CHAPTER 1
NAPATINGIN SI HIRA kay Bena at sabay na napahagikhik ng makita niya si Amara na sobrang asim ng mukha na nakatingin sa kawalan habang titig na titig dito si Sir Liam.
May LQ siguro 'to..
Napailing siya sa isip niya.Ilang taon din bago sila nagkasama ulit ni Amara at nasa iisang building din sila na pinagtratrabahuan. At ang huli ding pagsasama ay nung tatlong taon na ang nakalipas.
Na matagal ko nang binaon sa limot ang nangyare nung taong iyon. Usal niya sa isip.
Napamura na naman siya ng sumagi na naman sa isip niya ang estrangherong kumuha ng pagkababae niya.
Pumikit siya at nakita niya doon ang mukha ng lalaking estrangherong iyon.
Ang makinis nitong mukha, ang mahahaba nitong pilik-mata. Ang salubong nitong kilay at ang matangos nitong ilong. At lalo na ang mapupula nitong labi na ilang araw din niyang hindi makalimutan.
Pinukpok niya ang ulo at ilang beses na napailing.
Bakit niya ba ito naiisip?
Tatlong taon na ang nakalipas simula nang iwan niya itong natutulog sa isang kwarto ng bar na iyon. At nagpapasalamat siya na hindi na niya ito muling nakita dahil siguradong mababaliw siya nito.
Hindi niya alam kung kilala ba siya nito. Kasi lasing sila nang mangyare iyon.
Napamura siya ulit.
Pwedeng tama na, Hira? Maawa ka naman sa sarili mo. Tatlong taon na, oh?
Pinagpatuloy niya ang pagsusunblock sa binti niya at kalaunan ay napa-angat din ng tingin dahil sa nag-uusap na love birds.
"I'm sorry, hindi na kita hinintay sa labas. Nabagot kasi ako e." Sabi ni Sir Liam sa mababang boses. Nakalapit na pala ito sa kaibigan niya na hindi man niya napansin.
"A-ahh.." Kitang-kita ang pamumula ni Amara dahil sa sobrang lapit nila sa isa't isa.
"You look so beautiful in your two piece. But it makes me pissed off dahil makukuha mo ang atensiyon ng mga lalaki. You know I can't share what's mine. Right, my fiance?" Tanong nito sa kaibigan na nakatanga at wala rin sa sariling napatango.
Pero kaagad din siyang sinita ni Sir Liam. "Don't just nod, hon. Say it."
"I-im yours, h-hon."
Hindi na niya nalang tinuon ang atensyon sa dalawa at pinagpatuloy na lang ang pagsusunblock sa hita at braso.
Sobrang init ng araw at ayokong masira ang beauty ko dahil maghahanap pa ako ng papi. Napahagikhik naman siya sa naisip. Kailan ba nga siya naging maharot sa buhay? Simula noong naging mag-isa nalang siya sa buhay at kumakayod sa kaisa-isang importante tao sa buhay niya.
Napabuntong hininga siya at kinuha ang coke na nasa harapan niyang lamesa at uminom doon dahil bigla siyang nauhaw.
"Hey! Zeus, here!"
Napa-angat ng tingin si Hira sa harapan niya ng marinig niya ang pagsigaw ni Sir Liam.
Nangunot ang noo niya dahil sa isang pamilyar na lalaki ang natanaw niya sa di kalayuan. Alam niyang ito ang tinatawag ni Sir Liam na Zeus dahil nakangiti ito at kahit naka-shades ay kita niya na dito ang tingin nito dahil papalapit na ito sa kubo.
At habang papalapit ito sa deriksyon nila ay siyang paghina ng lakas niya sa buong katawan.
Para siyang nawalan ng hangin sa buong katawan at binuhusan ng isang baldeng tubig.
Isang maputing lalaking baka itim na polo, kahit sa malayo ay matatanaw mo ang kakinisan sa balat nito ang tangos nito sa ilong.
Pinanlamigan siya sa noo at singit. Hindi niya alam ang gagawin niya. Lalo na ng makapasok na ito sa kubo ay hindi niya talaga ito inalisan ng tingin.
Kahit naka-shades pa ito ay alam niyang ito iyon.
Ito ang lalaking kumuha ng birhen niya at umangkin sa kaniya, tatlong taon na ang nakalipas.
"Hinay hinay sa pagiging possessive, man." Kahit sa salita nito ah sobrang pamilyar sa kaniya. Hindi talaga siya nagkamali.
Nanginig naman ang kamay niya ng tanggalin nito ang shades niya. Nag-slowmo lahat ng nasa paligid niya ng makita niya ang pagtawa nito habang tinatanggal ang shades.
Isang estrangherong pakiramdaman ang bumalot sa buong katawan na siyang ikinatibok ng puso niya ng mabilis.
"Zeus Fuentes, my lady." Baritono ang boses nitong pakilala sa kaibigan habang hindi mawala ang ngiti nito sa mga labi.
Pinikit niya ang mga mata at parang hindi na siya mapakali sa upuan.
Naiilang siya kahit wala pa ito itong ginagawa! Nae-stress siya kahit wala namang nangyayare!
Ano ba ang nangyayare sa kaniya? Bakit sobrang lakas ng tibok ng puso niya?
At isang malakas at matinis na pagkabasag ang pumukaw sa naguguluhan niyang isip at gulat na napatingin sa mga matang gulat ding nakatingin sa kaniya. Agad siyang tumalima at yumuko para pulutin ang nabasag na bote pero agad din siyang napahinto nang may nasagi siyang isang matalim na bubog na bumaon sa kamay niya na ikinasagad sa buto niya.
"Aray!" Hindi na niya mapigilang mapadaing dahil sa sakit na bumalatay sa kamay niya. At alam niyang namumutla na siya ngayon.
"Hira! Teka--" Napaigtad siya nang may biglang humawak sa balikat niya upang mapa-angat ang tingin ko don.
"Let me see it."
At nanlaki ang mata niya nang makita niya ang lalaking nagpabaliw sa kaniya ng ilang taon. Ang lalaking gusto niyang kalimutan at ibaon sa hukay kasama ang mga masasamang alaala na iniwan niya. Ang lalaking nagbuo sa kaniya ng hirap sa tatlong taon kung pamumuhay.
At higit sa lahat. Ito ang lalaking ito, ay ang ama ng anak ko.
Ang importante ngayon sa buhay ko.
-----
Sorry for some grammatical errors and typos <3
YOU ARE READING
ONSS2: One Night Stand With a Stranger [ON-HOLD]
פרוזהAttending a party is a mistake.Hira Gomos always remind herself to move on what happened that night. A Stranger took her innocence in the party and she's blaming herself for being a bullheaded. She's drunk and out of herself so she ended up making o...