Kabanata 21

400 19 1
                                    

Kabanata 21. He Looked

Kinabukasan, nagising ako habang kayakap si Selwyn sa aking tabi. Dito ko napansin na kapwa kami nakahiga sa aking higaan, hindi ko tuloy alam kung pumasok na si Bren dahil wala naman akong maramdaman.

Bumangon ako at dito ko nakitang alas-9 na nang umaga! Dali-dali akong bumangon at dito naalimpungatan si Selwyn na tila nagising ko siya, nagulat na lamang ako nang hawakan niya ako sa aking kamay.

"Saan ka pupunta?" ang inaantok niyang tanong.

"Selwyn, late na ako sa klase ko!" ang natatarantang wika ko.

Lumingon naman siya sa orasan, "Sige, tutulungan na kitang maghanda. Ako na ang bahala sa almusal mo,"

"Hindi na-"

"Shhh, 'wag nang tumanggi mahal ko," nakapikit niya pang sabi habang nakalagay ang hintuturo sa aking labi.

Napangisi naman ako kaya kinagat ko ito, "Aray! Bakit mo naman ginawa iyon?"

"Kung inaantok kapa 'wag mo nang pilitin pang bumangon, matulog ka nalang d'yan." Nang sabihin ko iyon ay dito siya dumilat at inilapit ang kaniyang mukha sa'kin.

Dito ay pinaulanan niya ako ng halik kung saan-saang parte ng aking mukha kaya naman hindi ko maiwasan ang makiliti, "Selwyn, sandali lang late na ako talaga," ang pagpigil ko.

"Isang kiss nalang, please," pakiusap niya na parang maamong tuta kaya naman pinagbigyan ko ito. "Tsk, sarap!" sagot niya at dito na rin siya bumangon sa higaan kasabay ko.

Para kaming mag-asawa na nakatira sa iisang bubong no'ng mga sandaling iyon, kahit na late na ako ay hindi ko pa rin maiwasang mapangiti lalo na't hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na kasama ko na ang taong mahal ko.

Nagtungo ako sa banyo pero tinawag ako ni Selwyn, "Gusto mo bang sabay na tayo? Mas makakatipid ka sa tubig kapag gano'n," tanong niya kaya napatingin ako sa ibang direksyon.

"Sira! Ano bang sinasabi mo?" kunwaring inis kong tanong pero dito ko lang nakita ang nakakalokong ngiti niya na lalong nagbigay sa kaniya ng kagwapuhan.

Pumasok na ako sa banyo at dito ko muling inalala ang mainit naming tagpo kagabi, hindi talaga ito mawala sa isip ko na tila napanaginipan ko pa yata kagabi.

"Kevin," sa muling beses ay tinawag niya ako sa aking pangalan, sinara ko naman ang gripo para madinig ang sunod niyang sasabihin. "Iyan pala ang pangalan mo, sadyang napakaganda at sobrang sarap sa pandinig," ang wika niya kaya napangiti ako.

"Sobrang ganda rin ng pangalan mo, bagay na bagay tayo," ang biro ko.

"Tsk, 'wag mo naman akong banatan nang ganiyan. Baka mabaliw ako at tirahin ulit kita,"

"Hoy! A-ano bang sinasabi mo..." ang nahihiya kong sabi at dito muling binuksan ang gripo tsaka ko sinimulan ang pagligo.

Hindi ko na siya pinansin bagama't hindi ko nga maintindihan ang kakaibang saya na aking nararamdaman, para bang ano mang oras ay gusto kong masilayan muli ang kaniyang mukha at mayakap siya.

Tinuloy ko ang pagligo kaya naman nang matapos ako ay agad din akong lumabas, tanging tuwalya lamang ang aking saplot kaya naman dito ko nakita si Selwyn na naghahain sa mesa.

Tumingin siya sa'kin at dito niya pinagmasdan ang aking katawan, nakatitig lamang siya dito na para bang pinag-aaralan ang aking kabuuan. Napayuko naman ako at medyo nakaramdam ng hiya, "Ah, Selwyn. Ano kasi..."

"Naiintindihan ko," nakangiting wika niya at dito na siya tumalikod. "Ihahatid na kita doon sa school ninyo,"

"Kahit 'wag na, kaya ko namang pumasok mag-isa," ang wika ko habang nagbibihis.

"Pero gusto kitang samahan, gusto kong makita kung saan ka nag-aaral para alam ko rin kung saan kita susunduin mamaya," sagot niya.

Napakamot na lamang ako sa aking ulo, "Sigurado ka ba? Ayoko kasing masayang ang oras mo,"

"Tss, bakit naman masasayang ang aking oras? Kasama ko ang taong mahal ko, baka mamaya kung sino pa umaligid sa'yo at agawin ka nalang sa'kin bigla," sagot niya kaya natawa ako.

"Walang magtatangka, Selwyn,"

"Dapat lang, kung ganito kagwapo ang kasintahan mo 'wag na nilang balakin pa," pagmamalaki niya pero natawa nalang ako, totoo naman kasing gwapo siya.

No'ng mga sandaling iyon ay hindi ko na inisip ang oras, basta ba makasama ko siya habang ako ay nag-aalmusal ay ayos na sa'kin. Absent na ako sa unang subject, mabuti na lamang ay break time ang kasunod no'n kaya may oras pa ako para pumasok.

Nagdaan pa ang isang oras ngayon ay kasama ko si Selwyn habang naglalakad kami sa entrance ng school, dito ko napansin ang mga tingin ng mga estudyante sa aking direksyon.

Hindi ko na sila pinansin bagama't ang kanilang mga bulungan ay naririnig naman, dito ko nakitang diretso lang ang tingin ni Selwyn habang nakahawak sa aking kamay.

"Look guys, si Kevin ba 'yan? Infairness, he doesn't look weirdo na ha. Tsaka sino 'yang kasama niya? He's freaking hot," ang bulong ng isang babae.

"I know right, look at the face like sobrang perfect grabe! Tsaka what's with the holding hands? Don't tell me boyfriend niya 'yan?"

"Huh, there's no way na magiging boyfriend niya 'yan. He may have the improvements, pero never siya magkakaroon ng ganiyan ka-gwapong boyfriend!" napalakas ang wika ng isang babae sa gilid kaya naman huminto si Selwyn.

Humarap siya at marahang lumapit sa babae.

"Look girls, feel ko napansin niya ang ganda ko,"

Ngunit tiningnan lamang siya ni Selwyn nang seryoso, "Tama ka, siya ang kasintahan ko. Kaya kung balak niyo magsabi sa kaniya nang hindi maganda, itigil niyo 'yan dahil sinisira niyo ang umaga ko," mariing wika niya at dito niya iniwang nakanganga ang babae, habang ako naman ay muling hinawakan ni Selwyn sa kamay at nagpatuloy kami sa paglalakad.

What in the watty word is this, grabeee!

"Selwyn, kapag may mga gano'n kang naririnig 'wag mo nalang silang pansinin. Wala rin naman silang alam tungkol sa'kin eh," ang mahinang sabi ko.

"Hindi pwedeng gano'n, bakit ko naman hahayaang bastusin nila ang taong mahalaga sa buhay ko. Sino ba sila?" nakangising sagot niya.

Ngumiti na lamang ako, ito talaga ang bersyon na isinulat ko sa orihinal kong libro. Hindi ako makapaniwala na nangyayari sa aking ang lahat ng ito ngayon.

Gayon pa man ay hinatid niya talaga ako sa building dahil nagpupumilit siya, pinaalalahanan ko rin siya na bumalik sa dorm para naman hindi siya mainip. Sumang-ayon naman siya kaya naman nakangiti akong nagpaalam para dumiretso na sa aking klase.

© kopimakiyato

Tadhana Nga Naman (BXB) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon