Kabanata 32

434 14 0
                                    

Kabanata 32. I Realized

Sa mga nagdaang araw ay natutuhan ko ring mahalin pa ang aking sarili, kuntento na ako sa kung anong meron ako sa piling ng taong mahal ko.

May mga bagay na ngayon ko lamang naiisip na sobrang swerte ko pala, kahit na maraming tao ang may ayaw sa akin noon ay hindi ko nalang sila pinansin dahil pinatawad ko na sila.

Nalaman ko na mas mahalaga pa rin ang magpatuloy kesa makinig sa mga negatibong komento nila, sa tulong ni Selwyn ay lalo kong nararamdaman na ligtas ako at wala nang ibang makapananakit pa ang aking damdamin.

Ramdam ko ang kaniyang pagmamahal sa tuwing siya ay malapit lalo na kapag binubuhos niya sa'kin ang pagmamahal niya sa pamamagitan ng yakap at halik at pagpapapaalala kung gaano siya nasasabik na gumising sa umaga na ako agad ang una niyang makikita.

Nakakatuwa kasi na-realize ko na humiling ako sa balon na wala naman talagang mahika o ano, pero pinagdasal ko noon at maaaring narinig ang aking panalangin kaya naman ang taong katabi ko ngayon ang siyang nagbibigay sa'kin ng walang kapantay na pagmamahal. Sa madaling sabi, siya ang sagot sa aking panalangin at palagi niyang ipinapaalala na gano'n din ako sa kaniya.

Natagpuan ko ang aking sariling tumitingin sa aking social media matapos kong i-post ang larawan namin ni Selwyn. Dito ay halo-halong reaksyon ang palagi kong natatanggap, maraming nag-heart at meron mga nag-angry.

"Bakit naman ganiyan? Dati nilalait lang 'to sa school ah? Sana pala nagpalait nalang ako para may ganiyan akong jowang gwapo!"

"Ayaw ko sa'yo dati kasi naiinis ako, ang chaka mo kasi at isang weirdo. Anyway, I'm happy for you. Pero gusto kong agawin ang boyfriend mo, char!"

"Ito na ba si Kevin? Grabe instant glow-up! Iba talaga kapag nasa tamang tao na!"

"Hoy, tigilan niyo nga ang kaibigan ko. Kung wala kayong ibang magandang sasabihin ay lumayas kayo dito sa comment section!" ang comment ni Bren kaya naman napangiti ako, pinindot ko naman ang heart react button.

Dito lumapit sa'kin si Selwyn at marahan akong iniharap sa kaniya, nakanguso ako dahil naiinis ako sa ibang mga comments.

"You should never look down on yourself, your feelings are always valid whatever people will be going to say. They are in no position to judge you, in short, mahal kita,"

"Wait, WHAT-"

"Shhh, 'wag kang kiligin," sagot niya sabay takip sa aking labi ng kaniyang daliri.

Ilang sandali pa ay mag nag-pop up na comment, "Ganda ng ngiti mo d'yan ah, congrats kasi natagpuan mo na ang para sa'yo," ang comment ni Xian kaya naman kumunot ang noo ni Selwyn.

"Teka, anong ginagawa mo?" tanong ko nang agawin niya sa'kin ang cellphone.

"Ide-delete ko ang comment niya, wala naman siya mabuting dulot dito!" inis niya sabi pero natawa na lamang ako, hinayaan ko nalang siya sa kaniyang ginawa at dito ko nakita na pinindot niya pa ang unfriend button kay Xian kaya napailing na lamang ako at natawa.

No'ng mga sandaling iyon ay nagkaroon pa kami ng asaran, dahil sa pagdating ni Selwyn sa buhay ko ay nagkaroon ako ng inspirasyon para ipagpatuloy ang madalas kong gawin. Ang pagsulat ng mga tula, kwento, at nobela.

Masaya ako dahil unti-unti na rin akong nakikilala sa larangan ng pagsulat, dumadami rin ang followers ko kaya naman napag-alaman ko na madami palang humahanga sa akin.

Dito ko nakita ang mga positibo ng iba, maraming natutuwa kasi meron daw pala talagang totoong Selwyn Figueroa. Maraming nagsasabi na sana magkaroon din daw sila, pero ang sabi ko ay nag-iisa lamang siya. Kung meron mang ibang Selwyn, malamang ay nasa libro niya.

Tadhana Nga Naman (BXB) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon