pa rin ang pinapatugtog ko. Hanggang sa maabutan niya ako at dito siya tumabi sa'kin.

"Hanggang kailan mo pakikinggan ang kantang iyan? Kanina mo pa 'yan inuulit," pormal niyang sabi kaya napangiti ako.

"Eh ikaw? Hanggang kailan mo ako lolokohin?" sarkastikong tanong ko at dito siya nabigla sa aking tanong.

"Ayos kalang ba mahal ko?" tanong niya na nagbigay ng kirot sa aking puso.

Hinarap ko siya at dito tingnan siya nang diretso sa mata, "Mahal? Baka nahihibang kana Selwyn, bakit? Kilala mo ba talaga kung sino ako?!"

"Mukhang pagod kalang, hindi ko maintindihan ang mga sinasabi mo ngayon,"

"Hindi maintindihan o baka naman mayroon kang tinatago na ayaw kong malaman?" inis ko pang sabi at dito hindi na siya makatingin nang diretso sa aking mga mata. Napayuko na lamang siya.

"Mahal, hindi ko talaga alam ang sinasabi mo," sagot niya kaya ngumisi ako.

"Hanggang ngayon itatanggi mo pa? 'Wag mo na akong gawing tanga, Selwyn."

"Umuwi na tayo, pakiusap,"

"Tayo? Uuwi? O baka ikaw? Mamaya ay mag-impake ka na, kasi ayoko nang makita 'yang pagmumukha mo." sagot ko at dito may humintong bus kaya agad akong sumakay.

Akma siyang susunod pero bahagya ko siyang tinulak para hindi siya makasunod, wala akong pake kung anong sasabihin ng ibang mga pasahero sa aking ginawa dahil wala rin naman akong pake sa kanila.

No'ng mga sandaling nagkaharap muli kaming dalawa ay do'n ko naramdaman ang sakit, nakapaloob doon ang pagsisisi dahil naniwala ako na nagkatotoo ang lahat ng aking hiling.

Hindi ako makapaniwala na ibinigay ko ang aking sarili sa isang taong hindi ko naman talaga lubusang kilala, mas masakit pa dahil pakiramdam ko ay binigay ko ang lahat!

Isa lamang ang aking sigurado, ang Selwyn na likha at isinulat ko sa libro ay malabong saktan ako nang ganito. Kaso nga lang, mananatili siyang kathang isip at mas tanggap ko iyon.

We might still be in love
If you were a better man
You would've been the one
If you were a better man

© kopimakiyato

Tadhana Nga Naman (BXB) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon