Kabanata 16

491 21 8
                                    

Kabanata 16. He Danced

Nanatili muna kami dito sa dorm habang naghahanap ng mga posibleng sagot, sinabi ko kay Selwyn na kasalukuyang hinahanap ni Bren kung saan ang lokasyon ng kaniyang tirahan para hindi naman siys mag-alala kahit na wala naman talaga kaming makita.

"Hindi ko maintindihan, pero may kamukha ka talaga. Hindi ko rin maalala kung sino," ang wika ni Selwyn habang diretsong nakatingin sa'kin.

"Paano mo naman nasabi? Ngayon palang tayo nagkita, siguro nakita mo lang siya sa panaginip mo noon?"

"Hindi rin eh, ang alam ko ay nakasama ko na siya. Mabait din siya katulad mo, Kevin. Hindi ko lang masabi ang inyong pagkakaiba," sagot niya pa.

Hindi ko maiwasan ang tingnan nang diretso si Selwyn, sadyang napaka-perpekto niya magmula ulo hanggang paa. Ang kaniyang tinding, maging ang kaniyang pagtitig. Parang gusto ko na lamang siya yakapin at h'wag nang pakawalan pa, pero hindi pwede at sa tingin ko ay hindi tama.

Pinaalalahanan namin siya ni Bren na sa oras na makahanap kami ng impormasyon ay sasabihan namin siya agad, sa ngayon ay napapayag ko ang aking kaibigan na dito muna siya tumuloy habang wala pa naman kaming balita patungkol sa pinanggalingan niya.

Ilang sandali pa ay binuksan ni Bren ang radyo para naman hindi kami makaramdam ng pagkabagot, ilang saglit lang ay nakita kong tumayo si Selwyn at lumapit sa'kin. Diretso niya akong tiningnan sa aking mga mata.

Now Playing: Sa Isang Sulyap Mo by 1:43

Bakit kapag tumitingin ka natutunaw ako
Bakit kapag lumalapit ka kumakabog ang puso ko
Bakit kapag nandito ka sumasaya araw ko
Lahat ng bagay sa mundo parang walang gulo

"Teka, anong ginagawa mo?" tanong ko.

"Halika, sumayaw tayong dalawa," ang nakangiting wika niya.

"Pero bakit? As in dito talaga?"

"Oo naman, malawak naman ang inyong sala. Wala naman sigurong kaso, madalas kasi namin gawin ito ng aking kasintahan kaya gusto ko lang din gawin sa iyo." Nang sabihin niya iyon ay dito ko natandaan ang mga naganap sa pahina na iyon, dito ko muli kong natandaan ang aking mga sinulat.

- Page V (Mr. Better Man)

"Nais mo bang sumayaw kasama ako? Alam kong maraming pagkakataon, pero gusto kong sulitin na'tin kahit ang oras ngayon," ang wika ni Selwyn sabay hawak sa aking kamay.

Hindi agad ako nakasagot, hinayaan ko lamang siya na alalayan ako dahil hindi naman ako marunong sumayaw. Pero kung para sa kaniya, kaya ko namang gawan ng paraan.

Bumalik ako sa aking ulirat at dito ko napansing kanina pa pala ako tinatawag ni Selwyn, "Ano nga ulit iyon?" tanong ko.

"Ang tanong ko ay kung nais mo bang sumayaw kasama ako? Gusto ko kasing sulitin na'tin ang oras bilang tanda ng pasasalamat ko sa'yo," ang tanong niya at dito marahang hinawakan niya ang aking kamay. "Ang lambot, kasing lambot ng mga kamay niya," nakangiting wika pa niya.

Sa isang sulyap mo ay nabihag ako para bang himala ang lahat ng ito
Sa isang sulyap mo nabighani ako nabalot ng pag-asa ang puso
Sa isang sulyap mo nalaman ang totoo ang sarap mabuhay punung-puno ng kulay
Sa isang sulyap mo ayos na ako sa isang sulyap mo napa-ibig ako

"Pero Selwyn, hindi mo naman kailangan gawin ang mga ganitong bagay dahil gusto mong magpasalamat,"

"Hindi nga kailangan, pero iyon ang gusto ko," ilang sandali pa ay nilagay niya sa bandang likuran ang kaniyang kamay, nilapit niya pa ako sa kaniya payakap kaya naman naramdaman ko ang bilis ng tibok ng aking puso.

Muli kong sinulyapan ang kaniyang mga mata at dito hindi ko maiwasan ang mamangha at mapatitig dito, sa mga oras na ito ay kapwa kaming nagsasayaw sa sala na parang kami lamang dalawa.

"Sundan mo lang ang kilos ko, hindi mo naman matatapakan ang paa ko kapag tama ang mga galaw mo," paalala pa niya, napatingin ako sa baba pero pinigilan niya ako. "Hindi mo kailangan tumingin sa ibaba, tumingin ka lamang sa'kin at sabayan mo ang musika," nang sabihin niya iyon ay dito ko lalong naramdaman ang saya at kaniyang pag-aalaga.

Ganitong-ganito ang senaryong isinulat ko sa aking libro, hindi ako makapaniwala na ngayon ko na ito nararanasan kasama ng isang taong matagal nang tumatakbo sa aking isip at ang laman ng aking puso.

"Selwyn," pagtawag ko dahil napatingin siya sa ibang direksyon, patuloy pa rin kami sa pagsayaw.

"Ang boses mo sa tuwing tinatawag ang pangalan ko ay sobrang sarap sa aking pandinig, hindi ko tuloy lubos maisip kung kilala mo ba ang aking kasintahan,"

"Sa tingin mo ba ay naghihintay siya doon sa tagpuan ninyo?"

"Siguro, pero paniguradong umuwi na rin siya sa tahanan nila. Handa naman akong magpaliwanag sa oras na itanong niya kung nasaan ako,"

"Pero bakit nagagawa mong makipagsayaw sa'kin kahit na alam mong may kasintahan ka?" nang itanong ko iyon huminto kami nang panandalian.

Dito ko naman napansin na bahagya siyang natawa, "Patawad, pero wala namang ibang dahilan itong pagsasayaw na'tin. Tanda lamang talaga ito ng aking pasasalamat, at isa pa ay maganda sa katawan ang pagsasayaw alam mo ba iyon?" ang sagot niya at dito ako napatulala. Ibang klase, sa kung paanong paraan ko isinulat si Selwyn ay gano'n talaga ang pinapakita niya.

"Oo nga... pasensiya na, naitanong ko lang naman," nahihiyang sagot ko at dito muli niyang kinuha ang aking kamay at inilagay sa kaniyang balikat.

"Pero kung gusto mong gawin ito kasama ako, tawagin mo lamang ang aking pangalan," sagot pa niya at dito nga ay palihim akong napangiti.

Bakit kapag kasama kita ang mundo ko'y nag-iiba
Bakit kapag kapiling kita ang puso ko'y sumusigla
Bakit kapag nandito ka problema ko'y nabubura

Ikaw ang aking pag-asa at ang tanging ligaya
Sa isang sulyap mo ay nabihag ako para bang himala ang lahat ng ito
Sa isang sulyap mo nabighani ako nabalot ng pag-asa ang puso
Sa isang sulyap mo nalaman ang totoo ang sarap mabuhay punung-puno ng kulay
Sa isang sulyap mo ayos na ako sa isang sulyap mo napa-ibig ako

Patuloy lamang kami sa pagsasayaw, hindi ko na halos maramdaman ang aking paligid dahil ang kaniyang pagtingin ay tila isang hipnotismo na nagagawa akong kontrolin. Tila ayaw ko nang matapos ang ganitong tagpo, kung pwede lang na manatili kami sa ganito ay gagawin ko.

Pero naisip ko na kahit ako ang may likha ng libro, pakiramdam ko ay wala akong karapatan na baguhin ito base lang sa kagustuhan kong maging masaya.

Nalulungkot ako sa tuwing iisipin ko na ilang beses kong hiniling ang bagay na ito, pero pakiramdam ko ay mawawala rin ito nang gano'n kabilis.

© kopimakiyato

Tadhana Nga Naman (BXB) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon