CHAPTER 5
"MOMMA?" NAPAIGTAD SI HIRA nang tawagin siya ng anak kaya napatikhim siya at umayos ng tayo.
She's asking for her father. Ano ang gagawin ko? Maagap niyang tanong sa utak.
At sa kalagitnaan ng pag-iisip niya ay bigla na namang sumabat si Zeus sa likod niya.
"Hira. I'm asking, sino ang bibigyan mo ng pasalubong?"
Napalunok siya.
"Momma, are you there?"
Pinikit niya ang mata para pakalmahin ang sarili. Huminga siya ng malalim at mas lalong hinigpitan ang hawak niya sa phone.
"Ocean, you know it's hard to bring your daddy there. But I'll try my best, okay? From now, give the phone to your Chicha Andy and we'll just talk." Marahan ang boses ni Hira na inutos niya sa bata iyon na kaagad namang pumayag ang bata.
Nakarinig siya ng kaloskus, hudyat na naipasa na iyong phone. Pero narinig niya pa ang boses ng anak.
"Chicha, tell me later what Momma said, hmm?" Pabulong iyon na sinabi ng anak na ikinangiti niya. Sobrang kulit.
"Hello, hija?" Boses na ng Tita Andy niya.
Bumuga siya ng hangin at mariin na pumikit bago humarap sa likod niya kung saan andun parin nakatayo ang lalaking salubong na ang kilay.
"Wait, Tita." Paalam niya mula sa tiyahin bago tinakpan ang speaker ng phone at saka niya tiningnan si Zeus.
"Can you wait me outside? May kakausapin lang ako." Wala namang sinagot si Zeus na tumango lang saka bumuga pa ng hangin bago siya nilampasan patungong pinto. Nang masigurong wala na ito sa pinto ay lumunok siya at tumikhim bago niya inalis ang pagkakatakip ng phone.
"Tita, andito na siya." Bigong-bigo na sabi niya sa tiyahin at nanghihinang umupo sa malapit ma couch.
Rinig niya ang singhap sa kabilang linya kaya alam niyang nagulat ito sa malaman.
"What? Did he know you? May sinumbat ba siya? Ano?" Sunod na tanong nito na ikinailing niya at namomroblemang napasandal sa headrest ng sofa.
"Hindi. Hindi naman niya ako napansin non e. At pareho rin kaming lasing. I was the only one who knows him. Siya hindi niya ako kilala at nakilala. Pero may isang problema lang ako, Tita." Mahinang sabi niya.
"What is it?" Tanong naman nito.
"I know he heard me talking to my daughter earlier. Nasa sink siya nang makausap ko si Ocean, so, hindi malabong hindi niya narinig iyon pagkatapos. And when my Ocean ask for a pasalubong, sumabat siya. And he is waiting for me outside, so, mag-uusap kami mamaya." Paliwanag niya sa tiyahin.
"What the hell, Hira. That guy is a stranger! Bakit mo siya pinapasok sa room niyo?! And also, his a guy! Babae ka! Are you even thinking!?" Bulyaw ng Tita niya sa kaniya.
Naisip niya iyon. Pero wala sa pakiramdam niya na iba ang lalaki sa kaniya kagaya ng dati. He is the father of her daughter. He is not a stranger anymore.
"Tita, pinigilan ko siya, sinabihan. But he is tough. He is.. he is—"
"Is it? Or you are just feeling fragile again?" Nainsulto siya sa sinabi ng tiyahin pero alam niyang nag-aalala lang ito sa kaniya kaya hinayaan niya ang nararamdaman.
She let her sobs came out. Naninikip din ang dibdib niya at patuloy na humahapdi ang puso niya.
"I'm sorry.." Suminok siya. "I am just thinking my daughter's feeling. Wala namang masama sa ginawa ko kasi ama naman siya ng anak ko. He is not a stranger at all. Ako pa nga ang may kasalanan sa kaniya. I hide her from her father. At masakit dahil hinahanap na niya ito. How can I even reject my only ocean, Tita?"
Bumuga ng hangin ang tiyahin niya kaya napapunas siya ng luha. "Okay. Ako na ang bahala na magpaliwanag sa anak mo, Hira. But remember this. Ayusin mo ang sarili mo dahil sa oras na hindi tanggapin ng lalaking iyan ang apo ko. Ilalayo ko kayo sa lalaking iyan. Tandaan mo iyan." At naputol na ang tawag kaya napaiyak siya lalo at isinubsob siya mukha ang cellphone na hawak.
She don't want that to happen. Ayaw niyang masaktan ang anak sa oras na makilala niya ang ama nito. Kahit siya ay hindi din sigurado sa mararamdaman ni Zeus kapag nalaman niya ang totoo. And it's hurts her ego.
Siya ang may kasalanan sa lahat ng nangyare sa buhay niya. She drunk herself out and let other man pull her. Siya ang nagdala sa sarili niya sa kadiliman so she must do the right thing for her daughter.
Ilang minuto din siyang umiyak at nang nahimasmasan ay siyang pagtanda niya na may naghihintay pala sa kaniya sa labas.
Shit!
Baka umalis na naman iyon dahil sa sobrang tagal niya. She is sitting there in minutes so she know that na nainip na ang lalaking iyon sa kakahintay sa kaniya.
Halos patakbo siyang pumunta sa sink at naghilamos bago nagmugmug. Nang matapos ay agad niyang tinakbo ang pagitan ng pinto.
At nang makalabas siya ay natigilan siya nang makita ang lalaking naka-itim ng polo at prenteng nakatayo na nakasandal sa pader at nakapamulsa pa.
At tumuwid ito ng tayo nang makalingon na ito sa kaniya.
"Hey... tapos na?" Nakataas ang noo nitong tanong sa kaniya.
"Akala ko hindi na kita maabutan. Kasi baka nainip ka kakahintay at umalis agad." Mahinang usal niya at narinig iyon ng lalaki.
"You taught me how to wait, right?" Nakangisi nitong sabi.
Napangiti naman siya sa kaloob-looban at simpleng napayuko at umangat naman para titigan muli ang berdeng mata ng lalaki.
"Ah, about earlier. Ano nga iyong tinanong mo?"
"About what?" Naguguluhan nitong tanong pabalik sa kaniya. Pero kita niya sa mata nito ang ngisi na tila nagmama-ang maangan lang.
Umirap siya at nagpadyak na bumuntong hininga. "You know what I'm talking about, Zeus."
And Zeus chuckled like something is funny. "Okay. Forget it. Alam ko naman na private iyon pero may isang tanong lang ako, unlike earlier."
Napatuwid siya. "Ano?"
Sumeryoso kaagad ang itsura ng lalaki.
"Do you have a husband now?" Matigas nitong tanong sa kaniya habang naka-deritso ang titig nito sa mata niya.
She expected him to asked that.
Tumambol ang puso niya at agad napalunok. But a side of her wants to laugh sarcastically dahil sa tinanong nito. Husband? Lumasa ang pait sa laluman niya.
Ngumiti siya ng pilit dito at alam niyang hindi umabot sa mata iyon.
She shake her head.
"I don't have." Kasi hindi mo pa alam ang totoo. Her side of head wants to continue that pero pinigilan niya.Kita niya ang pag-abot ng makapal na kilay ni Zeus.
"What? Then, you're a single mother?"
She gasped. So, he noticed it!
"W-what?" Napatigalgal siya. She didn't expect that!
He looked away. "Do you have a daughter, do you?" Tanong nito habang wala sa kaniya ang tingin nito.
She frozed. Nawalan siya ng lakas dahil sa hinala nito. So, he knows! He knows that she have a daughter!
Nanginginig siyang tumango-tango at agad nag-iwas ng tingin.
"Y-yeah. I do have."
"So, I'm right? Well," Tumikhim ito at tiningnan siya ng mariin na ikinangatong ng tuhod. He's so damn serious!
Nakatingin lamang siya dito at nag-iintay na ipagpatuloy ang sasabihin.
"Sino ang ama?" Tanong nito na nagpakaba sa kaniya.
She can't answer that dahil kapag sinabi niya, baka mabigla ito kaya kahit wala na siya sa sarili niya ay tumalikod siya at tumakbo papasok sa room.
She's so damn nervous!
#Revealnaba?
YOU ARE READING
ONSS2: One Night Stand With a Stranger [ON-HOLD]
General FictionAttending a party is a mistake.Hira Gomos always remind herself to move on what happened that night. A Stranger took her innocence in the party and she's blaming herself for being a bullheaded. She's drunk and out of herself so she ended up making o...